Kabanata 19

2.1K 57 7
                                    

Minsan ang mga what if's natin ay nagkakatotoo. Sabi nga nila ang mga babae ay may angking galing pagdating sa pag iimbestiga. Papunta ka palang, pabalik na ako. I have a lots of problem and I don't know where to start. Where I find solutions, and where I can get the truthless answers.

"Natanggap ako bilang cook sa barko kong saan na assign si James." Panimula ni Faith.

Nandito kami ngayon sa Lila's Bar. Sinundo niya ako kanina dahil mag cecelebrate daw kami. Hindi ko naman alam na dito niya ako dinala sa isang malaking bar na puno ng tao. Nag dinner narin kami sa bahay bago kami umalis. Hindi nanaman umuwi si Allen kagabi. Ang sabi niya nasa batanes daw sila ni Paul para asikasuhin ang resort na binigay sa'kin ni Papa.

"Iiwan mo rin ako." Nakanguso kong sabi.

"Baliw ka ba 1 month lang naman 'yata 'yun. At tsaka kapag nakapunta akong dubai ay bibilhan kita ng mga bags, diba gusto mo 'yon?"

I nodded. Nanibago din ako kay Faith dahil nuon hindi naman siya marunong mag luto. Pero ngayon magiging chef na siya sa barko. And of course ang dahilan ng pag apply niya ay si James.

"Teka, wala na ba kayo ni Duke?"

"Wala na, bwesit na lalakeng 'yon sana mamatay na siya."

"Ano bang nangyare?"

"Dinedeny ba naman ako, and I used my dummy account to investigate him. And then boom! I knew it."

"Nagluksa ka ba?"

Tumawa siya dahilan kong bakit napakunot ang nuo ko. "Bakit ako magluluksa sa kaniya? ano siya pinagpalang lubos? no, never!"

What the hell? ano yon laro laro? kong sana ay ganyan din ang nararamdaman ko katulad ng nararamdaman ni Faith. Walang kirot, hindi umiiyak, at malayang nakakahinga.

"Kailan ba ang alis mo?"

"Tomorrow, kaya nga inaya kita dito para mag bonding."

"Bonding sa bar?"

"Bakit hindi ka ba nag eenjoy? tignan mo ang daming hot guys dito oh."

"Tsk ewan ko sa'yo."

Umuwi kami ni Faith ng alas diyes ng gabi. Medyo nakainom din ako kaya parang nakakaramdam na ako ng pagod at antok. Medyo nagiging blurry na rin ang paningin ko. Nakita ko na nandito na ang sasakyan ni Allen. Patay na rin ang ilaw sa itaas. He's already asleep.

Pagkapasok ko ng bahay ay ibinato ko ang bag ko sa sofa ngunit ganon nalang ang gulat ko ng masalo iyon ni Allen.

"Oh you're still awake?"

Humakbang ako papalapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. I tried to kiss him in lips but he refuse. What the hell?

"Lasing ka."

"Nope, I'm just tipsy." Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa sofa. Pagod na pagod na ako.

"Pumunta ka daw sa office at nagwala. Bakit ka nag eskandalo sa opisina ko? at sinampal mo pa ang sekretarya ko."

Oh he already knows about it. Sino Kaya ang nagsumbong? yong sekretarya niya ba or maybe si Paul?

"Huwag mo ng uulitin 'yon Adi, nakakahiya ka."

Ouch. Dahan dahan akong napaupo ng marinig ko nanaman ang salitang 'yon. Natatawa nalang ako dahil sa sinabi niya. I won't cry.

"I'm sorry Allen kong nakakahiya ako ha, pasensya na talaga."

"Don't be sarcastic Adriel. Sobrang napupuno na ako sayo. Ang akala ko nagbago kana pero ano? ganun ka parin. Still warfreak, possesive and such a overthinker, at akala mo hindi ko malalaman na pinapasundan mo ako dati? fvck Adi! you should stop this. Nahihibang kana!"

Hindi ako nagsalita. Nakinig lang ako sa mga sinasabi niya. Inaamin kong nasasaktan ako dahil sa mga binitawan niyang salita. Pero ayoko ng makipag talo sa kaniya. Pagod na pagod na ako.

"If you do it again, I'll file the annulment."

Gusto kong tumayo at pagsasampalin siya ngunit hindi ko magawa. Nanatili lang akong tulala hanggang sa may may pumasok sa utak ko na siyang ikinabagsak ng mga luha ko.

"You're always like that Allen, sanay na ako. Kahit na ako ang asawa mo ay never mo akong kinampihan. Mas pumapanig ka sa ibang tao kesa sa'kin. Sa tuwing bumibitaw ka ng mga masasakit na salita ay dinadamdam ko 'yun gabi gabi. Tinatanong ko sa sarili ko kong mahal mo ba ako.....kasi kong ako ang tatanungin kong mahal kita, yes I do love you more than my self. Pero parang hindi mo ako nakikita. Hindi mo nakikita ang pagmamahal ko. Hindi kita masisisi kong mag kagusto ka sa iba dahil kasalanan ko naman. Sobrang possesive ko, overthinker, praning, warfreak, martyr. Ganyan ang sinasabi niyo palagi sa'kin. Pero tinatanggap ko 'yun. Sorry kong nasasakal ka sa paraan ng pag mamahal ko, sadyang mahal lang talaga kita."

Tumayo ako at dahan dahang naglakad paakyat sa itaas. Hindi ko siya tinignan manlang dahil sa sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko. I want to rest. Hinihiling ko na sana bukas pag gising ko, wala na lahat ng kirot na nararamdaman ko ngayon. Sana panaginip nalang lahat ng ito.

Nagising ako ng maramdaman kong parang binibiyak ang ulo ko. Dahan dahan akong tumayo at uminom ng tubig.

Medyo nalasing pala ako kagabi dahil dinala ako ni Faith sa isang bar. Kahit na medyo lasing ako ay malinaw parin sa akin ang naging usapan namin ni Allen. As usual wala nanaman siya. Parang bumabalik nanaman sa dati ang lahat. Hindi nanaman siya umuuwi sa akin.

Ngayon sasakay ng barko si Faith. Ang sabi niya ay ihahatid ko raw siya kaya naligo na ako at nag bihis.

I am wearing a black dress na hanggang tuhod at nag suot din ako ng white cardigan. Si Mang Rio ang maghahatid sa amin papuntang port.

"Mag iingat ka."

Mahigpit kong niyakap si Faith. Nakita kong namula ang mga mata niya kaya hinalikan ko siya sa pisnge.

"Ano ba huwag ka ngang umiyak parang baliw 'to."

"Kapag may nangyari sa'yo tawagan mo ako kaagad dahil bababa ako ng barko para damayan ka."

I smiled.

"Sige na pumasok kana sa loob."

Hinintay pa namin bago makapasok si Faith sa loob ng barko. Mas lumawak ang ngiti ko ng nakita kong pumasok na rin sa loob si James suot suot ang uniform niyang pang seaman. Baliw na baliw dito si Faith eh."

"Ma'am Adi tara na 'po?"

"Sige po."

Bumyahe na kami pabalik. Iniisip ko nanaman kong anong gagawin ko. Wala sina Bevei sa kanila dahil nasa spain sila. Umalis narin si Faith para mag trabaho at ganun din si Ellen. Abala naman sina Tuval, Gilcy, at Veronica sa pag eensayo dahil may Fashion show silang dadaluhan sa Paris para sa Dior.

Napag isip isip ko na pupunta nalang ako sa amusement park para mag aliw aliw at libangin ang sarili. Nagpahatid ako kay Mang Rio sa destinasyon ko. Ang sabi niya ay hihintayin niya nalang daw ako kaya kaagad naman akong pumayag.

Habang naglalakad lakad ako ay hindi ko maiwasang mainggit sa mga taong nakikita kong nag bobonding kasama ang pamilya nila. Naalala ko tuloy sina mama, papa at ang dalawa kong kapatid. I miss them so much, but I think they didn't.

Napatulala ako ng makita ko si Gilcy—no she's not Gilcy. She's the fake Gilcy kasama ang anak niya sa di kalayuan. At parang nanlambot ang mga tuhod ko na parang sinasaksak ang puso ko ng makita ko si Allen na papunta sa gawi nila habang may bitbit na ice cream.

Niyakap siya ng bata at tinawag na 'Papa'

"Thank you papa for the ice cream!"

"Your welcome Nami, kainin mo na yan."

Nagtago ako sa mataas na pader para hindi nila ako makita. Sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko ng makita kong niyakap ng babae ang asawa ko. Parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin maintindihan kong bakit may ganito.

Sila ba ang dahilan kong bakit hindi umuuwi ang asawa ko? sila ba ang dahilan kong bakit nagkakalabuan na kami ni Allen? nakita ko mismo sa dalawa kong mga mata na niloloko nga ako ni Allen. For almost three years of marriage bakit ngayon ko lang nalaman 'to?

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon