"Bevei anong gusto mong kainin?"
Nandito kami ngayon sa mall. Ipinagpaalam ko kay mama at papa pati narin kay Allen na ilalabas ko si Bevei ngayon. Gusto ko kasing mag bonding kaming dalawa. Bukod sa nababagot na ako sa bahay ay naisipan kong gumala nalang kasama si Bevei.
"I w-want ice cream p-po."
Saktong nasa harap din namin ang nagbebenta ng ice cream kaya binilhan ko na siya.
"Ate pabili nga po isa, yong pinakamalaki."
Habang naghihintay kami ng ice cream ay nahagip ng tingin ko si Gilcy. Kahit talaga sa malayo ay ang ganda ganda niya. Mag kasing tangkad lang din kami. May kasama siyang bata. Siguro mga nasa seven years old palang ito.
Kumaway ako kay Gilcy na kaagad naman niyang ikinagulat. Hinigit siya ng bata papunta sa direksyon namin kong saan itinuturo ng bata ang ice cream.
"Mama I want ice cream!"
Mama? may anak na siya? hindi halata sa kaniya na may anak na siya. At ang cute ng anak niya. Naka suot pa ito ng uniform at suot ang maliit nitong bag.
"Okay, I'll buy you one."
"Anak mo?" I suddenly ask.
She nodded. "Yes."
"Ang cute naman."
"Anak mo rin?" Turo niya kay Bevei.
"Hindi, kapatid siya ng asawa ko."
"Oh I see."
Natahimik kaming pareho. Tanging ang anak lang niya ang salita ng salita. Inabot na sakin ni ate ang binili kong ice cream. Binigay ko naman iyon kay Bevei.
"Bevei eto na."
"Thank y-you ate.."
"She's..."
Naintindihan ko kong anong gusto niyang iparating kaya tumango ako kay Gilcy.
"Mama bakit hindi siya diretso mag salita?"
Nagulat ako sa sinabi ng anak niya. Kaagad namang tinakpan ni Gilcy ang bunganga ng bata.
"Nami don't say that, she doesn't want to hear that kind of words."
Mas lalo akong naguluhan kay Gilcy. How did she know? bakit alam niya na ayaw na ayaw marinig ni Bevei ang mga ganoong salita?
Hindi nalang ako kumibo at nagpaalam na sa kanila. Dinala ko si Bevei sa isang boutique para bilhan ng damit. Itinuro niya ang white dress na may malaking ribbon sa likod. Nagustuhan ko naman iyon dahil alam kong bagay na bagay 'iyon sa kanya. Bukod sa damit na 'yon ay binilhan ko pa siya ng ibat ibang designs ng dress.
Pagkatapos namin maglibot libot ay napagpasyahan na namin umuwi. Ginapangan ng antok si Bevei kaya ng makauwi kami sa bahay nila ay kaagad siyang napabagsak sa sofa. Mahigit limang oras din kaming naglibot libot sa mall kaya natural lang na mapagod ang bata.
"Pagod na pagod ang baby namin."
"Oo nga po, alam mo ba mama ang saya saya niya kanina 'nong dinala ko siya sa mall."
"Minsan lang kasi siya makalabas. Niyayaya ko naman siya para gumala ay tinatanggihan niya naman ako, dahil kapag nakikita siya ng ibang bata ay tinutukso siya. Kaya mas mabuting dito nalang daw siya sa bahay. Mabuti na ngalang pumayag siyang sumama sa'yo."
"Magaling po kasi ako mang-uto mama."
We both laughed.
"Marami along binili sa kaniya nasa itaas na pinadala ko kanina kay manang sesil."
"Nako salamat talaga anak.
Matapos namin mag usap ni mama ay napag-pasyahan ko ng umuwi kasi mag gagabe na at kailangan ko pang magluto ng hapunan.
Habang nag aabang ako ng taxi ng may humintong sasakyan sa harap ko.
"Hi Adi."
Tsk siya nanaman? kong yayayain niya akong ihatid muli ay hindi na ako papayag. Ayokong magalit nanaman sa'kin si Allen.
"Hindi ako magpapahatid sa'yo."
He smirked. "Wala pa nga akong sinasabi Adi."
"Whatever!"
Pinara ko ang papalapit na taxi at huminto naman ito sa harap ko. Bago pa ako makapasok sa loob ay muling nagsalita si Emman.
"Be my ambassador Adi, please I want you."
Hindi ko ba alam sa lalakeng 'to kong bakit pinipilit niya ako ng malala. Kahit na malaki ang i offer niya sakin ay hindi parin ako papagay.
"Ikaw lang ang pasok sa standards ko Adi, bagong mukha mas better."
"Eh diba dapat ang mga sikat na model ang piliin mo, choose Gilcy."
Ngumiwi siya. "I don't like Gilcy masyado siyang maingay, at marami narin ang kumukuha sa kaniya."
Maingay? si Gilcy? eh bakit 'nong nakausap ko siya kanina ay parang ayaw gumalaw ng dila niya? hays siguro nga hindi ko pa siya gaanong kilala.
"Please Adi..."
"Ayokong maging talk of the town Emman."
"Bakit? you're beautiful, bakit ayaw mo maging famous?"
"Basta ayoko, kapag model ka o showbiz buong pagkatao mo kakalkalin ng mga reporters at journalist. Ayoko ng ganon."
Tahimik ang buhay ko ngayon. Ayokong sirain 'yon. Hindi ko gusto ang pinapakialaman ang buhay ko.
"Aalis na ako."
Kanina pa dapat ako nakauwi ngunit hinigit ako kanina ni Emman papasok sa sasakyan niya at dinala dito sa isang restaurant para pilitin akong maging ambassador daw niya.
"Please think about it Adi, matagal pa naman 'yon."
"Okay."
Kaagad na akong umalis. Nang makauwi ako ay napaupo ako sa sofa. Pagod na pagod ako. Gusto ko na sanang matulog kaya lang naalala ko na magluluto pa pala ako ng hapunan. Umakyat ako sa taas at naligo na muna pagkatapos ay nag umpisa ng magluto.
Sumilip ako sa bintana. Umuulan sa labas. Naisip ko si Allen kong saan na ba siya. Kinuha ko ang phone ko para sana tawagan siya ng biglang bumukas ang pinto.
"May pagkain ba dyan?"
Napanguso ako ng makita ko si Ellen na basang basa. Anong ginawa ng babaeng 'to at bakit basang basa siya. Inabutan ko siya ng tuwalya para hindi siya ginawin.
"Maligo kana muna 'don."
"Adi I have something to tell you."
"What is it?"
"Adi ayaw kitang sak—"
"I'm home."
Napangiti ako ng makita si Allen. Medyo nabasa din siya ng ulan kaya inabutan ko siya ng tuwalya.
"Ellen—"
Tawag ko ngunit napalutol din when I saw her looking at Allen with her critical eyes. What happened to her?
"Ellen maligo kana baka sipunin ka."
Tumango naman siya at kaagad ng dumiretso sa banyo.
"Bakit nandito 'yan?"
"Hindi ko alam, mukhang may sasabihin yata siya."
"Anong sinabi niya?"
"Hindi niya natuloy kasi dumating ka, ang mabuti pa maligo kana muna pagkatapos ay kakain na tayo."
He nodded. Umakyat na siya sa itaas para maligo. Nandito kasi sa baba si Ellen naliligo. Ano kaya ang sasabihin ng baliw na 'yon at bakit basang basa siya sa ulan.
I'll ask her later, kong anong gusto niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Wife's Devotion
RomanceAdriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was pregnant, Allen was so happy that time, and he was very excited to become a daddy. But a months later, A...