Huminto ang taxi na sinasakyan ko sa harap ng Ravino El Condominium kong saan nakatira ngayon si Allen. Hindi ko alam kong bakit bumili siya ng condo, hindi rin ito nabanggit sa akin ni papa. Siguro ay binili niya 'to para may pagdadalhan siya ng mga babae niya. Malalaman ko parin 'yon.
Bumaba ako ng taxi at diretsyong pumasok sa loob ng Comdominium. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 7th floor.
Wala naman akong nararamdamang kaba o kahit na kirot sa dibdib. At hindi ko naman aawayin si Allen. Gusto ko lang na malaman kong anong ginagawa niya at kong maayos ba ang tinitirhan niya.
Alas tres palang ng hapon at sigurado akong nasa opisina pa si Allen. Nang tumunog ang elevator ay kaagad na akong lumabas. Bago ko hanapin ang Room 107 ay nagtungo muna ako sa isang receptionist.
"Hindi po pwede ma'am."
Binaba ko ang suot kong black glasses at inalis ko rin ang malong na suot ko. Bigay pa ito ni mama 'nong high school ako.
"I am Adriel Sandoval, asawa ko si Allen Sandoval."
"P-pasensya na po ma'am, s-saglit lang po..."
Inabot niya sakin ang key card ng bahay ni Allen. Nakangiti ko naman itong kinuha.
"Thank you.."
Tinalikuran ko na ang babae at dumiretso na sa paglalakad. Mabuti nalang at nahanap ko kaagad ang bahay ni Allen. Nang mabuksan ko na ay kaagad na akong pumasok.
Malinising tao si Allen. Namangha ako ng makitang sobrang linis ng sala. Walang kahit na anong frame na nakasabit sa bawat dingding. Nagtungo ako sa kusina at dahan dahang binuksan ang refrigerator. Napalunok ako ng makitang walang laman ang ref. Dumapo ang tingin ko sa rice cooker na walang laman. Madumi pa ito at halatang hindi pa nahuhugasan. May isang pinggan din sa lababo na hindi pa nahuhugasan. Siguro dahil sa pagmamadali niya ay hindi na niya nalinis ang mga dapat linisin.
Hinubad ko ang suot kong cardigan at sinimulan na linisin ang mga nakikita kong kalat sa kusina. Inabot lang ako ng ilang minuto bago nag tungo sa kwarto niya.
I smiled ng muli kong maamoy ang mabangong hatid ng bawat gamit ni Allen. Pakiramdam ko nasa tabi ko na ulit siya. I miss his scent, I miss my husband.
Napahawak ako sa bibig ko ng makita ko ang litrato namin ni Allen ng ikasal kami na malinis na nakapatong sa study table. Dahan dahan ko itong hinawakan. May namuong luha sa mga mata ko. Okay lang sa'kin kahit na hindi ako inuuwian ni Allen, basta naaalala niya ako, okay na yon.
Bumagsak ang mga luha ko ng makita ko sa malaking frame ang litrato namin 'nong kinasal kami. Sinusuotan ko ng singsing si Allen. At tanging kamay lang namin ang kuha sa litrato.
Matagal din akong tumambay sa kwarto ni Allen. Sa tuwing hihiga ako sa kama niya ay pakiramdam ko yakap yakap niya ako. Tinignan ko kong anong oras na, alas singko na pala ng hapon. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Ellen.
"Eli where are you?"
'Grocery ako dai'
"Tamang tama may ipapabili ako, itetext ko nalang sa'yo."
'Sige wait ko yan.'
Pinutol ko na ang linya at itinext na kay Ellen ang ipapabili ko. Bago ako aalis ay lulutuan ko muna si Allen ng ulam para naman makakain siya ng maayos.
Binuhos ko lahat ng effort ko. Dumating narin ang pinabili ko kay Ellen. Una kong ginawa ay nag saing ako at nagsimula ng magluto ng sinigang na baboy.
Inabot ako ng isang oras sa pagluluto. Mabuti nalang ay hindi pa dumadating si Allen. Hindi niya pwede malaman na nagpunta ako dito. Kinausap ko na rin ang isang receptionist na huwag sabihin kong kanino galing ang niluto kong sinigang.
BINABASA MO ANG
Wife's Devotion
Lãng mạnAdriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was pregnant, Allen was so happy that time, and he was very excited to become a daddy. But a months later, A...