Kinaumagahan ay inuwi ako ni Allen sa bahay. Maayos ang pag uusap namin nong gabing yon. Ikwinento niya sa akin lahat kung ano ang nangyari sa anim na taon na wala ako sa tabi niya. Namangha ako ng malaman na marunong na siya magluto, maglinis ng bahay, at maglaba ng sarili niyang mga damit. Hindi ko akalain na malaki ang pagbabago ni Allen simula nong iwan ko siya.
Natawa nalang din ako ng malaman na naglabas siya ng malaking pera para mahanap lang ako. Sabay kaming kumain ng umagahan at tanghalian non. Pagkatapos ay bumalik narin siya sa trabaho dahil marami pa siyang aasikasuhin.
Kasalukuyan naman akong nagtitimpla ng gatas para kay Adri. Iniwan siya ni Ellen ngayon dito para kumuha ng pera padala ng asawa niya.
"Adri here's your milk."
Pinapakain ko siya ngayon ng brownies kahit na ang bilin ni Ellen ay huwag pakainin ng matatamis. Pero dahil matigas ang ulo ko ay pinakain ko parin. Dapat ma enjoy rin ng bata ang pagkain ng matatamis minsan no.
"Ano masarap ba anak?"
"O-opo super sarap po."
"Secret lang natin to ha, wag mong sabihin kay mommy na pinakain ka ni titamommy ng matamis."
"Opo titamommy."
Sobrang bibo ni Adri. Kung pwede lang ay hindi ko na siya ibabalik kay Ellen. Kaagad akong napatayo ng tumunog ang door bell.
Binuksan ko ang pinto at biglang nawala ang ngiti ko ng makita si Emman. May bitbit siyang plastik na siguro ang laman ay mga pagkain.
"Good afternoon khon di!"
"Pasok ka."
Nang makapasok siya sa loob ay kaagad niyang dinaluhan si Adri.
"Hello baby, iniwan kananaman ng mommy mo? kawawa ka naman."
Kinuha ko sa kaniya ang mga dala niyang plastic at inilagay sa kusina. Nakita ko naman na inaalalayan niya ngayon si Adri sa paghawak ng baso para makainom ng maayos ang bata.
"Bakit ka nga pala nandito?" Bungad ko ng makalapit ako sa kanila.
"Why love, hindi mo ba ako namimiss?"
Tumayo siya at hinalikan ako sa noo. Sobrang nakokonsensya na ako. Naguguluhan narin ako sa nararamdaman ko ngayon.
"Adri hindi ako namimiss ng titamommy mo, iiyak na ba ako?"
Ngumisi ako ng makita ko si Adri na nahimik lang din na nakangisi dahil kay Emman.
"By the way love magpapaalam ako sayo, may business akong aasikasuhin sa isang probinsya. Aabutin ako ng dalawang buwan 'don. Okay lang ba sa'yo?"
Huminga ako ng malalim tsaka tumango.
"Bakit ang tahimik mo ngayon?"
"Wala p-pagod lang ako."
Natahimik kami ng ilang saglit. Sabay kaming napalingon ni Emman ng mag ring ang cellphone kung nakapatong sa lamesa. Naging matagal ang titig ni Emman sa screen ng cellphone ko. Humakbang naman ako papalapit sa lamesa para alamin kung sino ang tumatawag. Kaagad naman akong lumingon kay Emman na ngayon ay pagod na nakangiti.
"Okay na kayo?" He suddenly ask with his soft tone.
"A-ano bang sinasabi mo Emman?"
"Adi kilala kita."
"Trabaho lang ang itinatawag ni Allen."
"Ikaw ang tinatrabaho niya, he's chasing you."
Humakbang ako papalapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Wife's Devotion
RomanceNote: Wife's Devotion is under editing. Adriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was pregnant, Allen was so happy that time, and he was very excited...