Mabilis na lumipas ang mga araw. Marami din ang nangyari sa unang linggo ng pananatili ko dito sa pilipinas. Halos araw araw akong umaalis kasama sina Veronica at Gilcy. Sinusundo nila ako sa bahay ko ng hindi ko alam. Sa umaga ay tambay girls kami sa mall, at sa gabi naman ay tambay girls kami sa bar. Well dati ay wala akong hilig mag bar, pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan ko na si Madee at Thira ay natutunan ko kung uminom at sumayaw.
"Oh my god nakakatawa talaga kapag lasing si Gilcy." Bungad ni Veronica.
Nandito kami ngayon sa isang sikat na bar. Dalawa lang kaming nakaupo ngayon ni Veronica dahil si Gilcy ay pagewang gewang na sumasayaw sa harap. Konti lang din ang ininom ko dahil mag mamaneho pa ako, bawal akong mag lasing ngayon. Napatingin ako sa relo ko at napabuntong hininga nalang ng makitang mag aalauna na ng umaga.
"Veron we need to go home, may photoshoot pa tayo bukas."
Inubos ni Veronica ang alak sa baso niya. Nakitang kung ngumiwi ito dahil sa hatid ng kakaibang lasa ng alak.
"Kukunin ko na si Gilcy."
"Okay, hihintayin ko kayo sa labas."
She nodded. Tumayo narin ako at naglakad palabas. Nang makalabas ako ay naglakad na ako papunta sa sasakyan kung nakapark sa likod ng bar. Feeling ko nag iinit ang tenga ko dahil sa nainom ko kanina. Tatlong shot lang naman 'yun, mas target ko kasi ang pulutan naming chicharon.
Habang abala ako sa paghahanap ng susi ko sa bag ng bigla akong mabunggo sa matitigas na dibdib ng isang lalake. Kaagad akong umangat ng tingin para humingi ng tawad ngunit nawalan ng emosyon ang mukha ko ng makita kung matiim na nakatitig sa akin si Allen. What is he doing here? hindi naman sa assuming ako ha pero feeling ko sinusundan niya ako my god!
"What are you doing here?" Panimula niya.
I rolled my eyes. "Ano bang ginagawa sa bar Allen? malamang uminom at nagpakasaya."
"Bakit ka uminom?"
"So anong ineexpect mong gawin ko sa loob ng bar mag rosaryo? tanga kaba Allen?"
"Shut your mouth Adi, you're not like this."
"I'm not like this, before. People change Allen."
Akmang tatalikuran ko na siya ng pigilan niya ako. Bakit ba palagi nalang niya akong pinipigilan? isa nalang talaga at masusuntok ko 'tong lalakeng 'to. Umiinit ang tenga ko dahil sa inis!
"Adi..."
"What?!" Mataray kong tanong.
Kailangan ko ng gumalaw dahil baka naghihintay na sa akin sina Veronica at Gilcy. Ihahatid ko pa ang dalawang 'yun.
"I'll take you home."
I smirked. "Take me home? hindi mo ba nakikita na sasakyan ko 'to? mag kakaroon ba ako ng sarili kung sasakyan kung hindi ako marunong mag maneho?"
Nakita kung napalunok siya dahil sa sinabi ko. Alam kung marami ang naninibago sa ugali ko ngayon, pero ako na 'to. I've change, at patuloy pa akong magbabago kapag nasasaktan ako. Kaya sana maintindihan nila kung bakit ako nagkakaganito. Dahil minsan ang sakit ang dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao. Wala na akong dapat i explain sa kahit na sino, dahil ito na ako ngayon. Wala na yung Adriel na palaging nauuto, kinakaawaan at hindi marunong lumaban.
"Hindi ka ba talaga makaintindi ng huwag mo na akong guluhin? matalino ka diba? so dapat naiintindihan mo yun kasi tinagalog ko na para mas maintindihan mo."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at kaagad ng pumasok sa sasakyan. Pinaandar ko iyun papapunta sa harap ng bar. Malayo palang ay nakikita ko ng gumugulong na si Gilcy sa lapag at nagsusuka.
BINABASA MO ANG
Wife's Devotion
Любовные романыAdriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was pregnant, Allen was so happy that time, and he was very excited to become a daddy. But a months later, A...