Chapter 6

891 38 0
                                    

[Unedited]

Decision


"Maiba tayo. So, gusto mo bang ipasiyal ka namin dito sa academy? Sigurado akong di ka magsisi. Maraming interesanteng bagay dito," masayang sambit ni Arrilyn sa akin.




Teka... bakit parang lagi nilang binabago at nilalayo ang usapan? Anong alam nila na hindi ko alam?




Imbes na komontra ay tumango nalang ako. Parehong ngumiti ang mga ito sa akin bago nila ako iginaya palabas. Kada minuto ay napapatingin ako sa mga pader na nakapaskil, may mga bandera rin na nakasabit sa bawat hall na mararaanan namin. I think that it's represent as group or rank? Ewan ko. Nahihiya pa akong mag tanong sa ngayon.




Isa rin sa una kong napansin ang suot ng mga studyante. Hindi ito tulad ng mga uniporme na nakikita ko sa normal na mundo, isa siguro ito sa pinagkaiba nitong academy sa mundong kinagisnan ko. Lahat ng uniform nila ay may kakaibang desinyo at kulay maging ang gilid ng mga ito ay naiiba; pula, blue at puti. 'Ano kayang symbol noon?" tanong ko sa isip ko nang makita ang tag na nakalagay sa gilid ng uniform ng mga ito. May nakita akong agila, dragon, kalasag, and black fire? Not sure...





"Simbolo kung saang lugar sila nanggaling..." ani ni Arrilyn nang mapansin nitong nakatingin ako roon. "Erephoria na ngayon ay Serephoria; pure, strength, water, unknown. Alphamias na ngayon ay Liminous; power, defense, air, magic. Dangetrinos; Curse, moving speed, earth, confusion. Sintephos; wrath, hold, fire, sin."




Ito na, chismiss na.




"Itong lugar ba na ito ay Liminous?" tanong ko.




Tumango ito. "How did you know?" tanong nito pabalik.





"Sabi ng lalaking nagdala sa akin, welcome to Liminous."





"Let's go to the garden? We can't stay here, longer... baka naghihintay na sila. Pero saglit muna tayong mag-relax sa garden."





Relax... ako depressed.




Pareho kaming tumango ni Hera kay Arrilyn bago namin tinungo ang sinasabi nitong garden.




'BEAUTIFUL'. Unang nasabi ko nang makapunta kami sa garden.





"Kami lang ang puwedeng pumasok dito. This garden are under my care."




Mabilis akong napalingon kay Hera nang magsalita ito habang nakatingala sa kahel na kalangitan. Inilibot ko ang mata sa paligid at bahagyang napapikit nang umihip ang may katamtamang hangin.




Masarap ngang tumambay dito napakaganda ng garden nila; mula sa malinis na paligid, iba't-ibang kulay na mga bulaklak, at iilang fairies na lumilipad. It feels soothing, she feel like she want to live here.




I felt free.




"Maganda... halatang naaalagaan ng maayos," ani ko kalaunan at tumingala rin sa taas habang pinagmamasdan ang kalangitan.




"Dito kami madalas ni Hera, minsan dito rin ang buong council. Dito ang pahingahan namin," pakikisali rin sa usapan ni Arrilyn kaya napatingin din ako sa babae. Nakatingin lang ito sa kalangitan habang nagsasalita.




SANDALI pa kaming tumambay doon bago naisipang bumalik na sa dorm. Nagulat pa nga ako nang madatnan namin ang mga lalaki na prenteng naka upo sa sofa.




The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon