Chapter 13

691 36 0
                                    

[Unedited]

Welcome back


"Elara?! Ikaw nga! What the hell?!" Sigaw nito at lumapit sa gate. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino ito!




"Arrilyn?! Na-miss kita! 'Di bumubukas ang pinto!" pagsusumbong ko at bahagya pang humawak sa gate.




Natutuwa akong nakabalik pa ako! Maraming salamat kay Selene at sa lola nito!




"Wait a minutes, tatawag ako ng may mag bubukas. Hintayin mo ako!" sambit nito sa akin tila nagmamadali. Tumango ako sa kaniya bago siya tumakbo pabalik. Binalingan ko si Selene na tulala lang kaya hinawakan ko ito at mahinang niyugyog ang balikat.




"Saan na s'ya?!" Sigaw nito at bahagya pang sumilip sa gate. Sinubukan nitong hawakan ang gate pero napa 'aray' ito kaya nagtaka ako.




"Bakit?" tanong ko, tiningnan ko ang kamay nito at nag-alala para sa kaniya nang makitang namumula ito.




"Nakuryente ako!" ani nito at hinimas-himas ang kamay. Nagtataka naman akong humawak sa gate pero hindi nangyari sa akin ang sinabi ng dalaga. Nagkibit-balikat nalang ako.




Marahil ay studyante ako ng akademya kaya hindi ako na kuryente tulad ng sinabi nito.




"Sino nga palang siya ang tinutukoy mo?" tanong ko nang maalala ang sinabi ng dalaga kanina.




"Si Miss Arrilyn! Sikat na sikat sila sa nayon! Hindi ako nakapagpakilala, pangarap ko dati pa na maka-usap ang council!" ani niya na may saya sa boses at bahagyang sumilip sa loob.




"A-ahh, hahaha!" awkward akong tumawa, 'di alam ang sasabihin.





Paano ko sasabihing ako ay nasa pangangalaga ng mga ito, ngayon?





"T-teka?! Bakit ka nga pala kilala ni Miss Arrilyn?" nagtatakang tanong niya.





Ito na nga bang sinasabi ko, e.




"Ah, minsan na kasi a-akong tinulungan ni Arrilyn na ma-mag libot sa akademya." Nilingon ko ito pero nakatitig lang ito sa akin at hindi kumukurap kaya pinitik ko ang noo ng babae.





Minsan, kailangan ko ding magsinungaling.





"Ano, nakasama mo siya sa paglibot sa akademya?!" Napatalon ako sa biglang pagsigaw nito. Buti nalang kaming dalawa lang sa labas! Nakakagulat talaga ang babae.




Tumango nalang ako rito. Habang ito'y hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.





Pinaliwanag ko nalang rito ang kunting detalye habang wala pa si Arrilyn. Gulat na gulat ito at bahagya pang lumayo sa akin kaya natawa nalang ako.





Pagkatapos din no'n ay nagpaalam na itong aalis na dahil hindi ito p'wedeng magtagal sa harap ng academy. Niyakap ko nalang ito at nagpasalamat sa dalaga.




I own my life to them.





Umiyak pa nga ito at nagsabing pipilitin raw nitong makasali sa makakapasok na studyante sa Alestria, sunod taon. Sakto ring pag-alis nito ang pag dating ni Arrilyn pero nanlaki ang mata ko nang may kasama ito.





The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon