Chapter 51

540 4 9
                                    

Unedited

Larissa



"Don't, masasaktan ka sa ginagawa mo," mahinahon nitong sambit.




"Bitawan mo kasi ako!" may kalakasan kong ani kaya napatingin ang iba at sininyasan kaming tumahimik.




Hindi na ako nagsalita nang hilain niya na ako at sumunod sa iba, hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Huminto kaming lahat sa likod ng akademya matapos maka-ilang beses na magtago sa mga nagbabantay. May ginawa 'ata si Eagel upang pansamantalang mawala ang presensiya namin.




"A-Anong ginagawa natin dito? Nasa kabila ang labasan?"





Hindi ko na napigilang magtanong. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nandito kami sa likod ng akademya gayong nasa kabila ang labasan. Hindi naman puwedeng lumusot kami sa pader dahil tutunog ang alarm ng akademya.




"We can't cross through the gate. Ms. Christine will surely catch us," ani ni Theron na siyang sumagot sa tanong ko.






Napatango-tango ako, oo nga naman. Hindi kami puwedeng dumaan sa kabila dahil imposibleng hindi malaman ito ng matandang dalaga na iyon gayong monitor nito ang lahat.





"K-Kung ganoon paano tayo makakaalis?"




"Commander-"



"Why you'll took so long?" ani ng baritonong boses sa likod namin.





Nanlalaki ang matang tumingin ako kay Wrathrome. Parang may kung anong umihip sa dibdib ko sa kaba ng dumako ang tingin nito sa magkahawak na kamay namin ni Zeinon. Doon ko pa lang napagtantong magkahawak pa rin pala kami ng kamay! Mabilis kong hinawi ang kamay ni Zeinon at kinakabahang tumingin sa lalaki na walang emosiyong nakikipagtitigan sa lalaki.





I cleared my throat. "A-Ano ng g-gagawin natin?" Napangiwi ako ng walang nagsalita sa kanila.




Anong gagawin ko?! Hahakbang na sana ako paatras upang tabihan si Hera at Arrilyn sa likod namin ng maunahan ako ni Wrathrome Gael. Naglakad ito na may malalamig at madilim ang matang nakatingin sa dadaanan niya. Magkasalubong din ang kilay nito at bahagyang gumagalaw ang panga. Dumaan ang lalaki sa gitna mismo namin ni Zeinon dahilan para maghiwalay kami at mapaatras ako ng kunti sa gilid.




"Arrilyn, Theseus, Addi, go with Zeinon. While you Eagel, take Theron and Hera."




Sumunod naman lahat sa sinabi ni Wrathrome maliban kay Zeinon na nagsalita.




"What about Elara? I will also get her-"




"No, she's with me."




A strong arm embraced me. I have not yet recovered from the shock of his arm wrapping around in me when he suddenly teleported holding me at my waist not minding the others that left behind.






LIFELESS place welcome them as both Wrathrome and Elara teleported. The air filled with silence as no one in them dared to talk but Elara know more than else that she need to explain something. Who wouldn't? She know her fault and didn't deny it though she didn't want it!




"You need a lot to explain once this shit will done," ani ni Wrathrome sa kaniya at pinisil ang bewang niya bago nito binitawan ang pagkakahawak.




Magsasalita na sana si Elara nang lumitaw ang iba sa unahan lang din na bahagi. Nagkibit balikat na lang ang babae. 'Mamaya na lang kapag nakauwi,' ani niya sa isipan. Kampanti silang dalawa na naglakad at lumapit sa iba pa.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon