Chapter 30

447 10 0
                                    

[Unedited]

Mix Signal



Pumasok ako at bumungad si Wrathrome na naka-upo sa table nito habang tinatapik ang daliri na nakatingin sa akin. Sinuyod nito ang ayos ko at napataas ang kilay.




"Why the hell you're wearing nothing but a damn towel?!" Pasigaw na ani nito ngunit mahinahon naman ang mukhang nakatingin sa akin.




Yumuko ako para tingnan ang suot ko, "nakalimutan ko pambihis ko." Napabuntong-hininga ako.




Hindi na siya nagsalita sa halip ay tinuro nito ang damit at boxer short na nakalagay sa kama nito. Walang ingay akong nagtungo roon at kinuha ang susuotin bago pumasok sa closet niya at nagbihis.




Paglabas ko'y nandoon pa rin ang lalaki ngunit may hawak na itong isa pang towel. Pasimple ko siyang tiningnan at nakitang nakatingin na ito sa akin habang sinusuyod ang kabuohan ko. Napailing na lang ako. Sininyasan ako nitong lumapit kaya dumiretso ako sa kaniya. Marahan nitong hinawakan ang kamay ko at iniipit ako sa pagitan ng hita niya habang seryosong pinunasan ang buhok ko para madaling matuyo. Napanguso ako, iyan nanaman siya sa bulok niyang galawan. Ito namang si ako, nagpapauto rin.




"You shouldn't forget putting your clothes, next time. Huwag kang makampante sa lalaki, even me. I'm a man, the man are inevitably horny." Hindi pa rin ito tapos sa sinabi kaniya, kung ano-ano pang sinabi nito na pangaral sa akin habang tango lang ang tugon ko sa kaniya.




Papasa si Wrathrome bilang tatay ko, pero mas maganda siguro kung asawa. Iniikot ako nito patalikod at pinunasan ang basang bahagi sa leeg ko. Dala ng tulo ng tubig. Pagkatapos noon ay hindi na ito nagsalita.




Tahimik lang siya habang tinutuyo ang buhok ko. I feel guilty, I don't have any intention na lumabas ng naka-towel pero I have no choice. Alam 'yon ng lalaki, ang hindi ko alam ano ang ikinagagalit nito; kung galit nga ba. 




"Sorry..." mahina kong ani.




Tumigil ang lalaki sa pagpunas sa akin at tiningnan ako ng mariin. Hinila ako nito at pinaupo sa kandungan niya. Ipinalibot nito ang kamay sa bewang ko para gawing suporta kung sakaling mahulog ako.




"Don't please others if you know that you didn't do nothing wrong. Pinagsabihan lang kita kanina, hindi ako galit."




Napakurap-kurap ako at piniling hindi nalang magsalita. Bakit siya ganoon? Bakit kailangan niyang sabihin iyon? Paano kung... paano kung masanay ako sa mga salita niya? Paano kung masanay ako sa mga hawak niya? Tapos dumating ang araw na iiwan ako nito? Wala akong panghahawakan kasi wala naman akong dapat kapitan.





Lihim akong ngumiti ng mapait. After that, nag paalam siya na aalis lang ito para maligo. Ako naman ay hinintay ito bago ako magpaalam na babalik na sa mismong library.





"Kumain ka muna," ani agad ng lalaki nang makapasok ito.




Nangunot ang noo ko, wala naman itong kusina rito? Wala rin akong nakikitang mga p'wedeng lutuin dito sa k'warto. Tila nabasa ng lalaki ang nasa isip ko dahil lumapit ito sa akin at hinila ako ng marahan palabas. Pasimple kong nilingon ang basa nitong buhok na tumulo sa towel na nakasabit sa leeg nito, 'di rin nakatulong sa sistema ko na wala itong suot pang itaas.





Sarap kurutin. Ehe.







"We're here."





Tumingin ako sa lalaki para malaman kung anong tinutukoy nito. Nakatingin lang ito sa unahang pinto ng k'warto. Anong gagawin namin diyan? Sumunod ako nang buksan nito ang pintuan at pumasok.






Napaawang ang labi ko nang mapagtantong kusina ito. Nagpalinga-linga ako at umupo sa pang dalawahang upuan habang dumiretso naman ang lalaki sa stove para magluto. Pinanood ko lang ang lalaki hanggang sa matapos ito. Tutulong sana ako sa paghahain ng kanin at ulam pero pinabalik lang ako nito.




"Bakit ka pala nagpapadala pa ng makakain sa akin kung may kusina ka naman dito?" ani ko habang kumakain kami.




"Too lazy to cooked."




Pero nagluto ngayon, siraulo. Hindi na ako nagsalita. Baka kasi ayaw 'yon pag-usapan ng lalaki. Napatampal din ako sa noo, oo nga naman. Paano makaka-survived ang lalaki kung wala itong kusina? Hays.







SINUOT ko ulit ang uniform ko pagkatapos naming kumain. Nilabahan na pala ng lalaki at pinatuyo ang naiwan kong uniform, hindi ko man lang namalayan.




"Aalis na ako, master..." malumay kong sambit.





Pinasadahan ako nito ng tingin, nakaupo ito sa upuan sa gilid habang nakaharap sa lamesa nito at may kung anong sinusulat. Sinilip ko ito pero maagap ang lalaki at nasara agad ang libro. Nagtataka ako kung paanong nakakasulat ito ng gamit lang ang pluma, hindi ito nag-upgrade. Tumayo ito kaya napa-ayos ako ng tayo.





"Let's go, ihahatid kita."





Hindi na ako nagsalita o tumutol man lang. Paano ba naman ako makakatutol pa kung hinila na ako ng lalaki palabas? Pagdating sa bungad ng pader ay nagsimula nanamang tumibok ng malakas ang dibdib ko. It's okay now, right? Siguro naman naayos na ng council? Zienon Blaike Vilnestore say na aayusin niya ang issue. Sana naman ay okay na.




"Go."





"Huh?" ani ko. Natauhan naman ako nang taasan ako nito ng kilay. "A-ah oo! Aalis na!"




Mabilis kong inikot ang sara ng pader at lulusot na sana pero hinawakan ako sa braso ng lalaki at hinalikan sa pisnge.




"Take care, I'm watching you." Umatras ito at marahan akong tinulak kasabay ng dahan-dahan na pagsarado ng pinto.




W-what's that gesture? Nakapamulsa ito at blangkong tumingin sa akin hanggang sa tuluyang sumara ang pinto.




Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam paano magre-react ang katawan ko. Ilang minuto lang akong nakatayo sa gilid bago ako nakarinig ng mga kalabog galing sa labas.




Nandiyan na sila...




Ano kayang parusa ang naghihintay sa akin kung sakali? Malalagpasan ko kaya? Napakamot ako sa ulo. Patay nanaman ako sa nakakataas, napaawang ang labi ko nang maalalang lagi palang nasa likod ko ang lalaki na kayang-kaya akong pagtakpan, hehehe. Masakit nga lang iyong pitik nito sa noo. Peste, ang inaalala ko talaga ay iyong nakakataas, paano kung malaman nito? Napangiwi ako habang na-iimagine ang mukha nitong seryoso at matalim ang tingin sa akin. Bahala na nga, iyong ngayon muna iisipin ko.

_

Last update for this day.

The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon