[Unedited]
SimulaElara's POV
Napakurap-kurap ako nang wala akong makitang kahit ka-kaunting ilaw. Nag simula akong mangilabot sa katahimikan at sa malamig na hangin na humahampas sa balat ko.
"Nasa'n ako?" naguguluhan kong tanong sa sarili bago sinubukang mag lakad-lakad. Baka may makita akong daanan na p'wede kong labasan dito.
"Ariadne!" Nag palingon-lingon ako sa paligid nang maka-rinig ng pamilyar na boses. Sinubukan kong hagilapin ang pinanggalingan ng boses pero bigo ako.
"Ariadne, anak!"
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung kaninong boses 'yon galing, kaya pala pamilyar sa akin! 'Tay! Mabilis kong iginalaw ang paa ko at tumakbo kung saan narinig ang boses ni tatay.
"'Tay, nasa'n ka?!"
Nag-unahang tumulo ang mga luha ko, halo-halong emosyon ang nararamdaman ngayong oras. Sigurado akong boses nga iyon ni tatay!
"Ariadne, 'andito ako sa likod mo."
Mabilis akong humarap sa likod. Unti-unting may liwanag na lumitaw sa harap; tama lang para makita ang lalaking nasa harapan ko.
"'Tay, b-bakit b-buhay ka?!"
Maraming mga tanong na pumapasok sa isipan ko, habang walang tigil sa pag-agos ang luha dahil sa pangugulila.
"Patawarin mo ako anak... hindi kita na protektahan," sambit nito sa mahinahong boses pero kabaliktaran naman ng sinasabi ng mata niya.
"A-ano bang sinasabi n-n'yo papa?" naguguluhan ani ko, bago maka ilang beses na umiling-iling.
"Anak, hindi ka nabibilang sa amin..." Patuloy nito sa sinasabi at ni-isa man lang walang sinagot sa mga tanong ko.
"Hindi kita maintindihan! S-sagutin mo muna ang mga tanong ko, 'tay!" Pasigaw na turan ko sa kan'ya dahil sa sobrang kabiguan na nararamdaman. Ngunit ngumiti lang ito at nag patuloy ulit sa pag-sasalita.
"Papunta na sila, hindi ka nila p'wedeng maabutan dito. Hindi ka nila p'wedeng makuha, hanapin mo s'ya anak... hanapin mo ang lalaking tutulong sa'yo. Gagabayan ka niya," mahabang lintaya pa nito. Ngunit 'di ko pa napo-proseso ang mga sinabi niya ni-isa.
Napahawak ako sa ulo ng makarinig ng nakakabingeng ingay sa sobrang lakas ay napatakip ako ng tainga at napasigaw. Nang nawala ang tunog ay tumingin ulit ako kay tatay pero hindi na ito nag-salita pa at naka tingin lang sa akin.
"A-ano bang sinasabi mo 'tay? Sinong kukuha sa akin? A-anong panganib? At isa pa bakit po kayo 'andito ngayon? Kasama n'yo po ba si nanay?"
Sumilay ang mumunting pag-asa sa puso ko at niligid ang mata sa paligid, nagbabaka-sakaling makita at masiyalan ang aking ina ngunit madilim na kapaligiran lang ang sumalubong sa akin. Binalik ko ang tingin kay tatay at nataranta nang makitang unti-unting naglalaho ang katawan niya na sumasama sa hangin.
"Gusto ko mang sabihin sa'yo ang lahat pero hindi puwede."
"'Tay! Huwag mo akong iwan nakiki-usap ako! Ma-mahirap mag-isa!"
BINABASA MO ANG
The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]
FantasíaMeet 20-year-old Elara Ariadne Aldelia. A woman who would give up her life to save and defend those she loved. Province is home to Elara Ariadne, a straightforward individual. She realized right away that, because of her eyes, she was unique amo...