Chapter 9

773 37 3
                                    

[Unedited]

Reality

Sa tingin ko'y alam ko na ang sagot. Nanginginig kong unti-unting nilingon ang paa at bahagyang nakita ang malabong imahe sa tubig. "Aaahhh!" Sumigaw na ako kasabay ng pagtili nang may makitang kamay na nakahawak sa paa ko sa ilalim ng tubig.


Sa sobrang gulat ko'y nabitawan ko ang batong hawak kanina kasabay ng p'wersahang paghila sa akin ng kamay sa malalim na parte ng tubig. Hindi ko makita kung anong nilalang ito dahil kalahati pa ng katawan ko ay nasa taas, masiyadong malikot ang tubig kaya 'di ko makita ng maayos ang mukha nito.


Nagpupumiglas ako rito kahit pa minsan-minsan ay nalulunod ako dahil hinihila talaga niya ako palalim. Bahagya akong sumisid sa ilalim para silipin kung anong nilalang ang humihila kahit pa malabo at gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang nilalang.


Shokoy?!


Hindi babae naman ito, eh! Sirena? Ewan ko pero isa lang masasabi ko!


"Panget ng mukha mo!" Sigaw ko nang maka-ahon ako ng bahagya, kahit nahihirapan na.

Mukhang narinig naman niya ako dahil mas humigpit ang kapit nito. Nilublob ko talaga ang mukha ko para masigurdo kung tama talaga ang nakita ko pero hindi nagbago! Panget talaga niya! Napasigaw ako sa tubig ng ibuka nito ang bunganga niya.



Kitang-kita ko tuloy ang matulis at panget nitong ngipin. "Tulong! Tulungan n'yo ako!" Sigaw ko kahit alam kong walang nakakarinig sa akin kundi ang mga insekto at iilang hayop na hindi naman ako matutulungan!


"Ahh—"


Nawalan ako ng pag-asa nang tuluyan na akong mahila. Nanatiling nasa taas ang kamay ko at sinusubukang ikampay kahit nakalublob na ang buo kung katawan sa tubig.


Ito na ba ang katapusan ko? Matatapos na ba rito ang lahat? Gusto ko pang mabuhay!


Voíthisé me, fýlaká mou

Isang mabining tinig na bigla nalang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang salitang iyon. Napasinghap ako nang may kung anong bagay na lumapat sa kamay ko. Sigundo lang ay may humawak na sa kamay ko na nasa itaas at hinala na ako.


"Humawak ka sa akin ng mahigpit!" Sigaw na ani nito sa akin. Hindi ko siya kilala ngunit pilit niya akong hinihila pabalik.


Aray! 'Yong katawan ko nauunat!



Sinipa ko sa mukha ang panget na nilalang at iginalaw galaw ang paa ko na nasa tubig pa rin. Sandaling nakabitaw ang isa nitong kamay pero nakahawak ulit sa paa ko kalaunan kaya napasigaw ulit ako.


"Ah! Alis! Bitawan mo ako! 'Di ako masarap!"


"Bibilang ako ng tatlo, subukan mong isipa ang dalawang paa mo! Hihilain kita pataas!" sambit ng babae sa akin. Napatango tango naman ako.



"Isa!"

"Dalawa!"


Bumwelo ako at ihihanda ang dalawang paa sa pagsipa.


"Tatlo!" sabay naming sigaw.


Sinunod ko ang sinabi ng babae at sinipa ang nilalang, nabitaw naman ito sa pagkakakapit kasabay ng puwersahang paghila ng babae paitaas sa akin. Napangiwi ako nang makaramdam ng kirot sa paa ko, magkakapasa pa 'ata ang pagkapit ng pesteng panget na iyon, a!


Napahawak ako sa dibdib ko kalaunan nang mapagtantong ligtas na ako. "Salamat..." sinsiro kong saad nang humarap sa babae.


Napatango naman ito at naghabol din ng hininga. "May kinuha ka bang bato?" tanong nito sa akin.

Kakamot-kamot naman akong tumango sa babae kaya napasampal ito sa noo. D-dapat ba 'di ko kinuha 'yon? Ano nanamang gagahan ang ginawa mo Elara?!


"Dapat hindi mo ginawa 'yon. Tinawag mo si Mermissa."


Eh? A-ano raw? Sinong tinawag ko?


"Yong panget na sirenang 'yon?" hindi sigurado kong ani sa kaniya. Tumawa ng bahagya ang babae.


"Serins ang tawag sa uri nila," sambit niya sa akin habang umiiling. May mali ba akong sinabi?


"Hindi ba mag katulad lang 'yon?" maagap kong tanong sa babae. Mabilis naman itong umiling.


"Hindi hamak na magaganda ang sirena kumpara sa mga serins, nakita mo naman diba mukha ni Mermissa?" Taas kilay na ani nito. Napangiwi naman ako, bago tumango. "Karaniwang inilalarawan ang serins bilang masamang uri ng nilalang sa dagat, kabaliktaran naman ito sa sirena na mapayapa at hindi marahas na nilalang na nagsisikap na mamuhay ng malayo sa panghihimasok ng tao. Kung may pagkakatulad man sila 'yon ay pareho silang may buntot tulad ng sa mga isda." Tumango-tango ako at bahagya pang humawak sa baba ko. Gets ko na! Iyong serins panget siya kaysa sa version ng mga sirena.


"Paano ka nga pala napunta rito?" tanong nito sa akin.


Natigilan ako at mabilis pa sa alas-k'watrong napaatras at tumayo palayo sa babae. Ngunit napabalik din ako nang matumba ako dahil sa sakit ng paa ko ngunit naging alerto pa rin ako.


The enemy!


"Siguro isa ka rin sa may gawa nitong ilus'yon, ano?!" walang habas na bintang ko. Kumunot naman ang noo niya at bahagya pang tinagilid ang ulo kasabay ng pagturo nito sa sarili niya, nagtataka sa iniasal ko.

"Anong pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan. Ikaw dapat ang tinanong ko," balik nito ring sambit sa akin.


Napakurap-kurap naman ako at tumingin rito kung nagbibiro ba ang babae. Oo nga, bakit pa niya ako tutulungan kung isa siya sa may gawa ng ilusiyon? Tumingin ulit ako sa kaniya at nang malaman kong seryoso ito ay bumalik ulit ako sa pagkakaupo.


Wrong, pala wrong... may mga moves talaga ako na mali minsan, minsan lang naman.


"Anong lugar ba 'to?" diretso kong tanong rito na parang walang nangyari.

"Serephoria," turan nito nang makabawi. "Sakop ng bayan namin itong gubat. Paglabas natin dito, mapupunta kana agad sa bayan namin."

Natahimik ako saglit. Serephoria? Isa sa mga bayan? Pero paano pag nagsisinungaling siya sa akin? Baka hindi na ako lalong makabalik. Pero kung hindi  naman ako hihingi ng tulong baka gutom ang aabutin ko. Bahala na!


"Ahh, may alam ka bang bahay na p'wedeng tuluyan pansamantala?" nahihiya kong saad rito.


May hiya pa naman ako sa katawan.


Napatango-tango naman ito. "Marami sa bayan pero maaari kang tumira muna sa bahay pansamantala," suhisyon nito sa akin.


Bayan? Bayan ng Serephoria? Anong klaseng bayan naman kaya ang naghihintay sa akin? Ito na ba ang tunay na mission ko? Why I am here from the start, anyway? Peste talaga! Mukhang mahihirapan na akong makabalik ulit!

_

I will update everyday 1-3 chapters until December.

The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon