Chapter 47

270 9 0
                                    

Unedited

Come back: Emptiness

                              

Elara POV



Tahimik kaming naglalakad. Walang gustong magsalita. Sariwa pa sa ala-ala ko ang mga naganap, I failed them. Hindi ko natupad pangako ko. Out of 50 students of Alestria, rank three—tribus only 30 survived. Dalawampu sa kanila'y hindi na nabigyan ng pagkakataong masilayan muli ang Alestria. It was painful... our section was full of negativity before but because of Electus mors I saw them protecting each other, die for their friends, sacrificing one-another. Akala ko'y napakamalas ko dahil sa tribus ako napunta but I was wrong... napagtanto ko na hindi lang kaklase ang turing nila sa isa't isa kundi pamilya. Pinunasan ko ang luhang nakatakas sa pisnge ko.






Bumabalik sa ala-ala ko kung paano sila nagmakaawang huwag patayin, kung paano sila namaalam, kung paanong ang miyembro na kompleto ay unti-unting nabawasan. Nilingon ko silang lahat ngunit napaiwas nang makita ang pagod nila at namamagang mata. Pakiramdam ko'y kasalanan ko kung bakit nangyari ito sa amin. Akala ko alam ko na lahat, akala ko kaya ko na. Napagtanto kong kulang pa talaga ang kakayahan ko para maprotektahan ang nasasakupan ko.






"P-paano ako uuwi sa nayon namin na hindi kasama ang kapatid ko? Wala na kaming magulang. M-mag-isa na ako ngayon..."





"Hinding-hindi ko mapapatawad ang akademyang tumalikod sa atin..."





"H-hindi na tayo kom... kompleto."





"Ayos ka lang ba? Kaya mo pang maglakad?"





"Ayos lang ako..."





"Hali ka rito sa akin pansamantala kitang gagamutin."






Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang luhang nagbabadya na tumulo sa pisnge ko.





"Don't blame yourself." Nilingon ko si Ivy na nasa gitna namin ni Aviko at inaalalayan ako.





Nakuha naman namin ang atensiyon ng iba. Tumingin sila sa akin at ngumiti.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo Elara kung hindi dahil sa iyo malamang wala na kami rito," ani ng isa sa kanila. Sumang-ayon naman ang iba.





"G-guys..."




"T-tara na... medyo malayo pa tayo."





Napatango kaming lahat bago sabay-sabay na naglakad. Ang iba sa amin ay hindi makatayo at may malalang sugat na natamo kaya kinailangan pa silang buhatin. Nilukob ng galit ang buo kong sistema dahil sa nangyari. So, she's starting huh. Damn her! I should know from the start that she will using this opportunity to let her subordinates do her task.





The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon