[Unedited]
Closeness
"Ate, 'yong sa akin po?" bulong ko nang makalapit.
Umangat ang tingin nito sa akin at binigay ang mga pagkain na nakalagay sa tupperware. May kalakihan ito na alam naman kong iba't ibang ulam ang laman kasama na rin ang kanin.
"Maraming salamat po!" mahina kong sambit at ngumiti.
Tumango ang babae at luminga-linga sa paligid. Nakilala ko siya nang minsang maghatid ito ng napakaraming pagkain. Ni isa'y walang tumulong kaya ako na ang nagkusa. Bilang pasasalamat nag-volunteer itong siya na ang maghahanda sa pagkain ko nang malamang hindi ako sa breakfast hall kumakain kun'di sa library. Hindi rin naman ako makakakain dito ng matiwasay, maraming asungot.
"Sige na, umalis kana. Baka guluhin ka naman ng mga studyante rito."
Hindi na ako magtataka, kalat na kasing may transferee. Dinagdagan pa ng ako ang bagong target na i-bully.
Ako naman ang tumango at naglakad paalis sa breakfast hall hawak ang tupperware na dala. It's a good thing na walang humarang sa akin at matiwasay akong nakapasok sa tambayan ko; ang silid-aklatan. Hindi bawal kumain dito basta raw ay ililigpit lang ng maayos. I ask Hera's permission since mas may alam ang babae kaysa sa akin. Lakas ko lang sa council, hehehe.
Dumiretso agad ako sa pinakagilid kung saan natatakpan pa ito ng nakahilirang libro. Hinila ko ang librong naiiba roon at hindi na nagulat nang bumukas ang hagdan pababa. Dahan-dahan akong naglakad at hinintay muna na magsara ang pader katulad ng utos sa akin ng batugan at antipatikong lalaki.
"Why did you took so long? I only ordered you to bring me foods..." bumungad agad ang malamig na boses nito nang buksan ko ang k'warto niya.
Hinanap agad ng mata ko kung nasaan ang lalaki at napairap. Nakadama ito sa kama at walang suot na pang itaas.
"Pasalamat ka nga sinipot pa kita..." bulong ko at binaba ang hawak na tupperware sa gilid kung saan nakalagay ang lamesa ng lalaki na may dalawang upuan lang.
Siya na nga ang tinulungan, ito pa ang galit at demanding? Isama mo pa na napaka-assuming.
"What did you say?" Lumingon ito sa akin pero nakahiga pa rin.
Peke akong ngumiti. "Sabi ko... kumain na po kayo master, nakakahiya naman pong ako pa inutusan ninyo."
Hindi ito nagsalita at bumangon lang. Pasimple kong sinulyapan ang abs nito na kitang-kita at mabilis din nag-iwas ng tingin nang bumaba ang tingin ko... damn his lengthy member. Naglakad ito papunta sa lamesa at binuksan ang tupperware na dala ko.
Naguguluhan pa rin ako sa inakto ng lalaki, masiyadong mabilis ang pangyayari. Ni hindi pa nga nag-sink in sa utak ko na ang lalaki mismo ang lumapit sa akin noong kumakain ako sa library. It's a good thing na ako lang ang tao roon. Well, meron din namang panakanakang pumupunta pero hindi 'yon ganoon karami at nasa tagong bahagi ako. Baka nga 'di nila napansin na nandon ako.
"What are you doing?"
"Ay, palamunin!"
Gulat akong tumingin sa lalaking nakasandal sa pader at matiim na nakatingin sa akin. Kahit nagulat ay tinuro ko ang pagkain sa harap nito. Napansin kong nakatingin ang lalaki sa pagkain at bahagyang lumunok kaya inalok ko ito.
BINABASA MO ANG
The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]
FantasiMeet 20-year-old Elara Ariadne Aldelia. A woman who would give up her life to save and defend those she loved. Province is home to Elara Ariadne, a straightforward individual. She realized right away that, because of her eyes, she was unique amo...