Chapter 31

455 12 0
                                    

[Unedited]

Settled: Ashley




Naglakad na ako sa pinakagilid ngunit siniguradong makikita nila ako bago ako umupo at nagkunwaring natutulog. Ilang saglit lang ay naramdaman kong may mga yapak ng paa na papunta sa direksyon ko hanggang sa may mabining kamay na umaalog sa balikat ko.




"Wake up, hey!"






Kunwari kong iginalaw ang ulo at dahan-dahang tumingin sa mga ito na nag-aalalang tumingin sa akin.




"You sleep here?" kalaunan na tanong ni Eagel.




I nodded. Nag-aalala namang niyakap ako ni Arrilyn na sinundan ni Hera.





"Oh my God! Hindi kami naka tulog ng maayos kakaisip sa 'yo! We even guard the library door, and put some barrier!" Napakurap-kurap ako.




They guard the library door? Did they saw me that I didn't sleep here? Of course not.




"So-sorry, pinag-alala ko kayo."




"It wasn't your fault, we already cleared that you aren't the one who killed that woman. Sumama ka sa amin, we will clear your name."






HINDI MAPUKNIT ang kalabog sa dibdib ni Elara habang naglalakad sila sa corridor nitong academy. Tanging pinang hawakan niya nalang ay ang sinabi ni Theseus sa kaniya.




Naglakad sila hanggang sa makarating sa auditorium nitong academy at muntik na siyang mapa atras nang pagbukas ni Theron at Addi sa malaking pinto ay bumungad sa kaniya ang kompletong mga rango that even Ms. Christine, professors are present.




Nanginginig siyang humawak sa braso ng katabi niya.




"It's okay, you will be fine." Tumango-tango siya kay Theseus habang hawak niya ang braso nito, buti nalang ay hindi umangal ang lalaki at hinayaan lang siyang kumapit.




Nasa likod nila si Zienon at Eagel. Nasa gitna sila, nasa kanan niya si Theseus, nasa kaliwa niya si Arrilyn habang nasa kaliwa naman ni Arrilyn si Hera, si Theron at Addi ang nasa unahan nila. Kung titingnan, pinalibutan siya ng mga ito. Siguro ay para makaiwas sa anong gulong dadalhin kung may magtatangka sa kaniya.




Naka upo ang bawat ranggo at nakalagay ang banner ng mga ito sa gilid na kinauupuan nila. Nakahilera sa unahang upuan ang 'duo' habang ang 'tribus' at 'quattros' ay nasa magkabilang gilid nito.




Naglakad sila habang siya'y hindi matigil sa panginginig. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid. 'duo' normal lang itong nakatingin sa kanila lalong-lalo na sa kaniya na parang wala siyang nagawa, meron din namang iilan na ng huhusga siyang tinititigan. 'tribus' napayuko siya, galit, pagkamuhi, takot, pandidiri, panghuhusga ang natanggap niya sa mga mata ng mga ito. 'Quattros' ay tahimik lang na sinusundan ng tingin ang paglalakad nila sa gitna.
She look at Ms. Christine at mas namuo ang kaba sa dibdib niya when she see that it's face graved. Nakahinga siya nang maluwag nang makarating sila sa taas kung nasaan ang mga officials ng Academy.




"Okay, we're complete now. So, can you enlighten them Mr. Vilnestore?"




It's a signal para lumapit si Zeinon sa mike na nakalagay sa unahan. Inayos niya ito at tumikhim bago siya nito sininyasang lumapit at tumabi rito. Tiningnan niya naman ang iba at lumapit sa lalaki nang tumango ang mga ito sa kaniya.




The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon