Unedited
Elemento ng tubig; Pamilya
Lumunok ako ng bahagya. "Ano pong susunod kong gagawin?" pag-iiba ko ng usapan.
"Matulog."
"Maestro?"
Naglakad ang matanda at iniwan ako. Napabuntong hininga naman ako at naglakad sa maliit na k'weba. May mga ugat, maliliit na bulaklak, mga damo na nakatakip kaya kailangan kong hawiin para makapasok ako, ang mga ito ang nagsisilbing harang. Umupo ako sa patag na bato na may makapal na telang naka tabon at nilingon ang paligid. Kung titingnan mo'y parang desinyo ito ng napapanood ko na Aladin noong bata pa ako. Simula sa mga unan nito na kulay lila na may palawit na kulay ginto, ganoon din ang patag na kama na gawa sa bato. Lila at ginto ang kulay ng loob.
Tumayo ako at sinilip ang mga damit, napamaang ako. Puti ang lilim nito at manipis na maliliit na butas naman ang sa ibabaw na kulay lila pa rin. Sa tingin ko'y isinusuot ito ng mga binibining nasa kaharian tulad ng aking napapanood. Naghubad ako at isinuot iyon pagkatapos ay bumalik ulit sa kama at humiga.
Ilang linggo pa ang itinagal ko sa lugar na ito pero ramdam ko agad ang pagbabago sa katawan. Siguro dahil sa nagkausap na kami ni Imara at maaaring mag-usap ulit kami kung gugustuhin ko, pero natatakot ako sa kaniya . Ang totoo'y minsan ko ng naisip nang ipaliwanag sa akin ng aming samahan ang tungkol sa pagkatao ko; hindi detalyado maliban sa aking ama ay mga kaibigan ng mga ito, na baka patay na ang kambal ko.
Ang samahan namin ay itinatag ng ama namin at isa pang makapangyarihang nilalang pero nasira ito at nagkaroon ng gatla nang umalis ang ama namin. Noong sinabi ng mga ito na hindi lang ako ang nag-iisang anak ay natuwa ako lalo pa't sinabi rin ng mga ito na nandoon ang kambal ko sa akademya. Noong una naisip ko na baka si Primrose iyon dahil sa kakaibang emosiyon na naramdaman ko ngunit lumabas ang katotohanan. Ang kambal na tinutukoy ng mga ito na nasa loob ng akademya ay ako mismo at ang kambal kong nakakulong sa loob ko.
Gusto ko siyang makasama, iyong hiwalay kaming dalawa. P'wede ba itong hilingin sa ate ko? Pumikit ako.
"May kailangan ka?" malamig nitong ani.
Nagmulat ako at nakita ang kambal na nakatayo sa paanan. Naka-suot ito ng katulad kong kasuotan pero magkaiba ang kulay ng damit namin sa ibabaw. Kung sa akin ay lila, pula naman ang sa babae. Bumangon ako at umupo habang nakalagay ang baba ko sa tuhod at kamay ko sa binti.
"Ate..." hindi ko alam ang dapat sabihin. Gusto ko lang naman makasama ito at makatabi sa pagtulog.
"Bakit?" Naglakad ito sa kama at umupo rin.
Tumingin ako sa kaniya at tinagilid ang ulo. "May galit ka ba sa ating ama?" Nangunot ang noo nito habang nakatingin sa mga damo at ugat na nakaharang sa k'weba.
"Wala. Kailan man ay hindi ko siya sinisi sa lahat ng nangyari, maging ang nangyari sa akin. Kung may galit man akong nararamdaman iyon ay para sa kanila na dahilan kung bakit nalagay sa alanganin ang magulang natin..."
Tumango ako, nanunubig na ang mata. "E, sa akin? Nagalit ka na?"
"Oo, ngunit sa magandang dahilan. Nagagalit ako kapag pinapabayaan mo sarili mo, kapag gumagawa ka ng ikapahamak mo. Kung anong sakit ang nararamdaman mo ay dobleng sakit iyon sa akin. Iniisip ko na ako na lang sana nandiyan sa posisyon mo para maging ligtas ka, para malaman mo at maramdaman mong iniingatan kita."
BINABASA MO ANG
The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]
FantasyMeet 20-year-old Elara Ariadne Aldelia. A woman who would give up her life to save and defend those she loved. Province is home to Elara Ariadne, a straightforward individual. She realized right away that, because of her eyes, she was unique amo...