[Unedited]
Obligation
"Tungkol sa test na sinasabi n'yo kailan ako mag sisimula?" kinakabahang tanong ko sa mga ito at pinagsiklop ang kamay ko.
"Later, prepare yourself," maikling ani ni Theron bago sumandal sa sofa.
"Aabot ba ng ilang araw ang test na gagawin ko?" tanong ko ulit sa mga ito.
Hindi talaga mawawala ang panginginig ng kamay ko hanggat hindi ako kuntinto sa sagot ng mga ito. Buti sinasagot din naman nila mga tanong ko.
"It's depends on how many days you finish the test," turan ni Theseus sa akin na may kasama pang pagtango.
"P-paano kung 'di ako makapasa? A-ano ang mangyayari sa akin?" puno ng kuryosidad kong tanong habang nilalaro ang kamay ko.
Kinakabahan talaga ako, Hooh!
Nag katinginan naman ang mga ito at 'di nag salita kaya nahigit ko ang hininga ko. Tanging si Addi ang naglakas ng loob para sagutin ang tanong ko.
"You can't go back to the present, you will remain stocked in the past. So be careful," turan ni Addi sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.
Marahil ay gusto niyang makita ang reaksyon ko hindi rin naman ako nag-atubiling itago ang naramdaman ko. Dahil tila nabuhusan ako ng malamig na tubig kasabay ng panlalamig ng katawan ko. Ano ba 'tong lugar na pinasok ko? Hindi... hindi dapat ako matakot at mag-alinlangan man lang ngayon.
Kung gusto ko talagang umuwi ay kailangan kong maging matapang, diba? Matapang ako. Ngunit kahit anong pagpapalakas ng loob ko hindi ko pa rin ipagkakailang mahina ako... dahil ano nga bang kaya kong gawin? Anong kakaiba sa akin bukod sa aking mata? I laugh, now... my ability were being questioned. Kaya ko ba? Syempre kaya ko! Kailangan kong kayanin!"Don't pressure yourself Elara. You can–no, you will definitely do it! Trust me and of course trust yourself," sambit ni Hera. Bagaman mahahalata ang kaba sa boses nito.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob kahit papaano. I was encouraged by the simple fact that Hera strengthened me inside. Tama siya, kaya ko ito!
Pero kung sakaling kailangang may mag sakripisyo ng buhay habang nasa pagsubok ako ay may sasakit pa ba sa nasaksihan kong pagkamatay ng mga taong mahalaga sa akin? Hindi ko alam. For me, the painful things, that happened was the death of my parent and struggle to survived while alone.
"We will wait for you. When you pass the test, you will be an officials member of the council and will be part of the missions we will do. So you should better pass the test," pakikisali ni Arrilyn at hinawakan ang kamay ko bago tumingin ng diretso sa mata ko. "You can do it!" she cheered.
Napa-ngiti nanaman ako sa simpleng pagpapalakas ng loob ng mga ito sa akin. Kanina lang ako dumating pero parang kilala na ako ng mga ito sa mahabang panahon, and I was thankful of that, hindi na ako masiyadong maiilang.
"Thank you," mahina kong sambit sa dalawa, bago ngumiti. Nawala lang ulit ng magsalita si Eagel.
"Be ready Elara Ariadne Adelia when you're in the test. Don't forget that everything is just your imagination and illusion; don't involve your emotions," seryosong ani nito sa akin bago kinuha ang libro at nagbasa ulit.
Palihim naman akong napa-irap, siraulo hmp! Pero tumango pa rin ako kahit hindi nito nakita.
Iyon naman talaga ang gagawin ko! Pero bakit pakiramdam ko may iba pang mangyayari? Malakas kasi intinct ko... dati. Kung 'di lang ako nahulog sa duyan nang bata pa ako, nasupla tuloy. Pero sana... sana makabalik pa ako.
Sana nga.
"Ready?" tanong ni Hera sa akin.
Tumango ako habang naka hawak sa dibdib ko. Inilibot ko ang tingin sa madilim na kuwarto na tanging ilaw lang na nanggaling sa taas ang nagbibigay liwanag. Mukha itong bombilya pero tulad nga ng sinabi ko, mukha lang. Nakatutok lang ito sa direksyon kung saan may nakalagay na gawa sa batong higaan, naka ibabaw dito ang sapin na hindi ko matukoy kung anong bagay iyon. May mala ginto itong kulay at iilang mga desinyo.
Ayos ah, diretso lamay...
Dito agad ako dinala ng council matapos ang disgusyon nila kanina. Sa sobrang kaba ko ay wala sa sarili akong napa-hawak sa katabi ko. At kung mina-malas ka nga naman.
"You should tell me right away if you have any desire. I am more than willing to give it to you."
Mabilis akong napahiwalay nang marinig ko agad ang boses na 'yon sa gilid ko. Kapal talaga nang mukha ni Zienon... kung 'di lang siya sexy—
Inirapan ko nalang ang lalaki at sumunod kala Arrilyn papunta sa nakahulma na bato. Dito ba nila ako pahihigain? 'Di kaya sumakit ang likod ko? Paano ko naman makaka-usap ang guardian ko rito? Hindi kaya paggising ko kaluluwa nalang ako? Maraming mga posibilidad na pumapasok sa isip ko maging ang kalokohang bagay ay nasama na. Ayusin lang talaga nila!
"Ano na gagawin ko?" awkward kong sambit sa mga ito at bahagya pang-itinuro ang higaan.
Da-dapa.
"Higa... may gagawin kaming ritual," turan ni Addi sa akin na may diin sa boses.
Wala sa sarili akong sumunod at humiga sa bato, bahagya pa akong nagulat nang hindi ito matigas sa halip ay naging komportable pa ang katawan ko. Taka akong tumingin sa kanila nang sabay-sabay ang mga itong pinalibutan ako. Tanging si Zienon lang ang humiwalay at pumunta sa gilid, sinugatan ang kamay at pinatulo ang dugo sa kama na may rebultong kamay din na naka-design.
Tumayo ang balahibo ko sa ginawa nito kaya bumangon ako ngunit masamang tingin nito ang sumalubong sa akin kaya napabalik ako sa paghinga ng wala sa oras! Peste! Gagawin 'ata akong alay, a! Ito na nga bang sinasabi ko.
Nanginginig ang kamay kong itinuon ang atensiyon sa kanila. May kung anong salitang binabanggit ang mga ito na hindi ko naman maintindihan kaya nanatili akong dilat ang mata. Tumigala ang mga ito kaya tumingala rin ako, mukha akong tangang sumusunod sa bawat galaw nila.
"Close your eyes, woman. Focus," inis na sambit ni Eagel na nanatiling nakapikit pa rin.
BINABASA MO ANG
The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]
FantasyMeet 20-year-old Elara Ariadne Aldelia. A woman who would give up her life to save and defend those she loved. Province is home to Elara Ariadne, a straightforward individual. She realized right away that, because of her eyes, she was unique amo...