Chapter 19

498 19 1
                                    

[Unedited]

Elara's Life In Alestria




"H-hindi ko alam bakit 'yan ang nakuha k-ko," nanginginig pa ring ani ko.




Hindi ito nagsalita at pabalik-balik lang na naglalakad sa harap ko habang ako ay nakaupo sa gilid ng kama.




"Pa-paanong may na-natira pa... ang alam ko'y nasunog na ang lahat ng bahagi ng aklat."




"Huh? Ano ulit 'yon Arrilyn?" nagtataka akong tumingin sa kaniya. Mahina lang kasi ang pagkakasabi nito at hindi ko masiyadong naintindihan.




"It's nothing..." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dalawa kung balikat.




"Listen, that book are gone a long ago... matagal na 'yong nawala kaya hindi ko alam kung bakit bigla nalang 'yon napunta sa iyo. Ang pagkakaalam ko'y wala na rin 'yon sa library dahil nga nasunog na iyon kasama ng dating library dito sa likod nitong academy."




Hindi ako nakapagsalita at nakatitig na lang sa babae. Kung gano'ng nawala pala ito ng matagal pa-paanong nasa library ito ng academy? At bakit ako pa ang nakakuha sa dinami-rami ng studyanteng narito? Hindi ko alam na masakit pala sa ulo ang plano ng mga nilalang na iyon... peste ako pa ginawang pain.




"A-anong dapat kong gawin?" tanong ko sa babae. Kinakabahan sa puwedeng mangyari sa akin.




Hindi ako p'wedeng mag desisyon lang ng sa akin. Hindi ko alam anong buong laman ng libro pero sigurado akong mahalaga ito para sa akademya! 




"Wala... huwag mong ipagsasabi sa iba itong nangyari. Don't meddle to someone business..." sambit nito at hinaplos ang buhok ko.




Nagtaka ako sa tono ng pananalita nito pero tumango nalang at ngumiti. There's something in her voice that I can't pin point, I being wondered what it is? Ngumiti na rin ito sa akin at kinuha ang kamay ko bago bahagya itong pinisil.




"Let's go... kakain na. Kanina pa nila tayo inaantay. Act normal as I do."




Tumango ako. Ang moody din ni Arrilyn katulad ng lalaking 'yon. Ano bang problema nila? At isa pa, bakit parang ang malas ko naman 'ata? Lihim akong napabuntong hininga at sumunod kay Arrilyn sa paglabas dahil nga hila-hila niya ang kamay ko.




"Why you two took so long? Kanina pa kami nag-aantay."




Nahiya ako sa sinabi ni Eagel kaya sa halip na mangatuwiran sa lalaki ay yumuko nalang ako at walang ingay na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Hera. Nginitian kaagad ako ng dalaga nang magtama ang paningin namin kaya ngumiti rin ako.




"Elara fall asleep, nahiya akong gisingin kaya hinintay ko nalang siya. It's not a big deal, tho..."




Pasimple akong tumingin kay Arrilyn nang marinig ang sinabi nito. Umupo ito sa tabi ko at pasimpleng hinagod ang likod ko para iparating sa akin na 'okay lang'. But I found it creepy, at the same time. I nodded at nagsimula ng kumain tulad ng iba, hindi na rin naman nagtanong ang mga ito kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.







ELARA was filled with dread. Sa pag-aakala niya'y walang masasamang nilalang na 'andito sa academy ngunit nagkamali siya. Pangatlong araw na siyang pumapasok, it's true that their academy are more interesting and advance than the normal academy or university nang nasa mortal palang siya, pero hindi niya ipagkakait na mas malala pala rito ang mga nilalang na nambubully sa kaniya kaysa sa rati niyang pinapasukan.




Tatlong araw na rin ang nakakalipas nang sabihin sa kaniya ng council na sa 'Tres' siya papasok. Para sa kaniya ay hindi naman big deal 'yon but when she saw how the students didn't respect their professor; use their abilities even it's not allowed, throwing bad words at her and worse minsan siya pa ang napapagtripan ng mga ito. It's not good idea.




"Did you know the news?"




Pasimpleng kong sinilip ang babaeng nagsalita hindi kalayuan kung saang upuan ako nakadukdok. May hawak itong bagay na hindi ko matukoy kung ano at bahagyang pinag-lalaruan iyon at pinapalutang.




"Of course not! Duh..."




Lihim na umikot ang mata ko. It's Ivy, isa sa naunang humusga sa akin. Telling that I was so weak at walang special na meron sa akin para mapansin ng council. Inggit kasi.




"Whatever, anyway... 'yon na nga. May nakita raw bangkay sa gilid nitong Academy."




Natigilan ako at mas nag-focus pa sa pakikinig sa usapan ng mga ito.





"Really? That's creepy... matagal na rin simula ng masundan ang mga pagpatay dito. Paanong nagsisimula nanaman ito ngayon?" anang isang babaeng kasama rin nila.




"Yeah, dumating lang ang malas na babae na 'yan! Nagsimula nanaman ang mga kamalasan dito sa academy!"




Lihim kong naikuyom ang kamay nang masilip kong sa akin ang tingin ng mga ito. Nagpanggap akong walang narinig ngunit bahagya pa ring nakasilip kaya napairap ang mga ito sa akin. I wouldn't mind, ganoon nalang ang ginagawa ko sa nakalipas na araw para maiwasan ang gulo.





Tulad ng inaasahan ko umalis nga ang mga ito ngunit inirapan muna ako bago lumabas. Mas maganda nga 'yon, wala ang mga ito sa mood para alaskahin at sirain ang araw ko. Siguradong makiki-chismiss ang mga ito sa labas na ikakatuwa ko pa.




Makiki-chismiss din kasi ako sa mga ito... ng 'di nila nalalaman.




Babalik ulit sana ako sa pagyuko nang napaigik ako ng mahina. May tumama sa likod kung matigas na bagay. Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng pagbato at napabuntong hininga nalang. Sila nanaman? Talagang walang kasawaan itong mga panget na nilalang na ito, a. Oo panget silang lahat. Ang ugali ng mga ito ang tinutukoy ko. Sa pamamalagi ko rito sa academy ay wala pa akong nakitang panget ang mukha, everyone here have their own uniqueness of beauty/handsome. Ngunit karamihan sa ugali ng mga ito ay panget.





"Miss! Pasensiya na hindi ko sinasadya!" someone apologizing, not really being sorry for what he did.




Tumango lang ako sa lalaki na halata namang sinadya nito ang pagbato. Nakipagtawanan pa ito sa mga kasama nito at nang-aasar na tumingin sa akin. Laugh all you want... you can rest in peace in some other time.




"Great... just great..." mahina kung saad at bumuntong hininga.




Dahan-dahan akong tumayo at nakayukong naglakad palabas. Mamaya pa ang klase ko. Naalala kung may pupuntahan pa pala ako. Umirap ako ng palihim ng maalala ang utos ng lalaki sa akin.




"Napaka-demanding talaga!" nangingingil kong ani at dumiretso sa breakfast hall.




Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin sa halip ay dumiretso ako sa unahan kung saan kinukuha nalang ang mga pagkain at pipili ka lang. May mga naka-assign na rin na maglalagay sa stainless na tray.

_

❤️

The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon