Chapter: 34

417 11 0
                                    

[Unedited]

Friends Vs Truth






Hindi ako sumagot sa halip ay tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa bewang ko.




"Sabi mo ayaw mong manligaw? Bakit nandito ka ngayon?! Alis!" may kalakasang sambit ko at bahagya itong tinulak.




Hindi ako p'wedeng sumigaw dahil tiyak ay nagpapahinga na ang iba.





"Yes, I'm not into courtship things, but because of you... I don't mind swallowing my pride. I want to be with you! Damn! Don't know if it's because of the bond or me, but one thing is certain: I will court you. I will court you without your approval. No flowery words." Niyakap niya ulit ako at ibinalik ang kamay kung saan ito nakahawak kanina.





Bumuntong hininga ako. Gusto ko sana tanungin kung anong tungkol sa bond pero nadala ako ng matamis na salita ni Wrathrome Gael, alam talaga nito kung paano kuhain ang loob ko at pakiligin ako gamit lang ang salita nito.





"May nanliligaw bang naka attached sa isa't isa?"




"Yeah, us."




Pinukpok ko ang kamay nito na nakayakap sa akin pero hindi natinag ang lalaki at mas siniksik pa ang sarili.




"Huwag ka ngang masiyadong dumikit! Naiinis ako sa 'yo!" Tinulak ko ang ulo nito dahilan para malayo ang ulo niya sa leeg ko.




"Damn! Amica mea? I just missed you. Bukas ka na mainis sa akin. Bukas ka na magpasuyo, please. I'm tired, Amica mea."





Wrathrome being a baby, again...





Nabitin sa ire ang tangka kong paniniko at nag-aalangang ibinaba ang kamay. Kawawa naman ito, baka pagod talaga sa kung ano man ang ginawa. Nakita ko rin kasi ang pagod sa mata nito kanina bago ako nag walk out. Sumimangot nalang ako at tinalikuran ang lalaki. Narinig ko pang tumawa ito ng mahina at niyakap ako habang nakatalikod ako sa binata.




"Sleep tight." Humigpit ang yakap nito na hindi ko pinansin sa halip ay ipinikit ang mata at hinayaang makatulog ang sarili. "Aalis din ako mamaya. Babantayan lang kita sa pagtulog, mahal ko."




Hindi ko malaman kung tama ba narinig ko o dala lang ng antok na aking naramdaman. May dumampi na malambot na bagay sa aking labi ngunit masiyado na akong nilamon ng dilim para matingnan kung ano ang bagay na iyon.







NIYAKAP ni Elara ang sarili nang dumampi sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin. Tahimik ang paligid na nagbibigay kilabot sa kaniyang sistema ngunit masiyadong natuon ang atensiyon niya sa lalaking kasama na nakapamulsa at prente lang na naglalakad sa madilim na paligid ng kanilang nilalakaran sa likod ng academy.




"Sigurado ka bang ito iyon?"




"Just follow me."




Umirap siya. Napaka-moody talaga ng lalaking palamunin. Una, gumising siya kanina ng pasado ala-una ng madaling. Nagulat pa siya na biglang lumitaw nalang sa harap ang lalaki na nakataas ang kilay. Bago niya lang din naalala na may usapan pala silang gigising ng hating gabi. Humingi siya ng pasensiya ngunit tumango lang ang lalaki at hinawakan siya sa bewang. The next thing she knew, nandito na sila sa likod nitong academy.




The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon