[Unedited]
Mix feelings
Gusto ko itong samaan ng tingin o 'di kaya'y sakalin sa leeg pero naisip kong tama rin naman ang lalaki. Imbes na gawin ang binabalak ko'y nanatili akong nakatungo at hindi nagsalita.
Hindi ko pinansin ang pag-alis ng lalaki sa kama at pagpunta nito kung saan. Iniisip ko ang mangyayari kung sakaling makalabas ako sa teritoryo ng lalaki. Hindi naman p'wedeng habang buhay akong magtatago. Buti sana kung aasawahin ako ito. Edi, stay still na ako rito.
Napakislot ako nang may maramdamang bagay na dumampi sa akin. Nilingon ko ang may gawa nito at nakita ang lalaki na seryosong ginagamot ang labi kong pumutok at iilang pasa sa mukha ko.
"Why did you let her hit your face?" ani nito na bumasag sa katahimikan.
"Hindi ko kayang iwasan mga suntok at sampal niya," turan ko nalang sa lalaki.
Hindi na ito nagsalita at seryoso lang na mahinang dinadampi ang ano mang bagay na malamig sa mukha ko. Masiyadong malapit ang mukha nito kaya hindi ko mapigilang mapatitig sa lalaki. Una akong tumingin sa magkaibang kulay ng mata nito hanggang sa bumaba ang tingin ko sa plump lips na mapula nitong labi. Bagay sa kaniya, alam kong natural lang sa lalaki iyon.
"Done, analyzing my face?" tanong nito kalaunan.
"Hindi pa." Tila natauhan naman ako nang marinig ang mahina nitong tawa. Bakit ba napaka husky at buo ang tawa nito? Parang sexy sa pandinig ko.
Hinampas ko ito sa dibdib nang ngumisi ito sa akin. A-aray, matigas.
"Aww, fuck! Why you always keep on hitting me? You vampire."
Feeling ko'y tinubuan ako ng sungay nang marinig ang sinabi nito. Ako bampira? Sira-ulong lalaki ito! Pula lang ang dalawang mata ko pero hindi ako bampira!
"Pula rin naman ang isang mata mo, a! Half vampire ka kung ganoon? Siraulo!" inis kong tanong na ikinataas ng kilay nito. Hindi ko siya pinansin at nagsalita ulit, "at isa pa hindi ako bampira!" depensa ko at nagsalubong ang kilay.
"A cough, then."
Ang nakasalubong kong kilay ay nagsalubong pa lalo at mas lumalim ang gitla ng noo lalo pa't nakita ko si Wrathrome na halatang tuwang-tuwa makita ang reaksyon ko.
"Letse ka! Mas lalong hindi ako ubo! Mabubuhay kaya ako kung galing ako sa ubo?! S'yempre sperm ng magulang ko ang ginamit sa paggawa sa akin!" nangingingil kong sambit at hingal na tumingin sa lalaki dahil sa pagsigaw.
Naghugis linya ang labi ng lalaki at pinigilang ngumiti. Natigilan naman ako nang ma-realized ang sinabi ko sa kaniya.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "A-ang ibig kung sabihin, gawa nila ako mismo."
"Ah-huh. What now?"
Natigilan ako. Nakalimutan kong may problema pa pala akong dapat kaharapin...
"A-aalis na ako. Ahm, salamat master." Tumayo ako pagkatapos sabihin at iika-ikang naglakad.
Ngayon ko lang naramdaman ang sakit sa katawan. Kanina'y hindi ko pa ininda 'to.
BINABASA MO ANG
The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]
FantasyMeet 20-year-old Elara Ariadne Aldelia. A woman who would give up her life to save and defend those she loved. Province is home to Elara Ariadne, a straightforward individual. She realized right away that, because of her eyes, she was unique amo...