[Unedited]
Revelation: Primutier
One month in training, after what happened. Pinaulit kay Elara ang lahat ng pinagdaanan niyang elemento sa bawat pagsubok without helping by the others. It was not easy for her, never been easy. Sa mga nakaraang araw masiyadong naging mahigpit ang maestro sa pagtuturo; combat, power, ability... he make sure na nagawa iyong lahat ni Elara ng maayos at tama. This time, they shouldn't failed, ito na ang huli—wala ng susunod.
Tahimik na naglalakad si Elara matapos maka pag paalam sa maestro. Sinuyod niya ang daan palabas at sumalubong ang madilim na lagusan na naka konekta sa lihim na tahanan ni Wrathrome. Bagaman isang araw lang siyang nawala sa lugar na ito, ramdam niyang may nagbago marahil ay dahil iyon sa ensayong napagdanan niya sa loob ng isang buwan. Kalmado siyang naglalakad habang inaalala ang napag-usapan sa pagpupulong matapos na pumayag siyang makipagkasundo kay Reyna Phoena.
Tahimik ang labing lima na mga nilalang na naka-upo sa mahabang lamesa kasama ang ilan sa matataas na ranggo. Kalmado namang nakaupo si Elara sa pinakaunahang bahagi ng lamesa habang nasa gilid naman ang mga kasapi ng partido. Sa harap niya na nasa unahang bahagi rin ay naka-upo ang lalaking isa sa iginagalang niya. Ang nagtayo at nagsimula ng lugar na ito. Si Liminous...
Taimtim silang lahat na naghihintay ng pagdating ng reyna at paliwanag nito. Hindi rin nagtagal ay lumitaw ito sa gilid nila, walang nagbago ganoon pa rin ito ng huli niyang nakita.
"Ikinagagalak kong makita ang buong partido kasama na ang mga namumuno sa bawat sangay." Ito agad ang sumalubong sa kanila na tinanguan lang naman ng dalaga at pinaupo ang reyna sa nakatakdang upuan para rito.
"Kumusta ang mga studyante?" ani ni Liminous na sumira sa katahimikan.
"Maayos, tulad ng sinabi ko... nanatili pa rin silang sunod-sunuran," ani niya.
Tumango naman ito sa kaniya at humarap sa babaeng katabi lang nito. "Ikaw? Anong pinagkakaabalahan mo, ikaunang rook?" nangungutyang ani nito sa katabi.
Umirap ang babae bago sumagot, "lalaki. Huwag kang mag-alala, nagawa ko ng maayos ang nasa plano."
"Dapat lang," ani nito. "Ikalawang Rook?" pukaw nito sa isa pang babae.
Lumingon muna ito kay Elara bago ibinaling ang tingin sa kausap. "Nagawa ko ng maayos pinuno, iniisip na nilang lahat kung sino ang gumawa sa likod ng mga pagpatay... I manipulated them."
"Magaling, walang magbabago ng plano. Lahat ng napag-usapan ay susundin pa rin. Umaayon sa atin ang lahat..."
"May kaugnayan ba ang grupo na iyon sa kaniya?" ani ng isa sa partido.
"Posible, ikaw na bahala sa kapatid mo..." balik namang sambit ng isang lalaki na ikinatango ng malungkot ng nagtanong.
Tumikhim siya para makuha ang atensiyon ng mga nasa lamesa. "Dumako na tayo sa dahilan ng pagpupulong..." makahulugang ani niya at nilingon ang reyna na kanina pa tahimik na nakikinig sa kanila.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, mapanganib para sa inyo ang aking daptika. Hawak niya ang sandata ng aking ama. Walang dudang gagamitin niya iyon laban sa inyo," agarang sambit nito.
"Ano ang dapat naming gawin? May suhestiyon ka ba, reyna ng Fueire?" makahulugang ani ng professor.
"Kung mamarapatin ninyo, nais kung umanib sa grupo ninyo. Ipinapangako kung gagawin ko ang lahat upang mag tagumpay ang maaaring maging plano, para sa Alestria at sa Fueire..." sinsero nitong ani.
BINABASA MO ANG
The Central Crest: Alestria Academy Book 1 [ONGOING]
FantasyMeet 20-year-old Elara Ariadne Aldelia. A woman who would give up her life to save and defend those she loved. Province is home to Elara Ariadne, a straightforward individual. She realized right away that, because of her eyes, she was unique amo...