Chapter 15

1 0 0
                                    


|CHAPTER 15|

NEXT CARD


Umibabaw ako sa tubig at lumanghap ng hangin. I thought this is the end, buti na lang at malalim ang tubig. Dahil naging life vest rin ang jacket ko ay hindi ako lumubog sa kailaliman. Lumangoy ako sa kabilang parte ng isla kung saan walang mga tao at bilang lang ang sulo. Hindi kalakihan ang isla kaya mahirap umahon, baka mamaya ay may sumulpot na lang sa harapan ko.

Nakaramdam ako nang maliit na patak. Sinudan pa ito ng isa hanggang sa hindi na mabilang. Ang kaninang mabituin na langit ay isa-isang nahulog at naging patak ng ulan. Tumihaya ako sa paglangoy upang makita ang kalangitan and I feel ease when drops fell into my face.

"Silong!" sigaw nang babae—the girl I know.

Dahil sa lakas at dami nang patak ng ulan, ang mag sulong tangalaw nilang nakabaon at nakakalat sa buhanginan ay unti-unti na wawalan na ng tangalaw.

This is my chance. Embracing my body when I out of the water. Sobrang lamig. May nakikita akong mga bahay na walang mga ilaw at bukas lang ang kanilang mga bintana at pintuan. May iilan ding sira, na siguradong inatake ito ng mga bandido.

I thought this would be our rest. Pero heto ngayon at nakikipagsapalaran na naman sa gulo. Katatapos lang sa Cardboard City heto na naman. Nahanap ko na si Jana at si Belle pero nandito na naman at hahanapin ulit sila. Kailan ba matatapos ang paghahanap na 'to?

Dahil patay na ang ilaw ng sulo ay naging maingat pa rin ako at naging mapagmasid. Nang wala naman kahinahinala ay mabilis akong tumakbo sa bahay na gawa lamang sa sawali, at kugon. Kahit na malamig ay pinatay ko ang mga natitirang ilaw dito sa loob. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinasabi ng lalaking papalapit sa pwesto ko.

"Nakita ko kung paano siya nahulog kanina sa tulay. Pinanood ko rin kung paano siya lumangoy papunta dito sa pampang. Hindi mo ba na pansin kanina na mabigat ang side ng tulay?" Rinig kong boses ng dalawang lalaki. Pareho silang tumatakbo dahil rinig ko ang mabibigat nilang yabag sa buhanginan.

"Medyo pero hindi ko pinansin dahil inabot sa akin ni boss kanina 'yung babae—"

"Psssst!"

Inaninag ko ang loob ng bahay ng marinig ang pagsitsit. Hindi pa rin naa-adapt mata ko ang dilim kaya sinubukan kong paliitin ang mga ito. Wala akong napansing kakaiba tanging kagamitan lang sa bahay.

"Narinig mo ba 'yon?" sabi nung lalaki sa labas.

Umalis ako sa pinagtataguang kong maliit na espasyo sa ilalim ng lababo at lumapit sa bintana. Bagahya akong sumilip, tamang isang mata ko lang ang nakakakita ko ang dalawang lalaki at kapwa silang nakatalikod sa akin. Pinanood ko lang silang magtulakan upang pumasok sa kabila.

"Baka iyan 'yung babaeng tinutukoy mo kanina." Inabot ng lalaki ang hawak niyang gasera, na naghihingalo na ang apoy dahil sa malalaking patak ng ulan. "Hiramin mo muna itong stick na dala ko." Nang maiaabot niya ulit ang stick ay tinulak na niya ang kasama niya.

Kailangan ko nang proteksyon. Kinapa ko ang hawakan ng espada sa kaluban nito. "Oh, no. Naiwan ko." Inikot ko ang tingin sa malaking bahay at natanawan ko ang kitchen knife na nakasisik sa pagitan ng sawali. Pagapang akong pumunta doon at saka hinugot.

"Tulong!"

Isang malamig na hangin ang yumakap sa katawan ko nang marinig ko ang pagsigaw ng lalaki. Sinundan ito nang malakas na pagkabasag ng bubog. Umikot ako naningas na alng ako sa pwesto.

Our Own Hide & SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon