Chapter 9

2 1 0
                                    


|Chapter 9|

CARDBOARD CITY


"Aye, aye, Captain!" sabi ng mga kasama ko.

Katatapos lang namin ng paglilinis dito sa ibabaw ng barko. It is quite hard pero dito sa mga kasama ko ay hindi mo makikita ang pagod. Ibabaw pa lang 'to at hindi pa namin nalilinis ang second deck and cabins. Their smiles never fade, except for one person. Ang dami, at ang bibigat ng binubuhat at itinutulak, pero hindi nila alitana 'yon.

"Kap, pwede po bang pumunta ng kusina. Hapon na, gagawa lang ako ng meryenda," sabi ko kay Kapitan Prima pag-akyat ko ng quarter kung na saan ang steering wheel ng barko.

"Alam mo bang magluto?" Tumango ako. "Sandali tatawagin ko lang si Owen." Lumapit siya sa isang haligi kung na saan ang cone shape na nakaharap sa'min. Bago siya nagsalita ay mag hinila siya sa gilid nito at tumunog ang parang bell na maririnig mo kahit saan parte ka ng barko. "Owen, pumunta ka sa kusina. Tulungan mo si Criz."

Bumaba ako ng hagdan at nakasalubong ko si Jana na malamig ang tingin. Napabuntong hininga na lang ako. It will take long to tame this girl. "Make yourself useful," sabi niya at inabot sa akin ang mga binilad na basahan. "Ilagay mo iyan sa kahon sa loob forecastle," sabi niya at tumalikod.

"S-Saan 'yung f-forecastle?"

Napa-ismid siya. "Doon." Tinuro niya ang pinto sa harapan barko at tuluyang umalis.

Tahimik at wala 'kong ganang binuksan ang pinto. Ang dati kong kaibigan na lagi ako pinoprotektahan ay ngayon parang ituring niya akong mortal na kaaway. Hinanap ko ang kahon na sinasabi niya at inilagay iyon sa loob. Umupo ako sa ibabaw nito. Para akong napagod sa mga nangyayari sa buhay ko.

May kumatok sa pinto at doon lang ako tumayo upang pumunta na sa kusina, baka kanina pa naghihitay si Owen doon. Bumukas ang pinto at sumalubong sa akin si Jana na nakasimangot na naman.

"Pumunta ka na daw sa kusina. Owen is waiting you there," sabi niya at tumalikod na.

Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko ang lalaki na naglilinis ng lababo. Limingon siya sa akin. "Criz?" he asked, hesitantly. The guy is cute. His eyes are dark brown, pag ngumiti ay nakapikit na siya. His nose rounded-end. He was showing a toothless smile.

I nodded. Kinuha ko ang frying fan at inilagay sa kalan. Uling ang ginagamit nila sa pagluluto. Buti na lang at naranasan kong maging mahirap kaya alam kong gamitin iyon. Hindi lang ako umiimik, I feel awkwardness between us. Kumuha ako ng karton malapit sa bungad ng pinto at sinindihan iyon.

"Use this," sabi niya habang nakasandal sa lababo. May inabot siyang wooden pipe at gaas. "So ano ang lulutuin mo?" tanong niya na hindi pa rin naalis ang ngiti sa kanyang mukha. Hindi ako makaimik at tumawa lang siya. "Hindi ako masamang tao. Hindi ako mapapasama sa barkong ito kung ganoon ako. Pwede ka ng huminga,Criz," sabi niya at siya na nagtuloy ng sa pagpaparingas.

Humunap ako ng mga ingredients at ang nakita ko ay bread, egg, lettuce, and a ketchup. "M-May karne ba kayo? Mas maganda kung beef," sabi ko habang hinuhugasan ang lettuce.

"Ubos na ang supply namin. Wala na kaming beef, pork lang," sabi niya at inilagay na ang itlog sa maiinit na kawali. "Check mo sa box." Tinuro niya ang apardor na maliit sa ilalim.

Nakita ko ang dalawang pirasong karne na lang ang nandito. Kasing laki lang kalahting pad na papel. Kinuha ko ang isa at tinabunan ulit ng yelo. Pumunta ako sa lamesa at kinuha ang chopping board na gawa sa kahoy. Hinati ko sa kalahati ang karne at ibinalik ang hindi gagamitin.

Our Own Hide & SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon