Chapter 12

1 0 0
                                    


|Chapter 12|

FOUND


"Alam kong nag-aalangan ka pa sa akin Criz. I'm a stranger after all. Pero kailangan mo itong malaman; Nakita mo ba kung ano ang halimaw na 'yon. Kailangan mo iyon mapabagsak dahil iyon ang nagsisilbi mong orasan at kapag natalo ay madadali ang paghahanap sa minamahal mo. Pero kapag tuluyan niyang nakain ang lahat ng isla ay hindi mo na magagawang mahanap ang lahat ng kaibigan mo. Pero kaya mong—n'yong—pigilan 'yon sa tulong ng iyong music box."

"Paano ako maniniwala sa sinasabi mo? Tapos wala na sa akin ang music box. I lost it on the way here."

"Nakita mo ba talagang nasira?" I left hanging when he asked that question.

"W-Wh-What do you mean?" I tried to say my words.

"Ang ibig kong sabihin, kung hindi pa nasira at nawala mo lang maari pang magwagi as long as makikita natin 'yon. Your music box is especial because it can activate your ability within you. 'Yon ang sinabi ni Lola. Ang hawak mo daw ay puting baraha ay mahahati ang kakayahan. You hold the power, while your music box activates it. Pero tandaan mo daw, collects all cards kasama 'yong sayo upang masiguradong mahahanp mo talaga ang huling baraha."

"Paano ko malalaman kung saan nawala?"

"Balikan natin ang trail kung saan ka galing," he says with sarcasm tone. "Pirata ang mga kasama mo dito siguradong alam nila ang kanilang mga dinadaanan. At pwede rin kitang matulungan. Siyempre kailangan ko munang magpakilala." Ngumiti siya at halos hindi ko na makita ang itim ng kanyang mata. Inabot niya ang kayang kamay. "Filih, nga pala."

"Nice to meet you." Inabot ko ang kanyang at marahang inalog.

One more person willing to help me, I can't explain this feeling. Kahit hindi kadali at kapanipaniwala ang naranasan ko upang makarating lang dito, may mga tao pa rin na handa akong tulungan.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kinagabihan ay ako pa rin ang nag-asikaso sa pagkain. Sumama rin si Owen upang tumulong pero pingilan ko siya dahil baka mapaano pa siya, kaya iyon pinaupo ko na lang. Si Chip ang nagmamaneho sa taas. Si Kapitana naman ay nag-aayos ng sira sa barko dulot ng gulo sa cardboard city. Si Olive naman ay binabatayan ang mga nagpapahinga sa ibaba.

"Criz, sorry pala kanina," sabi ni Owen at pinaglalaruan ang baso ng tubig.

"Okay lang. At sa tingin ko hindi ka dapat sa akin mag-sorry, kay Olive dapat. Kapatid mo siya at siguradong siya ang nag-aalala iyon sa'yo."

Inilapag ko sa harapan niya ang mga plato, at sa ibabaw nito ay kutasara at baso. Binitbit ko naman ang tray laman ang kanin, pritong isda at sabaw ng sinigang na isda. "Ihatid na natin ito sa kanila at mag-usap na rin kayo."

Nang maihatid ko na namin ang mga pagkain ay tumalikod na rin ako upang makapag-usap silang magkapatid. Bumalik ulit ako sa kusina upang maghanda para sa hapunan naming lahat.

"Tulungan na kita diyan Criz, maghuhugas lang ako ng kamay," sabi ni Kapitana na kababa lang galing sa taas. Saglit lang at tinulungan na rin niya ako.

Nang lahat ay nakaakyat na sa main deck ay nag-umpisa na kaming kumain. Una ay nagpakilala ng maayos sa kanila si Filih at kung ano ang itensiyon ko niya.

"Sinabi ko na kanina kay Criz, na balak ko siyang tulungan. I don't have any bad intention na sirain ang inyong sasakyan o ipahamak kayong lahat. Ayos lang po ba Kapitana na mag-stay ako dito hanggang matapos ang paghahanap ni Criz sa kanyang kaibigan?"

Our Own Hide & SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon