Chapter 1

17 1 0
                                    

ǀ Chapter 1 ǀ

LET'S PLAY

Tumigil ang makina ng bangka na siyang hudyat na nakarating na kami na fish port. Buong araw ang aming naging biyahe galing sa kabilang isla. Tatlo kami doong teacher na pumunta at nagturo kami doon ng isang taon at upang mas madali ang pag-a-apply ng trabaho. Gabi na kami na nakarating dito port.

Mula sa hindi kalayuan ay nakikita ko ang lighthouse na malakas ang ilaw upang makita ito ng mga padaong na mga bangka. Katamtaman lang ang hampas ng mga alon sa sementadong pader nitong lugar. May mga natatanawan pa ako isdang nakakapit sa pader at mabilis na tumatalon kapag tinatamaan ng liwanag ng flashlight.

Tumama ang dulo ng bangka sa hagdan at inihulog na ng bangkero ang angkla. Unang tumalon ang bangkero sa hagdan upang alalayan ang mga kanyang mga pasahero. Nauna ang mga kasama ko at sila ang nagdala ng mga gamit palabas habang ako naman ay tigabigay.

"Criz," tawag ng ni Mira—isa mga kasamahan kong guro. "May susundo ba sayo, kung wala ay sumabay ka na sa amin. Gabing-gabi na at malayo pa ang uuwian mo."

Tiningna ko ang cellphone ko at nakita ko sa orasan ay 11 PM. Niyakap ko ang sarili ko ng umihip ang hangin. Dahil malalim na ang gabi at mahigit isang oras pa aabutin sap ag-uwi kinuha ko na ang pack bag at travel bag at sumakay na ng tricycle nila.

Nakaidlip na ako sa buong biyahe, nagising ako ng dumaan ang tricycle sa humps. Bumungad sa akin ang maliliit na establishimento. May mga kabataan din naglalakad kahit dis-oras ng gabi at masayang nagtatawanan at nagtatakutan sa daan.

Parang ang sakit isipin na tapos na ang oras ko sa pagiging kabataan at kailangan ng isipin at ayusin ang sarili para sa susunod na taon. Hindi na pwedeng bumalik sa nakaraan at sulitin ang mga sinayang na oras. Tanging magagawa mo ay pagmasdan sila at bumalik sa nakaraan gamit sa nakaraan. Napangiti ako ng magbaliktanaw ng bata ako...kami sa probinsiya namin.

Third Person POV

15 years ago,

Cold breeze blowing on the street. The full moon shining above the houses. Billions of stars twinkling rapidly. All the citizen of barangay is busy, some of them are enjoying the night with their neighborhood.

Galing sa bahay nila Miguel si Kurt at katatapos lang nila maglaro ng Super Mario. Dumiretso siya sa loob ng bahay na akala niya ay hindi na na pansi ng ina niyang nasa kusina at naghahanda ng hapunan.

"Kurt, maghugas ka na at kumain," sabi ng Mama.

Hindi pa siya nakakaupo sa sala upang manood ng tv ay na patigil na siya. Kahit ayaw makinig sa Mama niya ay wala siyang nagawa dahil nakita niya ang Papa niyang nakatutok sa tv at nanonood na naman ng action movie, at ang lakas pa ng volume ng tv.

Pagkatapos niyang maghugas ng katawan ay pumunta na sa kusina upang maghanda ng pagkain.

"Kurt, pakitawag na 'yung Papa mo," sabi ng Mama niya at napakamot na lang siya sa kanyang ulo sa utos.

"Pa, kakain na daw," walang gana niyang bigkas at tumalikod na. Nang makitang tumayo ang Papa niya ay mabilis siyang tumakbo sa kusina at nagmadali nag handa ng pagkain. Mainggat niyang isinalin ang kanin sa kanyang plato gamit ang kutsara.

"Gumamit ka ng sandok, anak," suway sa kanya ng ina at inabutan siya ng sandok.

Nang kumpleto na ang laman ng pinggan at nalaman na ng tubig ang tumbler ay mabilis at mainggat siyang pumunta sa sala upang hindi mapansin ng am't ina. Inilipat niya ang channel sa cartoon network.

Our Own Hide & SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon