Chapter 8

2 1 0
                                    


|Chapter 8|

PIRATE


Ilang beses na ba ako nakatulog? Buong araw na yata ay tinulog ko na lang. Bumangon ako at tumayo. Pero...

"Aray," reklamo ko ng mauntog ako sa taas.

Inikot ko ang ang aking tingin sa maliit na lugar. Wala na ako sa dagat pero para akong hayop ngayon. Prisoner inside the small-wooden cage. Salamat sa lamparang nasa ibabaw ng lamesa kaya ko nakikita ang nasapaligid ko. Sinubukan kong sirain ang mga kahoy na kaharang—may pagkamanipis pero ang hirap sipain. Sinipa ko ulit pero ako lang rin ako nasaktan. Plus, wala akong pwersa makuha dito.

Kinapa ko ang music box and there's nothing inside my jacket's pocket. I lost my mother gift.

"Tulong!" Inuga ko ang mga kahoy, sakaling maputol.

"Hey...Gising ka na pala." Lumapit sa akin ang isang babae. "O, Kumain ka na." Inilapag niya sa harapan ng kulungan ang isang platong may lamang kanin at pritong isada. Amoy ko pa ang mabangong amoy nito, na halatang kakaahon lamang.

Gutom na ako. Ngunit hindi ko maigalaw ang kamay ko upang abutin ang plato. Nanigas na ako sa aking pwesto habang pinapasdahan ko ang katawan ng babae. Suot niya ang goggles na ibinigay ko sa kanya dati. I know it hers because the letter I curved on the side of right lens.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Mama!" sinalubong ni Criz ang Mama niya nakakababa lang ng pampublikong bus. May dala itong mga bagahe. Ibinaba ng koduktor ang natitirang bagahe at binuhat ito ng nila papunta sa maliit nilang tahanan.

"Para ka nang galing sa ibang bansa, Mahal. Ang dami mong pinamili," sabi ng ama ni Criz na nagsusukat ng damit na ibinili nang kanyang asawa.

"Ang bango naman ng bag mo Mama. Amoy eroplano," sabi ni Criz at gumulong-gulong sa mga nakalatag na damit sa papag.

"Hoy, huwag mo higaan 'yan anak, makati. Hindi ko pa nalalabhan 'yan. At anong amoy eroplano, ukay lang 'yan. Dahil ito lang ang kaya ng Mama." May kinuha ito sa bag na dalawang regalo at inabot sa anak.

"Ano 'to?"

"Buksan mo muna bago ka magtanong," sabi nito sa anak.

Unang binuksan ng ni Criz ang isang regalo na mas malaki at kasing laki ng plastic ng chichirya. Unang sumalubong sa kanya ang isang makulay na plastic at may laman na goggles—wooden goggles.

"Para sa akin 'to, Ma?" tanong ni Criz at inangat ang hawak.

"Oo, ayaw mo ba?"

"Gusto ko pero hindi ko naman ito magagamit. Sa palanggana lang ako magaling sumisid."

Natawa ang mag-awasa sa sinabi ng anak. "Ibigay mo na lang kay Jana. Alam ko ay mamimili nang magaling lumangoy bukas, ibigay mo na lang sa kanya. Malay Manalo siya diyan.

Napangiti ng malawak ang bata. Tumakbo siya sa kusina upang kunin ang maliit nilang kutsilayo. Bumalik siya sa kanyang Ama.

"Anong gagawin dito?"

"Ukitan mo po ng J, para hindi mawala."

Kinabukasan ay pumunta sila sa resort kung saan gaganapin ang laban. Agad na hinanap ni Criz ang kanyang kaibigan

"Jana!" sigaw n'ya.

"Criz!" Naghawak ang dalawa at nagtatalon.

"May gusto akong ibigay." Inabot niya ang goggles na hawak niya. "Sayo na lang 'yan. Hindi ko naman magagamit. Tapos pinalagyan ko ng J para hindi mawala."

Our Own Hide & SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon