CHAPTER 1

6.3K 51 0
                                    

CHAPTER 1

LADY Gissele Vrivler-Augusté was inside the elevator, calling her boyfriend, Michael Jarvis, incessantly. Maikli ang pasensya ni Lady Gissele at mas umiikli iyon dahil mula kagabi pa niya ito tinatawagan, tadtad na rin ang mga text niya rito ngunit wala itong ni isang tugon.

Lady Gissele took a vicious breath. Sa hininga na lang niya mailalabas ang inis at tampo niya.

Michael works in New Zealand. He works abroad to get more opportunities. Mayaman si Lady Gissele at kaya itong bigyan ng trabaho sa kahit na anong corporations niya. Kaya niya itong tulungan ngunit pinili ni Michael ang mangibang bansa at doon mag-isang tuparin ang mga pangarap.

Kakatapos lang ni Lady Gissele na magtrabaho sa opisina niya sa hapong ito. Pababa siya ng elevator at sa ikalimang beses na missed call ay huminto ang elevator saka bumukas. Bumungad sa harapan niya ang sekretaryang si Flecia Mylaano na nag-aantay sa harap ng elevator. Lady Gissele didn't expect to see Flecia in front of this elevator. She thought she had already gone home.

Ang mga ibang employees na nasa paligid ni Flecia na nag-aantay rin ay nagsipagyuko at hindi makatingin sa kaniyang mga mata.

"Good afternoon, young lady." malawak na ngiting bati ni Flecia. Nang marinig iyon ng mga katabi ni Flecia ay nagsipagbati rin sila.

Bitbit ang Prada handbag ay tiningnan muna ni Lady Gissele ang cellphone bago iyon ipinasok sa handbag niya.

Pinaglandas ni Lady Gissele ang tingin sa mga employees at kay Flecia. She rolled her eyes. "Get out of my way. Mabuti pa kayo good ang afternoon niyo."

The sound of her high heels was tumultuous as Lady Gissele exited the elevator. Employees sidestepped. "Flecia." she called for her secretary.

"Yes, young lady?"

"Linisin mo ang buong opisina ko." naibugtong niya ang inis sa sekretarya na nag-iisa niyang kaibigan.

"Sige, young lady. Tatawag ako ng mga cleaners—"

"I want you to clean my office all by yourself, Flecia." walang kulay ang mga mata ni Lady Gissele na tiningnan ang sekretaryang malaki ang mga matang hindi inaasahan na papalinisin ng buong opisina ngayong hapon.

Nais mang magreklamo ni Flecia na siyang nag-iisang kaibigan ni Lady Gissele, tikom na lamang ang bibig nito. Flecia's expression showed her whole complaint.

"May reklamo, Flecia?"

"Wala, young lady. I'm happy to clean this afternoon. Pauwi na sana ako at may kukunin lang sa opisina ko. Pauwi na ako, e. Pauwi na. But I have to clean first. That wasn't what I expected to experience this afternoon. We're friends and you're the boss, so who am I to complain?" Flecia smiled fakely.

"Mabuti naman, wala kang reklamo. Clean well." she rolled her eyes again. Without any more words, she left Flecia and the other employees. Tinahak ni Lady Gissele ang daan patungo sa harapan ng building kung saan nag-aantay ang Mercedes-Benz.

Hinandaan siya ni Flecia ng driver sa araw na ito dahil alam nitong wala siya sa mood, her bad mood was manifested since this morning, natatakot ang sekretaryang ibangga niya ang sariling sasakyan na ikamamatay niya kapag siya ang nag-drive.

Nakalabas siya ng building at pinagbuksan siya ng driver ng pinto sa back seat. Her face was unpaintable. Hindi umimik ang driver hanggang sa makapasok si Lady Gissele sa sasakyan dahil alam nito ang demonyong ugali ni Lady Gissele.

Lady Gissele got her cellphone again from her handbag and called Michael again. She was hoping that he would answer. Just one answer from him can be enough for her. Gano'n ba kahirap na sagutin ang tawag?

PLEASURE OF DEFRAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon