CHAPTER 27

2.4K 32 1
                                    

Chapter 27

LADY Gissele couldn't define her emotions as she was staring at her ex who cheated on her. Her eyes and Michael's met.

Lady Gissele's temper is not always a good kind of temper. Nang makita muli ang gagong lalaking ito ay gusto na agad niyang patayin ang manlolokong ito. Ang tigas din ng mukha ni Michael na kayang makatingin sa akin nang diretso.

Walang interes sa taong nasa loob ng elevator na iyon na hinawakan ni Lady Gissele ang kamay ni Caleb.

She didn't fold her and Caleb's hands to brag to Michael that she already had a boyfriend and that she had moved on. She didn't fold her and Caleb's hands to show that she has been doing fine since their break up on the phone call that took only minutes.

Michael got out of the elevator. The distance between her and Michael grew closer as Michael got out.

Kung nakamamatay ang titig, marahil nasa kabilang buhay na ngayon si Lady Gissele. Sa gayong titig ni Michael ay binawian niya ng titig ang binata nang matalim. Tiningnan ng dalaga ito mula ulo hanggang paa, inilabas ni Lady Gissele sa ekspresyon ng mukha niya ang pangmamaliit.

Tinarayan ng young lady si Michael. Nagtataka si Caleb sa kakaibang pagtitigan ng dalawa.

"Do you know him?" mahinang tanong ni Caleb. Kakapasok lamang nila sa elevator na nilabasan ni Michael.

"Yeah. I know that bullshit man. Si Michael."

Kumunot ang noo ni Caleb na sinundan ng tingin si Michael na nakaharap kay Lady Gissele na tila may nais sabihin. Hindi pa nakasara ang elevator na nag-aantay pa ng papasok.

"Hey, girlfriend ko ang tinitingnan mo." naiiritang pahayag ni Caleb.

Pinaglandas ni Michael ang tingin kay Caleb at muling ibinalik ang tingin sa dalaga. "Gissele, puwede ba tayong mag-usap?"

"Lady Gissele, Michael. Baka nakakalimutan mong gumalang."

"Look, Gissele, I insist to talk to you—"

Kumuyom ang kamao ni Caleb. Akmang ihahakbang ang mga paa palapit dito upang ipakamot sa mukha nito ang nangangati niyang kamao nang diniinan ni Lady Gissele ang pagkakahawak sa palad niya. "Hoy, gago! Para saan?!" ubod ng galit ang tono ng boses ni Caleb.

"Gissele, please—"

Lady Gissele rolled her eyes and closed the door of the elevator by pressing the close door button. The young lady didn't say anything. She only gave her rolling eyes to Michael before the door finally closed.

Taas-baba ang dibdib ni Caleb sa galit at selos.

"Anong ginagawa no'n dito?" kapagkuwang tanong ni Caleb.

Hindi umimik si Lady Gissele. Nang tingnan ni Caleb ang mukha ni Lady Gissele ay hindi malaman ni Caleb ang emosyon na meron ang dalaga. Hindi gustong isipin ni Caleb ang pag-iisip nang labis na baka... natutuwa si Lady Gissele na nakita ito o na-miss nito ang ex o mahal pa nito ang ex.

"My lady, are you okay?" ang naitanong niya.

Huminga nang malalim si Lady Gissele. "Hindi." nakatingin sa pinto ng elevator si Lady Gissele at hindi sa mga mata niya.

"My lady—"

"Ayokong pag-usapan ang lalaking 'yon, Caleb. Wala na siya sa buhay ko. Ayokong magsayang ng laway para sa kaniya," tumingin ito sa kaniya. Pilit ang ginawang ngiti ng dalaga. "Mag-enjoy lang tayo sa lugar na ito."

Tumango si Caleb. Hindi mapanatag ang loob lalo nang mapansin niya ang panginginig ng kamay ni Lady Gissele.

Hindi pa noon nakikita ni Caleb kung paano magalit si Lady Gissele ngunit sa nasasaksihan niya ngayon sa dalaga ay kinakabahan siya sa puwedeng gawin nito.

PLEASURE OF DEFRAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon