CHAPTER 25

2.8K 33 0
                                    

Chapter 25

LADY GISSELE woke up with a smile on her lips. Naabutan niya si Caleb na nakayakap sa kaniya. They were covered by a blanket as they embraced each other.

Lady Gissele kissed his cheek, which woke him. 

"Good morning, Caleb." with a wide smile, she greeted.

Caleb tightened his embrace. "Mamaya ka na mag-good morning, matulog pa tayo."

Lady Gissele beamed. "Okay, sleep more." aniya rito.

Kumalas siya sa yakap nito na ikinadilat nito ng mga mata. Hindi nais ni Caleb na umalis siya sa tabi nito.

Nagpaalam siya. "Magluluto muna ako ng breakfast..."

Caleb frowned. He opened his eyes vaguely. "Ikaw?" there was a mark of disbelief in his voice. 

Kaaga-aga na tinarayan ni Lady Gissele ang binata. "Oo, ako! Marunong ako magluto!" diin niya kahit ang totoo ay hindi naman siya talaga marunong.

Binigyan siya ng ngisi ni Caleb. Itinayo ng binata ang pang-itaas na katawan at naupo. Gayon din ang ginawa ni Lady Gissele. "Oh, kalma. Wala naman akong sinasabing hindi ka marunong magluto."

She rolled her eyes again. Wala raw sinasabi ngunit sa loob-loob naman niya ay sinasabi niya iyon.

"Basta magluluto ako." pagpupumilit niya at akmang aalis na sa kama nang hawakan ni Caleb ang braso niya. Hinatak siya nito palapit dito at panakaw ang halik na ibinigay nito.

"Tulungan kitang magluto." nakangiti nitong alok.

Iniling niya ang ulo. "No."

He kissed her again. "Yes."

Iniling niya ang ulo. "No—"

He kissed her lips again. "Please?"

She suspired. Ano pa nga ba? Ang gano'ng pakiusap ng binata ay hindi niya kayang tanggihan. Walang laban ang katarayan niya at pride kapag dating sa lalaking ito.

"Fine! Pero assistant lang kita." pagsuko niya.

Bumungis-ngis si Caleb, mahinang bumulong. "Nagsalita ang marunong magluto—"

"Anong sabi mo?"

"Wala. Sabi ko sige. Tara na sa kusina?"

She heard it clearly! At hindi niya iyon palalagpasin. "Anong wala? Caleb, marunong talaga ako magluto!"

Tumango-tango si Caleb na suko na sa pakikipagtalo. Inaalala lamang ng binata ang kaligtasan ni Lady Gissele kaya nais niya sanang siya na ang magluto.

Lady Gissele rolled her eyes. Tumayo ang dalaga at kinuha ang malaking damit ni Caleb na nasa sahig. Hinagis ito ni Caleb kagabi roon no'ng bago mangyari ang ungulan.

Sinuot niya iyon at humarap kay Caleb. Dinampot niya ang boxer nito at hinagis kay Caleb. "Suotin mo 'yan. Pahiram muna nitong damit mo."

Namumula ang pisngi ni Caleb nang makita ang t-shirt na suot ni Lady Gissele. Hindi maintindihan ni Caleb ngunit naglagay iyon ng kiliti sa puso niya. Seeing Lady Gissele wearing his t-shirt and note that Lady Gissele wasn't wearing anything than his t-shirt, made him flush like a shit apple.

"Malaki naman ito kaya matatakpan ang mahalagang parte ng katawan ko." ani Lady Gissele.

Wala sa katinuang tumango si Caleb. Inabot ang boxer at isinuot iyon.

Tumayo na rin si Caleb. Tanaw na tanaw ni Lady Gissele ang magandang hubog ng katawan ng binata from his abs to his thick legs. At ang malaking bukol ng pagkalalaki nito sa boxer na suot.

PLEASURE OF DEFRAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon