CHAPTER 28

2.5K 27 0
                                    

Chapter 28

AFTER that evening, Lady Gissele found herself once more strolling by herself in front of the frigid sea. Nakapaa siya na hinahayaang tamaan iyon ng mga paurong-sulong na tubig.

Nakasuot siya ng puting dress at nakalugay ang pinong buhok. Umaga sa oras na ito, nasa bahay ng mga magulang si Caleb dahil may ipinatulong ang ama nito na samahang mangisda upang may magbubuhat ng maraming mahuhuli.

Nagpaiwan si Lady Gissele upang isariwa ang isip gaya ng sariwang hangin.

Her mind and heart were indisposed. Lalo nang makita si Michael. Totoong lubhang nasaktan ang dalaga dahil sa mga ginawa ni Michael. Ang nais niya ay kapatawaran.

Sa paglalakad-lakad na iyon ay ang boses mula sa likod niya. "Gissele..."

That voice was from a cheater. Nagsitaasan ang mga balahibo ni Lady Gissele at muling napuno ng galit ang buong puso at kaluluwa.

Nagdikdikan ang mga ngipin niya. Hinarap ang lalaking pinagkukuyuman niya ng kamao.

"Can I talk to you? Just for a moment, please."

Masama ang tingin ang naibigay ni Lady Gissele. "Sige."

"May café sa bandang do'n. Tara?"

Lady Gissele rolled her eyes. Walang imik si Lady Gissele na hindi namalayang naroon na sila. Hindi rin magawang umimik ni Michael sapagkat mukhang kakatayin ito nang buhay ng dalaga dahil sa galit sa mga mata nito.

Matapos mag-order ni Michael ng dalawang amerikano coffee at nakarating iyon sa lamesa nila ay saka naglakas-loob na nagsimula si Michael. "Gissele—"

"Sabihin mo na agad ngayon pa lang ang gusto mong sabihin."

Itinaray muli ni Lady Gissele ang mga mata at itinuon ang tingin sa ibang direksyon na tila walang interes na narito siya kaharap ito.

Deeply swallowing, Michael took a sip of coffee before summoning his courage. "Kami pa rin ng bago kong girlfriend sa New Zealand. Naiwan siya roon dahil sabi ko pupunta ako rito para makausap ka... at... alam niya ang lahat tungkol sa atin..."

When Lady Gissele heard that, she thought she would feel hurt and she would cry. But no, she didn't feel anything similar to that. She was perfectly fine.

"Oh, congrats for finding someone who was near you—"

"Lady Gissele—"

"And thank you for cheating on me—"

"Lady Gissele—!"

"And thank you for breaking up with me over the fucking phone!" nalakasan ni Lady Gissele ang boses.

Nagkatahimikan silang dalawa. Nakatitig sa mga mata ng bawat isa.

"Gissele."

"Isa pang Gissele, Michael, sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas nang buhay rito," banta niya. "Nandidiri ako na naririnig ang pangalan ko mula sa bibig ng isang manloloko. Put Lady."

Kumagat sa labi si Michael. "Lady Gissele, please, pakinggan mo muna ako..." pakiusap nito.

Lady Gissele took a deep breath. She became silent to give Michael a chance to speak.

"Hindi mo naiintindihan, 'yong mga panahon na nanloko ako sa 'yo, wala ka sa tabi ko! Nami-miss kita palagi at hindi sapat ang phone call and text kaya nang makilala ko ang isa kong katrabaho at naging malapit kami sa isa't isa, nakaramdam ako ng init ng pagmamahal sa kaniya."

Ngumiwi ang dalaga. "Kasalanan ko pala? Kasi ang layo ko sa 'yo?"

"Hindi, Lady Gissele." huminga ito nang malalim.

PLEASURE OF DEFRAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon