CHAPTER 12

3.6K 41 0
                                    

Chapter 12

HUMAWAK sa bisig ni Caleb ang dalaga habang papasok sa grandeng hotel na 'yon. Maraming matataas na pangalan ang mga panauhin at siyempre kabilang na ang pamilya ng may pagdiriwang.

Nakangiti ang lahat sa kanila ni Caleb. Lady Gissele also smiled, compelled. She just really hoped it wasn't too obvious that her smile was so spurious.

E, anong magagawa niya? She wasn't happy being here, honestly. Mahirap ipilit ang ngiti na walang saya. That's different from Lady Gissele's point of view. But she was trying hard. To make herself complaisant.

Caleb remained silent until they arrived in front of the senator. When she looked at Caleb, he already knew what to do. He left her here in front of the couple.

"My greetings, sir." pagbati niya kay Mr. Lolleign, kasama nito ang asawang si Roxanne. Ngayon ay totoong ngiti na ang mayroon sa labi niya.

Nakatutuwa pala na makita ang dalawang mag-asawa na umaabot sa sampung taon ang pagsasama.

"Thank you, young lady. Isang karangalan na dumalo ka." bawi  naman nito.

Ngumiti lang si Lady Gissele na labas ang ngipin at sunod na nakipagbeso sa asawa nito. "Congratulations po."

"Thank you, young lady."

"It's nice to see that your relationship is still strong." ani Lady Gissele sa dalawang matanda.

Sumagot ang senador. "Ganito talaga kapag guwapo."

The three of them laughed.

"Magtigil ka nga. Nagbubuhat ka na naman ng sarili mong bangko." pahayag ni Roxanne sa asawa.

Hindi matigil sa pangiti ang tatlong nag-uusap.

Muling sumagot si Mr. Lolleign. "Alam mo, young lady. Kapag tunay na mahal ng dalawang tao ang isa't isa ay tatagal ang relasyon nila. Katulad namin. Mula noon hanggang ngayon, mahal namin ang isa't isa." umakbay ang senador sa asawa.

Tumango si Lady Gissele. "E, paano po kung hindi magkasundo? Hindi magkaparehas ng gusto? Magkaiba ng pananaw at pag-iisip?"

"Love will adjust, young lady."

Lady Gissele didn't ask again because his short last answer was already brimful of answers.

Sumingit si Roxanne. "Young lady, kung mamarapatin mo ang itatanong ko. Kailan kayo magpapakasal ni Michael?"

Lady Gissele looked scantily surprised by that question. She thought they didn't know her life. For a moment, Lady Gissele forgot that she was a nobility.

"Wala na po kami, ma'am." sagot niya.

Hindi bahagya ang reaksyong gulat ng mag-asawa. "Ano? Hiwalay na kayo?" paglilinaw ni Mr. Lolleign.

Tumango siya.

"We're sorry to hear that." malungkot na saad ni Roxanne.

"Ayos lang po."

"Well, ano man ang dahilan niyo ay magpakatatag ka katulad ng lagi mong ginagawa. Matapang ka, Lady Gissele, kaya alam namin na mao-overcome mo rin ang hiwalayan na iyan." ani ng senador na animo'y tatay niya kung magsalita.

"Salamat po."

Nagbiro si Roxanne. "Alam mo ba ang kasabihan na kapag may umaalis ay may dumarating?"

"Po?"

Nakangiti ang mag-asawa nang may nag-excuse at bumulong sa senador.

Napatingin naman si Lady Gissele sa gilid habang iniisip ang sinabi ng matandang babae.

PLEASURE OF DEFRAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon