Chapter 2

1.3K 75 0
                                    

Chapter 2.

Ranzel's pov.

Kumakain lang kami rito ng mga kaibigan ko habang may kanya-kanya silang pinag-uusapan. Ipinagsawalang bahala nalang namin ang pagpunta pa rin dito ni Kiesha kahit nakasando lamang siya. Mukang wala rin naman siyang paki kahit kanina pa siya pinag-uusapan at tinitingnan ng mga studyante rito na kumakain.

"Grabe, pare, ang hot niyang tingnan."

"Yeah, at sigurado akong masarap siya.

"Ano, pare, lapitan natin?"

Rinig kong pag-uusap ng mga lalaki rito sa kabilang lamesa sa likod namin. Wala sana akong pakialam eh, at hindi ko na sana sila papansinin, ngunit hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis sa kanila.

Batid kong si Kiesha ang kanilang tinutukoy.

"Mamaya nalang siguro, pare, pagkatapos na niyang kumain."

"Mukhang jackpot tayo ngayon ah."

Ramdam kong nakangisi sila sa kanilang mga sinasabi. Kaya masnakaramdam ako ng inis at unti nalang siguro ay magagalit na ako. Unti-unti ko ring nakuyom ang kamao ko na pansin ko ring ginawa ni Nazzer na parang pareho kami ng nararamdaman.

"Sino unang gagalaw sa kanya mamaya, mga pare?"

Nang hindi ko na napigilan ay bigla ko nalang nahampas ng malakas ang lamesa kasabay si Nazzer na ganoon din ang ginawa. Nagulat ang mga kasama namin sa lamesa maging sa iba pang narito sa cafeteria. Hindi namin sila pinansin ni Nazzer at sabay naming nilingon ang mga lalaki kanina na nagulat at nagtatakang nakatingin sa'min ngayon. Masama namin itong tiningnan.

"Mananahimik kayo at ititigil ang binabalak niyo o hindi?" sabay naming banta ni Nazzer sa mga ito. Bigla naman silang namutla at halatang natatakot at kinakabahan kaya hindi agad sila nakapagsalita.

"At huwag na huwag niyo pa ring subukan iyan sa mga susunod na araw dahil baka sa hospital agad ang bagsak niyong lima." dagdag ko pa sa seryoso at malamig na boses.

"Bakit ba? Para namang gusto niyo siya sa section niyo."

"At diba, ayaw niyo ng mga babaeng kaklase? Bakit parang iba ang pinapahiwatig niyo ngayon?"

Kahit kinakabahan na sila ay nagawa pa rin nilang pigilan ito at sumagot dahil iyon naman talaga ang totoo na ayaw namin ng mga babaeng kaklase.

"Wala akong pake kung ano ang sinasabi niyo basta gawin niyo ang gusto ko. At kung ayaw talaga namin sa kanya ay wala na kayong pake ron. Kami lang ang pwedeng manakit at gumawa ng masama sa kanya... At kapag nalaman kong tinuloy niyo pa rin ang binabalak niyo ay mananagot kayo sa'kin." Banta ko sa kanila. Agad naman silang napalunok.

"O-oo, sige, hindi na." nauutal at sabay nilang sagot.

"Mabuti naman kung ganon." sabi naman ni Nazzer.

Nanatili pa ring tahimik ang buong cafeteria at mukhang pinapanood kami. Lumingon naman ako sa kinaroroonanan ni Kiesha na nakatingin din pala sa'min at bakas ang pagtataka dahil sa nakakunot nitong noo.

"At ikaw!" turo ko sa kanya. Nabigla naman siya at napaturo sa sarili niya habang sa kanya naman napatingin ang ibang nanonood. "Tutal tapos ka na ring kumain, sumunod ka sa'kin!" sabi ko at naunang naglakad at lumabas ng cafeteria at sumunod naman siya sa'kin.

"Anong kailangan mo at saan tayo pupunta, Ranzel?" tanong niya na hindi ko sinagot at mas binilisan ang paglalakad na kabaliktaran naman sa kanya dahil para na siyang tumatakbo. Pagkarating ko sa locker ng section Fear ay pumasok agad ako roon sa loob at sumunod na naman siya. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ulit niya. Hindi ko siya pinansin at lumapit nalang ako sa locker ko at kumuha ng isang t-shirt na kulay blue at binigay sa kanya. "Aanhin ko ito?" tanong niya at tinuro ang hawak kong t-shirt na nakalahad sa harap niya.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now