Chapter 35.

466 19 0
                                    

Chapter 35. Third person's pov.



Habang nagmamaneho si Niel pauwi sa kanila ay may biglang humarang sa kanyang sa kanya. Dalawang sasakyan sa harap at dalawa rin sa likod. Pasado alas dyes na ng gabi kaya wala na masyadong mga sasakyan ang dumadaan. Naabutan siya ng gabi dahil sa biglang dumami ang trabaho sa opisina sa araw na ito.

Bumusina naman siya para tumabi ang mga ito pero hindi. May kutob na siya sa nangyari pero naging kalmado pa rin siya. Bumaba ang mga nakasakay sa apat na sasakyan at lumapit sa kanya habang may hawak ang mga ito ng tig-isang baril. Kung lalabanan niya ang mga ito ay siguradong matatalo pa rin siya dahil lagpas bente ang mga ito habang nag-iisa lamang siya at wala pang ni kahit anong isang armas na dala. Kumatok ang isa sa kanila sa bintana ng kanyang kotse at kahit ayaw niya ay napabuntong hininga nalang siya saka ibinaba ang bintana.

"Anong kailangan niyo?"

"Ikaw ang kailangan namin. Kaya kung ayaw mong masaktan ay sumama ka nalang ng matiwasay sa amin ngayon din."

"Kaninong grupo kayo?" Kalmado pa rin niyang tanong. Hindi siya pweding magpanik dahil alam niyang wala rin naman itong magagawa sa sitwasyon niya ngayon.

"Dami mong tanong. Bumaba ka nalang diyan at sumama sa amin habang nakapagtitimpi pa kami sa'yo." Naiinis na sagot ng lalaki.

Napabuntong hininga naman si Niel bago walang nagawa at binuksan nalang ang pinto. Pagkalabas ay marahas siyang hinawakan sa siko at hinila saka isinakay sa isa sa apat na kotse at isinama nila paalis.

Agad namang kinabahan si Kiesha nang makatanggap siya ng text message at ang nakasulat ay sinasabing nasa kanila ang kuya niya. Kung ayaw pa ring isuko ni Kiesha ang saliri niya sa kanila ay papatayin nito ang kuya niya. Ganon din ang naramdaman ni Calistenia na ate niya nang mabasa ito saka silang dalawa nagkatinginan.

"Ate, si kuya." Medyo hindi mapakali at naiiyak na sambit ni Kiesha.

"Alam ko. Anong nang gagawin natin? Baka napahamak na ngayon si Niel sa mga kamay nila." Nag-aalalang tanong ni Calistenia.

Napakuyom naman ang mga kamao ni Kiesha. May kutob na siya kung sino ang nasa likod nito kaya galit na galit siya ngayon. "Nagparamdam na naman sila... at ngayon ay si kuya naman ang pinuntirya nila. Hindi ko sila mapapatawad. Tama na. Tatapusin ko na ang laban na ito. Hindi ko na hahayaang may susunod na naman silang bibiktimahin. Tatapusin ko sila sa kahit na anong paraan kahit buhay ko pa ang maging kapalit!"

"Kiesha, saan ka pupunta?" Pigil agad sa kanya ng ate niya nang magsimula siyang lumakad palabas.

"Sa hideout, ate. Alam kong hindi ko ito kakayanin mag-isa kaya hihingi ako ng tulong kila Aspren."

"Aalis na rin ako. Hindi ako pwedeng manatili lang din dito habang nasa panganib ang kuya natin. Tutulong ako pati ang mga kaibigan ko. Sasamahan kitang tapusin ito, Kiesha, para sa'yo, kila mommy at daddy, para sa lahat."

"Salamat, ate.... Ano? Tayo na." Nakangiting tugon niya.

Tumango naman si Calistenia at ngumiti. "Tara."

Pagkatapos ay sabay silang umalis habang tinawagan nilang pareho ang lahat para magtipon-tipon.


"Handa na ba ang lahat?" Tanong ni Kiesha sa kanila matapos makita ang mga kagrupo na nakaayos na.

Nang makarating sila sa hideout ay agad niyang ipinaliwanag agad sa kanila ang problema at agad namang pumayag sila Aspren kasama ang grupo ni Gorgon sa tulong na hinihingi niya. Habang si Calistenia naman ay naghahanda na rin kasama ang apat niyang mga kaibigan. Suot nila ngayon ang purong itim na damit na hapit na hapit sa kanila habang may nakatakip na naman sa kalahati ng kanilang mukha at tanging ang mga mata lang ang nakikita. Alam na nila kung saan nagtatago ang mga kalaban sa tulong ni Azzel--ang hacker sa grupo ni Keisha.

Lalabas na sana sila Kiesha nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang hideout at sunod-sunod na pumasok ang buong section fear.

"Anong?"-- Gulat na gulat na nasambit ni Kiesha habang nakatingin sa mga ito na halata sa mga porma na handang-handa sa ano mang laban na pupuntahan. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong niya.

"Tinatanong pa ba? Syempre, tutulong din kami. Hindi pwedeng sila lang ang pwedeng sumama at tumulong sa'yo sa pagligtas sa kuya mo. Kaibigan ka rin namin kaya dapat kasama rin kami." Nakangiting sagot ni Nazzer na nginitian at tinanguan naman ng mga kasama nito.

"Paano niyo nalaman ang tungkol kay kuya?"

"Salamat sa isa diyan. Nalaman namin kaya kami narito ngayon. Diba, Gorgon?" Sagot naman ni Zircon saka tumingin sa lalaking tinutukoy.

Agad namang napatingin rito ang lahat lalo na si Kiesha nang nagtataka.

"Bakit mo sinabi sa kanila? Paano kung mapahamak sila rito hindi sila gaya natin, Gorgon." Nag-aalala niyang tanong rito na nginisihan naman ng huli.

"Sa tingin mo lang iyon, Kiesha. Iba na sila ngayon. Marami na silang kayang gawin na hindi mo alam. Kung ako sa'yo ay hayaan mo nalang sila..at makikita mo kung gaano na kalaki ang pinagbago nila."

Napabaling naman ang tingin ni Keisha kay Aspren para siguraduhin kung totoo ba ang mga sinabi ni Gorgon. Ngumiti lang si Aspren sa kanya at tumango kaya napatingin siya ulit kila Ranzel na naghihintay sa kanyang sasabihin.

"Huwag kang mag-alala, Keisha, hindi kami magiging pabigat. Kayang-kaya na naming protektahan ang mga sarili namin ng higit pa noon." Nakangiting saad ni Cristian.

"At wala kang dapat na ipag-alala dahil nagsanay at nagpalakas kaming mabuti para hindi na namin kakailanganin ang proteksyon mo sa lahat ng oras." Sabi naman Clineton.

"Tama. Para saan pa ang lahat diba kung hindi naman namin ito magagamit dito at matulungan ka?" Sabi naman ni Kell.

"Maraming beses mo na kaming tinulungan. Ngayon ay hayaan mong kami naman ang tumulong sa iyo, Kiesha." Sabi ni Ranzel at ngumiti na rin sa kanya.

Para namang hinaplos ang puso ni Kiesha tuwa dahil sa mga narinig. Tumulo ang luha niya kaya agad niya itong pinunasan.

"Mukang hindi ko na kayo mapipigilan pa, kaya pumapayag na ako. Isa lang ang gusto ko. Mag-iingat kayo at sana buo pa rin kayo kapag natapos na natin ito. Dahil hindi ko rin kakayanin kung kahit isa sa inyo ay mawala. Kaya mangako kayo sa akin ngayon. Walang mawawala... Pangako?" Nakangiti niyang tugon sa kanila at itinaas ang kamay saka nag-thumbs up sa kanila.

Mas lalo namang ngumiti ang buong section fear at nag-thumbs up na rin sa kanya na ikinangiti na rin ng grupo nila Aspren at Gorgon.

"Ngayon, ayos na lahat. Tara na? Tapusin na natin ito." Sabi ni Aspren.

"Ohm. Tayo na." Sabi ni Kiesha saka nagpatiunang lumabas saka sila sumunod. Nang makasakay sa kani-kanilang mga sasakyan ay agad din silang umalis at tinungo ang lugar kung saan doon na nila tatapusin ang lahat.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now