Chapter 27. Kiesha's pov.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok saka lumapit dito at binuksan. Bumungad naman sa akin si kuya na napangiti nang makitang gising na ako pero kalaunan ay nagtaka rin.
"Saan ka pupunta't ayos na ayos at bihis na bihis ka? Don't tell me.... Little sis naman. Diba napag-usapan na natin ito? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo pero ano ito?" Sunod-sunod na tanong ni kuya.
"Ano ba iyang mga pinagsasabi mo, kuya? Nagbihis at nag-ayos lang naman ako dahil gusto kong gumala at makalanghap ng sariwang hangin sa labas." Turan ko at naglagay ng pabango sa katawan.
"Pero, ayos na ba ang pakiramdam mo? Saka, baka mapano ka sa labas."
"Ayos na ako, kuya. Napag-isip-isip ko rin kasi na hindi matutuwa sina mommy at daddy kung patuloy akong magmomukmuk dito at mag-iisip ng mga kung ano-ano kung paano at kailan ko mapapanatay ang mga hayop na iyon.... Salamat sa'yo dahil namulat ako agad bago ko pa magawa ang balak ko nang hindi nag-iisip..... Ngayon ay gusto kong lumabas muna para makapag-muni-muni naman ako at mabigyan ng kaginhawaan ang isip ko. Ayaw ko na munang isipin ang mga bagay na makapagbibigay lamang sa akin ng sakit sa ulo. Saka ko nalang iisipin ulit ang mga iyon kapag handa na ako sa pag-ataki nang hindi nagpapadalos-dalos." Nakangiti kong pahayag kay kuya.
Napangiti din naman siya at binigyan ako ng isang tango. "Sang-ayon ako sa lahat ng mga sinabi mo. Sige, pumapayag na akong lumabas ka, pero lagi mong tatandaan na mag-ingat ka palagi dahil hindi natin alam kung kailan ulit sila aataki. Maliwanag ba?"
"Maliwanag, kuya." Sagot ko at niyakap siya.
Pagkalabas ng bahay ay ginamit ko na naman ang motor ko paalis at pumunta sa isang coffee shop. Pagpasok ko ay umorder agad ako pagkatapos makaupo. Nang dumating ang inorder ay agad ko rin itong ininom. Pero habang nanatili ako dito ay napapansin at nararamdaman kong parang may nakatingin at nagmamasin sa akin. Nang hindi ko na matagalan ay nagbayad agad ako at lumabas ng coffee shop saka pumunta sa likod nito kung saan walang tao at mga dumadaan.
Naramdaman ko ring sumunod sila sa akin at di nagtagal ay pinalibutan na nga nila ako. Nang ilibot ko ang tingin sa kanila ay alam ko na agad kung kaninong mga tauhan sila.
"Kay swerte naman natin dahil natyempuhan natin ang babaeng ito ngayon. Hindi na kami mapapagod pang habulin at kornerin ka dahil ikaw na rin mismo ang gumawa ng paraan." Nakangising turan ng lalaking alam kong tauhan ni Roni.
Napangisi rin naman ako. "Kay swerte ko rin dahil hindi na rin ako mahihirapan pang hanapin kayo at patayin dahil kayo na rin mismo ang lumapit. Sayang nga lang dahil kaunti lang kayo't hindi pa kasama ang nga demonyong amo. Tsk tsk tsk!"
"Huwag na tayong magsayang ng oras pa. Hulihin na natin siya." Turan naman ng isa na alam kong tauhan ni Elton at agad na sumugod sa akin.
Agad ko namang inilagan ang mga suntok niya at sinangga ang kanyang kamao saka ito hinawakan at binaliktad. Agad din akong umatras at umikot nang sisipain sana ako ng isa saka yumuko at sinuntok ang sikmura ng susuntok sana sa akin. Pagkatapos ay napatiad ako nang binigyan ako ng sipa ng isa at sinipa rin ito saka sinalo ang kamao ng isa pa at binali ito't sinipa ang tuhod ng isa pa na lumapit.
Agad ko ring hinawakan at binaliktad ang kamay ng isa na humawak sa aking balikat na ikinaluhod niya at binigyan ng magkasunod na sipa sa sikmura ang dalawa pa. Tumayo ako ng maayos pero agad ding yumuko nang bigyan ako ng suntok ng isa pa saka siya hinawakan sa balikat at tinuhod sa sikmura. Nang humarap ako ay bigla akong hinampas ng baseball bat ng isa na tinamaan ako sa likod na ikinaabanti ko't napadura ng dugo dahil sa lakas nito at napaluhod.
YOU ARE READING
The Only Girl In The Section Full Of Boys
ActionSiya si Nyhl Kiesha Villanueva, isang babaeng palaban at walang kinakatakutan. Malakas, matapang at handang iligtas ang mga mahal sa buhay. Handang mamatay para sa mga ito. Wala ng mas mahalaga pa kay Kiesha kundi ang makasama sa habang buhay ang ka...