Chapter 16.

652 39 1
                                    

Chapter 16. Kiesha's pov.



Nasa classroom na kaming lahat ngayon at kasalukuyang nakikinig sa mga itinuturo mi Ma'am, Reyes. Pero habang nakikinig ako ay parang walang pumapasok sa utak ko, dahil hindi pa rin nawala sa isipan ko ang nangyari kanina.

Ngayon alam ko na ang ibigsabihin nang sinabi ni Clinetone noon na, "The best way to move forward, is to let go of the people holding you back," at sa biglaang pagtahimik ng lahat lalo na si Nazzer. Pero para masiguro talaga na tama ang hinala ko ay kakausapin ko si Nazzer mamaya.

Lumingon ako sa gawi niya at nalaman kong hindi pala nakatuon ang atentsyon niya kaya Ma'am Reyes, kundi sa bintana.

Pagkatapos magklase ni Ma'am ay nagpaalam na kaagad ito at umalis. Lunch time na ngayon kaya nagsitayo na kami at lumabas. Habang naglalakad kami ay napansin kong wala siya sa tabi ko. Lumingon-lingon pa ako sa mga kasama ko at sa likod, nagbabakasakalaing nandoon siya pero wala.

Bumuntong hininga naman ako at tumigil na nagpatigil din sa kanila.

"Bakit, Kiesha?" Tanong ni Nelson.

"Ahh, mauna na kayo, C.R. lang ako sandali."

"Sige,"

"Okay,"

"Tara, guys."

Pagkatapos ay nauna na nga sila. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang nila napansin na hindi namin kasama si Nazzer. O napansin na nila pero ipinagsawalang bahala lang. Umalis nalang ako at nagtungo pabalik sa room dahil naroon siya at nagpaiwan.

Nagsinungaling ako kanina dahil baka sasama rin sila pabalik.

At tama nga ako, dahil pagdating sa room ay nakita ko siya ng nakaupo pa rin sa kanyang upuan at nakaduko sa kanyang lamesa. Lumapit ako at kinuha ang aking upuan at itinabi sa kanya saka ako umupo. Mukang hindi niya pa rin napansin ang presensiya ko dahil ganon pa rin ang posesyon niya.

"Nazzer," tawag ko at hinawakan siya sa balikat.

Inangat niya naman ang kanyang ulo at tumingin sa akin. "Ayos ka lang,"

Alanganin siyang ngumiti at tumango sa akin, pagkatapos ay tumingin sa kawalan. "Huwag ka sanang magagalit, pero gusto ko lang malaman kung totoo ang sinabi mo kanina."

"Totoo 'yun."

"Paano?"



Third persons pov.

It was Almia's birthday, and all of her friends and friends of her cousin, Ranzel are invited. Marami na ring mga tao sa bahay nila Almia, including her relatives and friends of her family. Naroon na rin si Ranzel at ang mga kaibigan nito.

Marami ang mga bumabati kay Almia. Lahat ay nagsasaya sa birthday niya. Hindi nagtagal ay dumating si Katherine, kaibigan ni Almia na dalawang taon ang tanda sa kanya. Lumapit si Katherine kay Almia dala ang regalo nito at binati siya. Masaya naman niya itong tinanggap at niyakap ni Katherine.

"Mabuti naman at nakarating ka. Akala ko kasi ay hindi ka pupunta eh." Turan niya sa kaibigan.

"Akala ko nga rin eh, pero mabuti nalang at pinayagan ako ni mama, kung hindi ay baka wala nga ako ngayon rito." Nakangiting sagot naman ni Katherine. Lumapit naman sa kanila sina Selen, Rosel at Recia.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now