Chapter 17. Nazzer's pov.
Pagkarating sa tapat ng pintuan namin ay matamlay akong pumasok. Nang nasa loob na ako ay nadatnan ko ang kapatid ko kasama ang tatlo na nakaupo sa sofa at may kung anong napagkwentuhan. Nang mapansin ang presensiya ko ay agad silang napatingin sa aking gawi.
"Oh, hi, kuya. Maaga ka yata ngayong umuwi ah, eh hindi ka naman dating ganyan." Sabi ng kapatid ko saka ako nilapitan at humalik sa aking pisngi.
"Oo nga, kuya, aga natin ah," sigunda naman ni Rosel na pinsan ko. Sumang-ayon din sina Almia at Recia.
"Wala, nagkataon lang na walang gimik ang barkada ngayon kaya maaga ako nakauwi." Pilit na ngiting sagot ko at naglakad.
"Eh, di nga. Bakit iba ang nasa isip ko?" Sabi ni Selen nang malapit na ako sa hagdan.
Lumingon naman ako sakanya. Nakangiti siya sa akin na may kasamang nanunuyang tingin. "Ano bang nasa isip mo at nasabi mo iyan?"
"Para kasing may nangyari eh. Diba, girls?" Tumango naman ang tatlo. "Tell me, kuya. Ano iyon? Alam kong may hindi magandang nangyari basi sa itsura mo ngayon."
"Oo nga naman, Kuya Nazzer, hindi ka naman dating ganyan kapag maganda ang araw mo." Sabi naman ni Almia at tumayo.
Napabuntong hininga naman ako. "Okay. Mukang kailangan niyo rin naman itong malaman." Suko ko at bumuntong hininga ulit.
"Ha? So, totoo nga na may nangyari?" Tanong ni Selen na tinanguan ko lang.
"At ano naman iyon, Kuya Nazzer?" Tanong naman ni Recia.
Bago ako sumagot ay tiningnan ko muna sila isa-isa na nag-aabang sa isasagot ko. Alam kong magugulat sila sa sasabihin ko ngayon pero kailangan nilang malaman dahil karapatan din nila ito.
"Bumalik na siya."
"Ha?"
"Ano?"
"Sino?"
"Sinong bumalik?"
"Siya. Bumalik na siya." Ulit ko. Nakakunot at nagtataka naman nila akong tiningnan. "Bumalik na ang dating kaibigan niyo. Nandito na ulit sa Pilipinas si Katherine Gil Diaz."
"A-ano?"
"Tika, nabingi na ata ako."
"Pakiulit nga po ng sinabi mo?"
"Oh my gosh! For real?"
"Oo, at nagkita kami kaninang umaga at kasama niya si Kiesha."
"Si Keisha? Magkakilala sila." Tanong ni Almia.
"Magkakilala sila ni Kiesha noong tinulungan siya nito hanapin ang kanyang room dahil tranferee siya."
"Ibig sabihin, nasa iisang room kayo ngayon?"
"Omo, kailangan ko siyang makita."
"Yeah, we have to see her."
"I can't believe it."
Kiesha's pov.
Nakaupo ako ngayon dito sa sofa at nanonood ng TV nang biglang may kumatok. Tatayo na sana ako nang biglang dumating si manang at nagsalita.
"Nako, ija, umupo ka nalang diyan at ipagpatuloy ang iyong panonood. Ako na ang magbubukas ng pinto. Sige na."
"Okay po, salamat."
YOU ARE READING
The Only Girl In The Section Full Of Boys
ActionSiya si Nyhl Kiesha Villanueva, isang babaeng palaban at walang kinakatakutan. Malakas, matapang at handang iligtas ang mga mahal sa buhay. Handang mamatay para sa mga ito. Wala ng mas mahalaga pa kay Kiesha kundi ang makasama sa habang buhay ang ka...