Chapter 7

821 50 1
                                    

Chapter 7

Ranzel's pov.

Habang naglalakad kami pabalik sa room ay nag-uusap-usap sila at kwento kay Kiesha. Minsan naman ay nagbibiro at minsan din ay nagbibigay sila ng pick-up line. Katulad ngayon...

"Kiesha, idol ka ba?" Tanong ni Onel nang nakangiti.

"Bakit?" Sagot ni Kiesha

"Dahil kung may hahangaan man ako 'yon ay ikaw lang," sagot ni Onel na ikinahiyaw naman ng mga kasama ko habang nakangiting napapailing-iling nalang si Kiesha.

Tss! Mga baliw.

"Ganda no'n, ah,"

"Bago,"

"Saan mo natutunan iyon, pre?"

"Sabihin mo naman sa'min,"

"Secret! Baka kapag nalaman niyo at kukunin niyo na lahat ng pick-up lines doon, ide wala na akong matututunan at maibibigay kay Kiesha." Sagot nito habang malawak ang ngiti na halatang bilib na bilib sa sarili at nakuha pa talagang kumindat kay Kiesha. Tss!

"Ay grabe, ang damot,"

"Parang sabihin lang eh,"

"Hindi naman namin kukunin lahat,"

"Hahakutin lang!"

"Ulol!"

Nagtawanan silang lahat.

Hindi ako nakikisali sa kanila at nanatiling nakayuko habang naglalakad ng diretso. Nakikinig lang ako sa kanila dahil wala ako sa mood makisali.

Wala akong kibo hanggang makapasok na kami sa room at makaupo sa upuan saka tumingin sa labas.



Kiesha's pov.

Natapos na ang araw na walang ibang ginawa kun'di ang mga discuss ang mga guro na pumapasok at magsulat. Ang mga kasama ko naman ay walang ibang ginawa kundi ang mag-ingay, maglaro at magkwento sa akin ng kung ano-ano kapag wala pang guro.

Ngayon ay nasa labas kaming lahat ng University dahil uwian na. Naghihintay kami ng aming sundo---ako lang pala ang naghihintay. Meron na kasi silang kotse at ang iba naman ay makikisabay sa meron. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin sila umaalis.

Sasamahan daw kasi nila ako sa paghihintay ng sundo ko. Gusto raw nila na bago sila umalis ay nakaalis na rin ako para parehas kaming sabay na makakauwi sa kanya-kanya naming mga bahay. Sinabi ko na sa kanila kanina na okay lang ako at makakauwi rin mamaya kaya mauna na sila.

Pero ang mga gago, nangulit na naman na sasamahan na muna nila ako rito dahil baka kung ano pa ang mangyayari sa'kin. Maliban lang kay Ranzel na nakaupo lang sa bench at naghihintay din. Hindi niya dapat iyan gagawin at aalis na sana kaso ay pinigilan siya nitong mga makukulit na ito kaya wala siyang nagawa dahil hindi talaga sila tumitigil hanggat hindi ito napapayag.

"Hindi mo pa ba nakikitang paparating ang sundo mo?" Biglang tanong ni Tommy.

"Oo nga, Kiesha, mag-aalasais na oh," sabat naman ni Donald na halatang nag-aalala na.

"Baka gabihin tayo niyan sa pag-uwi," wika rin ni Artor

"Baka hindi ka nila masusundo ngayon," wika naman ni Linbo

"Sigurado ka bang may sundo ka ngayon?" Tanong naman ni Nazzer na nakalapit na pala sa'min.

Tapos na siguro silang mag-usap ni Ranzel.

"Yon ang sabi sa'kin kanina bago ako pumasok,"

"Baka hindi ka nila masusundo," Sabi ni Zircon

"Baka nga,"

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now