Chapter 29.
Lumipas ang mga araw na nangungulila sila kay Kiesha at nagsisisi sa kanilang ginawa habang patuloy naman sila Aspren at Gorjon sa pagbabantay sa kanila.
Nazzer's pov.
Papunta kami ngayon sa cafeteria para mag-take ng lunch nang makita ko si Katherine na makakasalubong namin.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako pinapansin simula noong magkasagutan kami. Gusto ko siyang makausap para makipagbati dahil hindi ko kayang ganito nalang kami parati. Kaya nang malapit na siya sa amin ay humarang ako sa harap niya. Napatigil naman siya dahil dito at tumingin sa akin nang nakakunot noo.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko.
"Bakit? Tungkol saan?"
"Saka ko na sasabihin kung pwede lang? Please?"
Pinanliitan niya muna ako ng mata bago tumango ng isang beses. "Okay."
Napangiti naman ako saka humarap sa mga kaibigan ko na naghihintay pa sa akin. "Mauna na kayo. Susunod nalang ako." Sabi ko sa kanila na tinanguan naman nila at nagpatuloy na sa paglalakad pagkatapos ay humarap ulit kay Katherine. "Sumunod ka sa akin." Sabi ko sa kanya at lumakad. Hindi naman siya nagsalita at tahimik na sumunod nalang.
Nang makarating na kami sa garden ay agad akong humarap sa kanya na halatang naghihintay sa sasabihin ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimula.
"Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Sa inasta ko nitong mga nakaraang linggo lalo na noong huli nating pag-uusap at nagkasagutan tayo. I'm really sorry. Nagsisisi ako. Hindi ko dapat iyon ginawa. Sana mapatawad mo ako. Hindi ko kayang ganito nalang tayong dalawa at galit ka sa akin. Gusto kong magkaayos tayo. Bati na tayo please...." I sincerely apologize and hope that she will forgave me.
Ngumiti naman siya sa akin. "Hinintay ko rin na gagawin mo iyan at hindi ko alam na ngayon ito magaganap. Alam ko namang nadala ka lang ng damdamin mo nong araw na iyon pero mali pa rin ang ginawa mo lalo na ang mga salitang lumabas sa bibig mo noon..." Bumuntong hininga pa siya bago nakangiti pa ring tumingin sa akin. "Galit ako sa'yo noon oo, pero unti-unti itong humupa sa mga lumipas na mga araw. "Pero kahit ganon ay hindi ako lumapit sa'yo dahil gusto kong ikaw ang gumawa nito sa akin. Gusto kong lumapit ka sa akin na humupa na rin ang naramdaman mong galit noon at maayos tayong makapag-usap...At hindi ako nagkakamali dahil ginawa mo nga at nandito ka sa harap ko ngayon na alam kong wala ng galit na nararamdaman para sa kaibigan ko. Tama ba ako?"
"Tama ka... So.. pinapatawad mo na ba ako?"
"As I said earlier, I'm waiting for you to do this. So, yes, I forgave you." Agad naman akong napangiti sa sinabi niya at hindi naiwasang mayakap siya dahil sa sayang naramdaman. Nagulat siya dahil sa ginawa ko pero hindi naman siya umalma at niyakap din ako pabalik. "Namimiss niyo ba siya?"
"Yes, we do."
"Me, too."
"Tara, punta na tayo sa cafeteria at kumain." Aya ko.
"Sige."
Sagot niya kaya sabay kaming umalis at nakangiting pumasok sa cafeteria. Napatingin sa aming dalawa ang mga kaibigan ko na kumakain na. At nang makita nila na masaya ko at magkasama kaming dalawa ay napangiti din sila at nang thumb ups sa akin na tinanguan ko naman. Sabay din kaming umorder ni Katherine, pagkatapos ay inaya ko siya na sumama nalang sa lamesa namin at umupo muna siya sa bakanting upuan na pwesto ni Kiesha. Hindi naman siya umangal at pumayag nalang. Pumayag din ang mga kaibigan ko at masaya kaming kumakain.
YOU ARE READING
The Only Girl In The Section Full Of Boys
AcciónSiya si Nyhl Kiesha Villanueva, isang babaeng palaban at walang kinakatakutan. Malakas, matapang at handang iligtas ang mga mahal sa buhay. Handang mamatay para sa mga ito. Wala ng mas mahalaga pa kay Kiesha kundi ang makasama sa habang buhay ang ka...