Chapter 24.

528 30 2
                                    

Chapter 24. Third person's pov.





Maagang ang magkapatid na Villanueva dahil sa excitement na nararamdaman. Ngayon araw na kasi uuwi ang kanilang mga magulang. Maging ang mga katulong ay maagang naglinis ng buong bahay at kapaligiran. Natapos lang sila sa paglilinis nang malapit ng magtanghalian at malapit ng matapos sa paghahanda ng mga pagkain.


Sa kabilang banda naman ay masaya ring nakaupo sa backseat ng sasakyan ang mag-asawang Villanueva at excited na ring makita at mayakap ang kanilang mga anak. Nakaupo naman sa unahan ang kasama nilang nagmamaneho na si Mang Caloy.


Napatigil naman sa pagtingin sa labas ng bintana si Mrs. Villanueva nang tumunog ang kanyang cellphone. Pagkakita niya sa pangalan ng tumawag ay lumingon siya sa asawa niya at pinakita ito pagkatapos ay sinagot ang tawag.



"Hello, son. Good day to you!" Nakangiting wika nito habang si Mr. Villanueva ay nakangiting nakatingin dito at nakikinig dahil naka loud speaker naman.


"Malapit na po ba kayo? Maayos ba ang byahe niyo?"


"Maayos naman ang byahe namin. Malapit na nga kaming makarating diyan sa bahay eh. Mga after 45 minutes ay nariyan na kami."


"Mabuti naman po kung ganon. Nakahanda na rin po pala ang mga pagkain dito na mga paborito nating lahat. At isa pa, mom, itong kapatid ko ang kulit dahil gusto na talaga kayong makita at hindi na makapaghintay."


"Ahahahahaha! Hayaan mo na iyang kapatid mo. Hindi ka pa ba nasanay sa kakulitan niya? Pero kami rin gusto na talaga kayong makita."


"Yeah. By the way. Nasa tabi niyo po ba si daddy?"


"Ah yes. Hon?"


"Oh, son. What's up?!"


"I'm fine, dad. How about you? What's up?"


"Oh, I'm fine, too, and still handsome." Biro nito na sabay nilang tinawanang mag-ama habang napapailing nalang ang asawa nito pero nakangiti.


"That's good to hear, dad. And I'll expect your pasalubong to, ah."


"Yeah, yeah, hindi ko nakakalimutan iyan... Oh sige na, ibababa na namin ito."


"Oh sige, dad, paalam pati kay mommy. Ingat kayo sa byahe at hihintayin namin kayo rito."


"Okay. Bye."


"Bye!"


Pagkatapos ay nawala na nga ang tawag.




"O ano, kuya? Malapit na ba raw sila?" Hindi makapaghintay na tanong ni Kiesha.


"Oo, malapit na raw."






Habang bumabyahe ang mag-asawa ay bigla nalang may humarurot na sasakyan at huminto sa unahan nila. Meron din sa kanan nila kaya agad na napapreno si Mang Caloy.


Gulat na gulat silang mga nasa loob sa nangyari and at the same time ay nagtataka rin.


Nagsibabaan naman ang mga taong nakasakay sa kotse, at ang tatlong lalaki na bumaba sa kotseng nasa kanan nila ay lumapit sa kanilang sasakyan. Ang dalawa ay pumwesto sa magkabila sa backseat habang ang isa sa driver seat.


Kumatok ang isang nasa kanan kaya kahit nagtataka ay ibinaba ni Mrs. Villanueva ang bintana at nagtatanong na tiningnan ang lalaki.


"Kayo ba si Mr and Mrs Villanueva?"


The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now