Chapter 21. Ranzel's pov.
Today is Sunday, at nandito kaming magkakaibigan sa paborito naming tambayan sa plaza, sa may baskebulan at nagbabasketball.
"Hey! Arsen, pasa rito!" Napatingin ako kay Nick dahil sa sigaw niya at kay Arsen na pinapatalbog ang bola habang hinaharangan nina Clineton at Luis. Ako naman ay hinaharangan si Nazzer, magkalaban kami eh.
Ilang ulit pa munang pinatalbog ni Arsen ang bola bago pinasa kay Nick na agad naman nitong sinalo at tumakbo sa kanilang ring. Agad namang tumakbo si Nazzer kaya hinabol ko siya. Ang ka team ko ay sina Nick, Arsen, Morgan, at Dominique. Sa kabila naman ay sina Nazzer, Clineton, Luis, Antun at Zircon. Ang iba naman naming mga kaibigan ay nanonood lang at nag ch-cheer kung saang grupo nila gusto.
Pagkatapos tumalon at itinapon ang bola ay lumapag si Nick kasabay ng pagpasok ng bola sa ring. Agad namang kinuha ni Zircon ang bola at tumakbo papunta sa kabilang ring kaya mabilis din akong tumakbo at sinundan siya. Hindi pa man ito nakkalapit ay naharangan ko na siya at kahit saan siya dumaan ay hinaharangan ko siya kaya hindi siya makaalis.
Nang sinubukan na niya ulit kumanan ay mabilis ko nang inagaw sa kanya ang bola at umikot saka mabilis na tumakbo habang pinapatalbog ito. Hinarang naman ako ni Nazzer kaya mabilis kong pinadaan sa ilalim niya ang bola saka nilagpasan siya. Agad ko ring hinuli ang bola at tumakbo ulit palapit sa ring at pinasok ang bola.
Nagsigawan naman ang mga kaibigan naming bumubuto sa aming team habang nag boo! naman ang iba. Nagpustahan din kasi sila kung sino ang mananalo. Mga dalawang oras ma rin ang lumipas at sa huli ay ang team namin ang nanalo.
"Ho! Galing niyo talaga, Ranzel!"
"Panalo tayo!"
"Soos! Wala 'yan!"
"Mas magaling pa rin sila Nazzer!"
"Lamang lang naman sila Ranzel ng two points eh."
Umiinom lang ako ng tubig habang nakikinig sa mga pinagsasabi nila. Pagkatapos kong makapag-ayos at makapagpalit ng damit ay lumapit agad ako sa kanila saka umupo sa may hagdanan at kumuha ng Mountain Dew in can at ininom. Linibot ko naman ang tingin sa kanila na masayang nag-uusap at nagtatawanan nang mapansin kung kuang kami ng tatlo.
"Guys, nasaan ang tatlo? Sina Nelson, Donald at Tommy?" Tanong ko. Napatigil naman sila sa kanilang ginagawa at tiningnan ang isa't isa.
"Ah, sila, umalis bibili raw ng makakain." Sagot ni Esrael.
"Hu? Eh, kanina pa iyon ah? Hindi pa man nakakaisang oras sa paglalaro sina Ranzel ay umalis na sila. Mas nauna pa ngang nakabalik sila Linbo, eh pagkatapos na ng laro sila umalis." Nagtatakang saad ni Cristian. Medyo naalerto naman ako.
Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanila, diba? Pero ganon ay hindi ko maiwasang magduda at kabahan.
"Relax, guys, baka naglibot pa ang mga 'yun kaya huwag kayong mag-isip ng negatibo." Pagpapakalma ni Nazzer dahil nababahala na rin ang iba.
"Siguro nga."
"Sana nga."
"Bat na kasi ang tagal nila?"
"Kreptton, Kell, Artor, sunduin niyo sila." Utos ko sa tatlo. Hindi naman sila umangal at umalis nalang agad. Wala pa mang labing limang minuto ay narinig na namin silang sumisigaw at tinatawag kami.
"Oh shit!"
"Oh crap!"
"Damn!"
Mura agad namin pagkakita sa kanila saka mabilis na tumakbo palapit sa kanila na akay-akay ang tatlo na nanghihina, duguan at halatang binugbog ng kung sino. Agad din silang tinulungan ng iba.
YOU ARE READING
The Only Girl In The Section Full Of Boys
AcciónSiya si Nyhl Kiesha Villanueva, isang babaeng palaban at walang kinakatakutan. Malakas, matapang at handang iligtas ang mga mahal sa buhay. Handang mamatay para sa mga ito. Wala ng mas mahalaga pa kay Kiesha kundi ang makasama sa habang buhay ang ka...