Chapter 9

776 45 0
                                    

Chapter 9

Kiesha's pov.

Pagkatapos naming mag-usap ng mga kasamahan ko ay tumambay pa muna ako roon at iba naman ang pinag-uusapan namin. Gaya ng kumustahan sa mga nagdaang araw namin.

Nang gumabi na ay nagpaalam na ako sa kanila at lumabas. Sumunod naman si Aspren sa'kin.

"Uuwi ka na?"

"Oo,"

"Hatid na kita,"

"Sige dahil wala rin akong masasakyan at ayaw kong magcommute,"

Agad naman kaming lumapit sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nang makasakay sa loob ay pumasok na rin siya sa driver seat pagkatapos ay nagmaneho na paalis sa lugar.

Pagkarating sa tapat ng bahay namin ay pinagbuksan niya agad ako ng pinto.

"Hindi ka ba muna papasok sa bahay?" Tanong ko sa kanya nang makababa.

"Hindi na, uuwi na rin kasi ako. Salamat nalang."

"Talaga?"

"Oo. Sigurado ay nandiyan na rin ang kuya mo kaya wag nalang. Sigurado rin na mapapagalitan ka dahil ginabi ka na ng uwi. Pasado alas nuwebe na oh kaya pumasok ka na sa loob."

"Sige, ikaw bahala. Ingat nalang sa pagmamaneho."

"Oo, bye,"

"Bye,"

Nang makaalis na siya ay pumasok na agad ako sa gate at kumatok sa pinto ng bahay. Bumukas naman ito at bumungad sa'kin si kuya na magkasalubong ang kilay.

"Good evening, kuya," nakangiting bati ko sa kanya.

"Walang good evening dahil ngayon ka lang umuwi. Sabihin mo, saan ka galing at umuwi ka ng ganitong oras?" Masungit niyang tanong at humalukipkip sa gilid ng pinto.

"Pasok muna ako kuya,"

"Hindi. Sagutin mo muna ang tanong ko."

Nakakamot nalang ako sa ulo at lumunok habang iniiwas ang tingin sa kanya.

"Galing ako sa bahay ng isang kaibigan ko," pagsisinungaling ko dahil pag sinabi ko ang totoo ay siguradong magagalit ito.

"Sinong kaibigan? At anong ginagawa mo roon?"

"Basta, kuya, at may okasyon kasi sa kanila kaya natagalan ako."

"Gano'n? Anong okasyon?"

"Birthday, kuya, ng kapatid niya," magsasalita pa sana siya kaya dali ko siyang inunahan. "Wag ka ng mag-ala ditective, kuya, kailangan ko nang pumasok at nang makapagpalit na ako ng damit. Ang lagkit na nitong suot ko, eh,"

Tumaas naman ang kilay niya at kalaunan ay napabuntong hininga. "Okay. Pero next time ay tawagan mo ako at sabihin kong nasaan ka kapag matagal kang nakakauwi para hindi ako mag-alala at mag-isip kung saang lupalop ka hahanapin."

"Opo,"

Sa wakas ay umalis na rin siya sa gilid ng pinto kaya pumasok na ako.

"Magpahinga ka na,"

"Sige," saka ako pumasok sa kwarto.

Ho! Buti nalang nakagawa ako ng paraan.

Dumaan ang mga araw at ngayon ay Sabado na.

Pagkagising sa umaga ay naligo agad ako. Nang makapagbihis ay bumaba at dumiretso sa dining area.

"Good morning, kuya!" Magiliw kong bati sa kanya na nagkakapi at may tinapay sa harap. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now