Chapter 23.

551 33 4
                                    

Chapter 23. Kiesha's pov.



Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga. Subrang bigat pa rin dalaga ng pakiramdam ko kaya magpapahinga na muna ako.



"Tok, Tok, Tok!"

Nagising ako dahil sa mga katok na narinig ko. Pagtingin ko naman sa oras ay alas otso na ng gabi. Apat na oras pala akong nakatulog.

"Tok, Tok, tok!" Katok ulit.

"Sino 'yan?" Tanong ko nalang dahil ayaw kong tumayo.

"Ako ito, little sis." Si kuya lang pala kaya kahit ayaw ko ay tumayo nalang ako at binuksan ang pinto.

"Kuya, bakit?" Walang ganang tanong ko.

Sinuri niya muna ako mula ulo hanggang paa bago sumagot. "Bakit hindi ka pa nagpalit? Kanina mo na suot 'yan ah."

"Napagod ako, kuya e, kaya nakatulog ako agad nang hindi nakapagpalit."

Bumuntong hininga naman siya. "Siguro naman ay hindi ka na pagod ngayon kaya mag-ayos ka na at magpalit ng damit. Pagkatapos ay bumaba ka na para kumain. Hihintayin kita sa dining area."

"Sige, kuya."

Sinuri niya pa ako saglit bago umiling-iling na umalis. Ako naman ay ginawa ang sinabi niya bago lumabas at nagtungo sa dining area. Nadatnan ko naman siyang nakaupo na at umiinom ng kape. May nakahanda na ring pagkain sa lamesa at dalawang plato't kutsara't tinidor.

Bumuntong hininga pa muna ako bago lumapit at umupo sa lagi kong inuupuan.

"Mabuti naman at narito na ka. Sige, kumain na tayo."

Tumango lang ako at kumuha na ng pagkain. Wala kaming imikan dalawa hanggang sa matapos. Tumayo agad ako kaya napatingin si kuya sa akin.

"Tapos ka na? Ang kunti lang ng kinain mo ah."

"Tapos na ako, kuya, at saka wala na kasi akong ganang kumain ng marami. Sige at aalis na ako't babalik sa kwarto."

Walang naman siyang nagawa at pumayag na lang. Pagkapasok sa kwarto ay napabuntong hininga na naman ako at naupo sa kama. Napayuko ako at pumikit saka napasabunot ng buhok dahil sa frustration na nararamdaman ko. Isipin ko palang iyong nangyari kanina, feeling ko nabigo talaga ako na protectahan at ilayo sila sa kapahamakan at panganib laban sa mga kaaway ko.

Ilang sandali pa, habang nag-iisip ako ay narinig ko na namang may kumatok sa pinto pero hindi ako nagsalita at nanatiling nakayuko.

"Little sis, ako 'to. Papasok ako ah?" Hindi pa ako sumagot ay narinig ko ng bumukas ang pinto at nagsara. Pagkatapos ay narinig ko rin na naglakad siya palapit sa akin at tumigil sa harapan ko. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. Nakapamulsa siyang nakatingin sa akin ng kalmado. "Ayos ka lang ba?"

Ayaw kong magsinungaling kaya umiling ako. Napabuntong hininga naman siya at kinuha ang upuan na nakaharap sa salamin. Nilagay niya sa harap ko at doon naupo para magkapantay kami.

"Tell me, anong nangyari kanina bago ako dumating? At bakit nasa hospital ka imbis na nasa paaralan?" Hindi ako sumagot kaya nagsalita na naman siya. "Little sis, kuya mo ako, kaya kung ano man iyang problema mo ay sabihin mo sa akin para matulungan kita." Pangungumbinsi nito kaya napatango ako at mahinang napahikbi.

"Kasi, kuya, ayaw na nila sa akin. Galit sila at ayaw na nila akong makita."

"Shhh... Stop crying." Pagpapatahan nito at hinawakan ang pisngi ko saka marahang pinahid ang aking luha. "Tuloy mo lang ang sinabi mo. Bakit? Bakit mo nasabi iyan? Ano bang ginawa mo at ayaw na nila sa'yo?" Mahinahon nitong tanong.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now