Chapter 31.

534 33 3
                                    

Chapter 31. Third person's pov.



Bumilis ang tibok ng puso ng buong section fear. Hindi maipagkakaila na namiss nila ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Na gusto nila itong makita muli at humingi ng tawad sa lahat ng masasakit na salitang binitawan nila rito.

"Ayos na ayos ako, Kiesha." Nakangising sagot ni Roni "And how about you?"

"Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Anong kailangan mo?"

"Hindi makapaghintay? Gusto ko pang makipagkamustahan sa iyo eh." Natatawang sagot nito habang masama naman ang timpla ng mukha ni Aspren na nakatingin sa kanya na kanya lang namang nginisihan.

"If you just called me because of that, I'll just hang up because I don't have time for your nonsense." May diing wika ni Kiesha at ibaba na sana ang tawag magsalita si Roni.

"Talaga? Nonsense?.... E paano kung sabihin ko sa iyong bihag ko ang mga alaga mo wala pa rin bang sense?... Kung ganon ay wala kang oras para kunin sila sa akin?" Nakangising wika ni Roni na ikinatigil ni Kiesha at napatayo sa pagkakaupo.

"Anong sinasabi mo, Roni?" May diing tanong niya.

"Kung hindi ka naniniwala ay ipapakita ko sila sa iyo." Sabi ni Roni at itinapat ang camera ng cellphone kila Aspren at section fear. " Say hi to them?" Nakangising saad ni Roni.

Napakuyom naman ang kamao ni Kiesha dahil sa nakita lalo at hindi maganda ang mga itsura nila Aspren at section fear dahil sa natamong bugbog. "Anong ginawa mo sa kanila?"

"Anong ginawa ko? Wala pa naman akong masyadong ginawa. Pinatikim ko lang sila ng konte pero hindi naman gaano. Tingnan mo nga oh, konte pa lang naman ang napatay ko sa mga alaga mo kaya huwag kang mag-alala." Sabi nito at pinakita ang anim na lalaking nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.

Nanggigigil naman sa galit si Kiesha lalo na nang makilala niya kung sino-sino ang mga ito. "I will kill you." Diing sambit nito. " I know what you want. Wait me there and I will come. Make sure to ready yourself because I will torture you once I'll caught you."

Pagkatapos niyang bigkasin ang mga salitang iyon ay pinatay niya agad ang tawag at naghanda. Tinawagan din niya si Gorgon.

"Prepare yourself and your gang because we are going to be a battle."

"Masusunod, queen."

Pagkatapos niyang masabi kay Gorgon kung saang lugar ay binaba na niya ang tawag at umalis.

"Hmmm... Tingnan niyo nga naman. Hindi ko pa nga nasasabi ang pakay ko ay pumayag na siya agad. Mukang alam na nga niya talaga ang gusto ko... Ano, excited naba kayong makita siya?" Nakangising saad ni Roni habang nakatingin sa kanila na hindi na nawawala ang masamang tingin at iniisip kung kailan ba mawawala ang pagkakangisi nito. Nakakairita kasi at gusto nila itong tanggalin.

"Kahit na anong mangyari ay hindi ka magtatagumpay sa balak mo." Seryosong wika ni Aspren.

"Talaga? Pakiramdam ko kasi ay nagkakamali ka, haha!"

"Kahit na anong mangyari ay hindi ka magtatagumpay. Hindi ka nararapat na pumalit sa kanya dahil wala kang alam maliban sa paggawa ng mga kasamaan. Kahit anong gawin mo'y hindi ka aangat.... Kawawa ka." May halong pang-aasar na wika ni Aerence na ikinawala ng ngisi ni Roni at napakuyom ng kamao.

"Really? Then, kawawa ka rin dahil madadagdagan iyang mga natamo mo. Kunin siya at pahirapan. Huwag kayong titigil hangga't hindi nalalagutan ng hininga." Utos niya sa kanyang mga tauhan na agad naman nitong sinunod.

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now