Chapter 12. Kiesha's pov.
Tatlong araw na ang lumipas simula noong may nagtangkang pumatay sa akin. Nakalabas na rin naman at medyo magaling na ang sugat ni Dominique kaya nakakapasok na rin siya sa school, iyun nga lang ay bawal niya masyadong igalaw ang kaliwang braso niya kung saan siya tinamaan para madaling gumaling.
Nalaman din ng mga kagangmate ko ang nangyari sa akin kaya subra silang nag-alala lalo na si Aspren at kinumusta ako nang kinumusta. Medyo sinermunan pa niya ako dahil nakalimutan ko ang babala niya na hindi naman dapat sana dahil napakaimpotante nito.
Araw ng biyernes kaya may pasok pa. Nasa bahay ako ngayon at matatapos lang kumain. Tapos na rin akong magbibis ng school uniform at nasa likuran ko na ang din ang aking itim na bagpack.
Hindi na naman ako maihahatid ni kuya dahil kailangan niyang maaga pumasok ngayon para matapos niya agad permahan ang mga papeles na dapat permahan at may sunod-sunod din daw siyang meeting ngayong araw kaya magiging busy siya. Iyong motor ko sana ang gagamitin ko kaso nasa kanya ang susi nito at ayaw niya itong ipagamit dahil baka madisgrasya raw ako mahirap na, eh alam ko namang hindi iyon mangyayari dahil nag-iingat naman ako pero ayaw niya talaga. Tss!
Pagkalabas ko ng gate ay luminga-linga agad ako sa daan. Nang walang makita na sasakyan ay napabuntong hininga nalang ako at naglakad nalang, nagbabakasakali na may makasalubong na taxi na pweding sakyan papuntang school. Sampung minuto na akong naglalakad ngunit wala pa rin akong makita o makasalubong manlang ni-isa. Napabuntong hininga nalang ulit ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Pep! Pep!"
"Pep! Pep!"
Agad akong napahinto at tumingin sa likod. Agad akong napangiti nang makita ko kung sino-sino ang sunod-sunod na bumusina. Nakadungaw ito sa kanilang mga sasakyan habang kumakaway at nakangiting nakatingin sa akin. Kumaway naman ako sa kanila pabalik. Palapit sila sa kinaroroonan ko at huminto sa tapat ko ang kotse ni Nazzer, sa gilid niya naman ay kay Ranzel.
Bumaba si Nazzer sa kanyang sasakyan at nakangiting lumapit sa akin habang ang iba ay nanatili lamang sa loob ng kanilang sinasakyang kotse at nakatanaw sa amin nang nakangiti.
"Bakit ka naglalakad?" Tanong niya nang nasa tapat ko na siya. Agad naman akong sumimangot.
"Wala pa kasi ang driver ko eh, hindi pa nakakauwi kasama sila mommy't daddy at mukang matatagalan pa bago sila makauwi. Si kuya naman ay maagang pumasok kanina at wala rin akong makitang taxi," nakasimangot kong sagot at umirap sa kawalan saka nagcross-arms. Natawa naman siya at mahinang ginulo ang aking buhok.
"Ganon ba? Ayos lang 'yan, sa akin ka nalang sumakay para sabay-sabay na tayong lahat makarating sa school." Nakangiting paanyaya niya sa akin.
Agad namang umaliwalas ang aking muka saka napatingin sa iba pa na tumango-tangong nakangiti sa akin kaya nakangiting tumango-tango na rin ako sa kanya. "Sige!" Masayang bigkas ko kaya sabay-sabay silang natawa maliban kay Ranzel na alam kong kanina pa naiinip at napilitan na namang sumama sa kanila para sunduin ako.
"Sige, pumasok ka na," at pinangbukasan niya ako ng pinto. Pumasok naman agad ako at kinabit agad ang seatbelt. Pagkatapos niyang pumasok ay agad niyang pinaandar ang kotse at nagmaneho na sinundan naman ng iba.
Mabuti nalang at dumating sila dahil kung hindi at wala talaga akong makitang taxi kanina ay baka mahuli na ako sa unang klase, dahil naglalakad lamang ako na unang beses mangyari sa akin pagnagkataon.
Nakarating naman agad kami sa school. Pagkababa ng kotse ay sabay-sabay din kaming pumasok at nagtungo sa room.
**********
YOU ARE READING
The Only Girl In The Section Full Of Boys
ActionSiya si Nyhl Kiesha Villanueva, isang babaeng palaban at walang kinakatakutan. Malakas, matapang at handang iligtas ang mga mahal sa buhay. Handang mamatay para sa mga ito. Wala ng mas mahalaga pa kay Kiesha kundi ang makasama sa habang buhay ang ka...