Chapter 20. kiesha's pov.
Paggising ko ay tumama agad ang paningin ko sa kisame ng kwartong kinahihigaan ko ngayon. Napagtanto kong nasa hospital bed pala ako nang ilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Ilang sandali pa ay bigla kong naalala ang nangyari roon sa hideout ni Elton kaya napaisip ako.
Sila Ranz3l, as an kaya sila ngayon? Maayos na kaya ang kalagayan nila? Narito rin na sila sa hospital kanya ko?
Natigil lang ang mga katanungan sa isip ko nang pumasok si kuya na may dalang pagkain at prutas. Medyo natigilan pa siya nang makitang gising na ako pero kalaunan ay nagpatuloy na sa paglakad patungo sa lamesa.
"Mabuti naman at gising ka na." Wika niya at inilapag ang dala sa lamesa. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Maayos na ba? Wala na bang masakit sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong niya pa at humarap sa akin.
"Opo, kuya, medyo nakararamdam pa ako ng sakit sa ibang parti ng aking katawan pero hindi naman gaano kaya ayos na ako."
"Mabuti naman kung ganon. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko." Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo iyon ginawa?" Seryosong tanong niya na medyo ikinakaba ko.
"Ang alin, kuya?" Maang-maangan ko.
"Bakit ka sumugod doon nang mag-isa nang hindi pinag-iisipan ng mabuti--ay mali, nag-iisip ka pa ba talaga ng tama noong araw na 'yon?... Sa tingin ko hindi, dahil hindi mangyayari 'to sa 'yo kung oo." Galit na galit siyang nakatingin sa akin habang nagsasalita. "At hindi ka man lang nagpaalam sa akin kung payag ba ako sa gusto mo!"
"Kuya, ginawa ko lang naman iyon dahil nag-alala ako sa kalagayan nila at sa kung anong mangyayari sa kanila roon. Kilala ko si Elton, baka pag hindi ako dumating ay mapatay niya sila roon." Mahinahon kong sagot sa kanya.
"Ah ganon? So, mas gusto mong ikaw ang mamatay kesa sila? Kaya hindi mo na inisip ang mararamdaman naming maiiwan mo kung sakaling mawala ka?... Ano bang meron sa mga lalaking iyon at ganyan nalang kadali sa 'yo ang magsakripisyo para sa kanila?... "
"Mahalaga sila sa akin." Mahinang sagot ko.
"Ano?" Nagtataka at gulat nitong tanong.
"Ang sabi ko mahalaga sila sa akin."
"At bakit? Kailan mo lang sila nakilala."
"Iyon na nga eh. Kailan ko lang sila nakilala pero napamahal na ako sa kanila... Alam mo naman diba, kuya, na mula paglabata, pagkatapos mag elementary hanggang high school at sa huling school na natanggal ako, ni minsan hindi ako nagkaroon ng kaibigan?... " Turan ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at pinakatitigan lang ako.
"Sila Aspren lang mga naging kaibigan ko simula noong nakilala at sumali ako sa grupo nila, at hindi ko pa sila masyadong nakakasama dahil nasa ibang school sila nag-aaral... Ngayon, kuya, sa bagong nilipatan kong school nagkaroon ako, at sila Ranzel'yon... Hindi naging maganda ang unang tagpo namin pero habang tumatagal na nakasama ko sila ay nagbago ang lahat. Um ayos ang trato nila sa akin, naging kaibigan ko silang lahat. Hanggang sa hindi ko na maramdamang nag-iisa lang ako sa school gaya ng dati na walang kaibigan dahil dumating sila."
"Sila ang pumuno sa mga kulang sa buhay ko, at dahil sa kanila nagbago ako. Ang dating basagulera at palaging natatanggal sa school na pinapasukan ay unti-unting nawawala... Kuya, mahal ko sila bilang akin ng pinakamalapit na kaibigan at kapamilya na rin.... Kaya natatakot ako na baka sa isang iglap lang ay mawala sila sa akin, na bumalik na naman ako sa dating ako.... Ayaw ko na ulit maranasan iyon, kuya.... Gusto kong maranasan na maging masaya kasama sila, ang mga bago kong kaibigan. Kaya, kahit ikapahamak ko pa ay ayos lang dahil ako rin naman ang dahilan kung bakit sila napunta sa sitwasyong iyon." Hanggang sa natapos akong magsalita ay tumutulo pa rin ang aking mga luha kaya pinupunasan ko ito habang nakatingin kay kuya.
YOU ARE READING
The Only Girl In The Section Full Of Boys
AcciónSiya si Nyhl Kiesha Villanueva, isang babaeng palaban at walang kinakatakutan. Malakas, matapang at handang iligtas ang mga mahal sa buhay. Handang mamatay para sa mga ito. Wala ng mas mahalaga pa kay Kiesha kundi ang makasama sa habang buhay ang ka...