Chapter 11

665 43 0
                                    

Chapter 11.  Kiesha's pov.

Nakasunod lang ang kotse ni Nazzer sa mabilis na pagtakbo nang kotse ni Ranzel. Dalawa kami ni Nazzer sa kanyang kotse samantalang walang kasama si Ranzel. Papunta kami ngayon sa hospital kung saan dinala nang mga kaklase namin si Dominique para magamot.

Nang makarating kami ay agad naman silang nagpark pagkatapos ay bumaba. Pagkapasok namin sa loob ng hospital ay nagtanong agad kami kung saan dinala ang bagong dating.

"Dumiretso lang kayo tapos pagdating niyo sa dulo ay kumaliwa kayo. Makikita niyo doon ang isang pinto na may nakalagay na No. 30 sa taas, 'yon na 'yon."

"Sige, maraming salamat Po," pagkatapos ay nagmadali kaming umalis at pinuntahan ang sinabi niya. pagdating namin doon ay, nadatnan namin ang ibang section fear na nakatayo at naghihintay sa labas ng isang pinto.

"Kumusta na siya?" Tanong ko agad.

"Hindi pa namin alam, hindi pa kasi lumabas ang doktor," sagot ni Nick. Tumahimik nalang din kami at umupo ako habang sila ay nakatayo lang.

Nag-aalala ako. Paano kung malala 'yong nangyari kay Dominique, anong gagawin ko? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ganon. At mas lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may isa o ilan na naman sa kanila ang susunod na mapapahamak nang dahil sa akin.

Ilang minuto pa itinagal bago lumabas ang doktor. Napatayo agad ako samantalang dali-dali naman silang lumapit dito.

"Doc. kumusta na po ang kanibigan namin?" Tanong ni Ranzel.

"Maayos na siya, nakuha na namin ang bala sa balikat niya."

"Kailan ho siya maaring lumabas, doc.?" Tanong naman ni Nazzer.

"Bukas pa siya maaaring lumabas. Sa ngayon ay mananatili muna siya rito dahil oobserbahan pa namin siya mamaya kapag nagising na siya."

"Ganon po ba? Salamat po, doc."

"Maraming salamat po doc."

"Walang ano man. Pwede niyo na rin siyang bisitahin sa loob. Excuse me."

Pagkaalis ng doktor ay pumasok agad sila sa loob kaya sumunod ako. Nakaupo na ang iba sa sofa, habang ang iba naman ay nakatayo lang kasama na ako, si Ranzel at Nazzer.

Tumingin naman ako sa direksiyon ni Dominique at nakita siyang mahimbing pang natutulog. May binda rin ang kanang balikat niya.

"Nahabol niyo ba ang lalaki?"

"Sino siya?"

"Bakit ka niya pinagtangkaang barilin, Kiesha?"

"Nasaan siya ngayon?"

"Ano raw ang motibo niya?"

Sunod-sunod na tanong nila habang nakatingin sa aming tatlo nila Nazzer lalo na sa'kin.

"Hindi namin nahuli, nakatakas siya." mahinang sagot ko.

"Ano?"

"Paano?"

"May mga kasamahan siyang naghihintay sa dulo na nakasakay sa kotse at tinulungang siya nitong makatakas. Muntik pa ngang mabangga si Kiesha nong kotse eh, at mukang sinadya naman nila. Mabuti nalang at mabilis namin siyang nahila ni Ranzel kaya hindi sila nagtagumpay."

"Ano?!"

"Kiesha, ayos ka lang ba?"

"Hindi ka ba nasaktan?"

"Wala bang nadali sayo?"

"Kumalma kayo, ayos lang ako. Huwag na kayong mag-alala."

"Sihurado ka?"

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now