Chapter 28.

664 40 31
                                    

Chapter 28. Ranzel's pov.


Umuwi ako ng bahay nang napapaisip tungkol sa lahat ng narinig ko kanina mula sa dalawang  lalaki na iyon.


Sino ba ang tinutukoy nilang queen? Bakit kami nito pinababantayan?

Masyado ba kaming importante sa kanya para utusan niya ang dalawang grupo na iyon?

Kilala ba namin siya?


Gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong ko. Ngunit paano? May parti rin sa akin na nagsasabing kilala ko ang babaeng tinutukoy nila pero hindi ako sigurado dahil.... Bakit naman niya iyon gagawin? Tinaboy na namin siya kaya dapat wala na siyang pakialam sa amin ngayon.


Napaupo nalang ako sa aking kama at napabuntong hininga saka napatulala sa sahig. Nabalik lang ako sa ulirat at napaangat ang tingin sa pinto nang may kumatok dito.


"Who's that?"

"It's me, son."

"Come in."


Bumukas naman ang pinto at pumasok si daddy. Pagkatapos niyang maisara ang pinto ay lumapit siya sa akin at huminto sa harap ko nang nakapamulsa.



"Anong kailangan mo, dad?" Walang ganang tanong ko.

"Ano na naman ang nangyari sa iyo at ganyan ang itsura mo? May mga pasa ka na naman. Nakipag-ayaw ka na naman ba? Diba sinabi kong tigilan mo na iyan at umiwas sa gulo? Gusto mo bang parati kang may mga pasa at sugat, ha?" Sermon nito.


"Dad, please, I'm tired kaya huwag mo na akong sermunan. Saka mga pasa lang naman ito kaya hindi ko ito ikamamatay."

"Hindi ka na talaga nagbagong bata ka."

"Yeah."

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo."

"Huwag ka na pong mag-abalang mag-isip kung ano ang gagawin mo sa akin dahil wala rin namang patutunguhan iyan. Kung iyan lang din ang sadya mo rito ay kung pwede lang lumabas na kayo dahil magpapahinga na po ako."

"Fine, pero hindi mo man lang ba dadalawin ang kaibigan mo?"

"Bakit ko pa sila dadalawin eh nagkasama naman kami kanina? Sabay pa nga kaming umuwi lahat."


"Hindi iyang mga kaibigan mong lalaki ang ibig kong sabihin. What I mean is don't you want to visit Kiesha? Hindi mo man lang ba siya kukumustahin?"


Umangat ang tingin ko sa kanya at hindi ipinahalata na medyo nagulat ako sa kanyang tinuran. "Bakit? Para saan?"


"Well, she's your classmate and your friend after all."


"Well not anymore. We're not close and we are not friend, so, why bother to go there and ask her?"


"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan ninyo pero she just lost her parents. Dapat pinuntahan mo pa rin siya ron kahit hindi mo na siya kausapin, basta't pumunta ka lang doon at makiramay..... Naaawa ako sa magkapatid na Villanueva lalo na sa kanya. Noong pumunta ako roon ay ang kuya niya lang ang nakausap ko dahil hindi siya lumabas o nagpapasok sa kwarto niya. At naiintindihan ko naman iyon dahil alam kong subra siyang nasaktan at nagdadalamhati sa pagkawala ng mga magulang niya. At sana ngayon ay ayos na siya."


Natigilan at napapaisip na naman ako sa kanyang sinabi. "Bakit mo po iyan sinasabi sa akin, dad? Anong dahilan?"

"Gusto ko lang na magkaayos kayo at damayan mo siya lalo na ngayon na may dinaramdam siya."


The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now