Chapter 6

873 48 0
                                    

Chapter 6

Kiesha's pov.

Kasalukuyan akong nakaupo rito ngayon sa loob ng opesina ni kuya habang nagpi-perma na naman. Pang-apat na araw ko na rito at may tatlong araw pa akong natitira bago matapos itong punishment ni kuya sa'kin.

Nakayuko lang ako habang nagpi-perma nang biglang bumukas ang pinto kaya napatigil ako at napaangat ang tingin sa kung sino mang taong nagbukas nito nang hindi humuhingi ng pahintulot sa'kin.

"Ranzel?!"

Gulat na gulat kong sigaw nang makita siya na ngayon ay nilo-lock ang pinto at ini-on ang soundproof saka dahan-dahang humarap sa'kin.

Gulat pa rin akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam na pupunta siya riyo ngayon at wala ring sinabi sa'kin si Miss Chantilly.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa'kin at nang makalapit ay agad niyang nilagay ang dalawang kamay sa mess at dumukwang saka inilapit ang mukha sa'kin. Medyo naduling pa ako sa subrang lapit niya kaya umatras ako ng mga limang dangkal sa kanya na sinundan naman niya ng tingin. Mata sa mata.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Ikaw, anong ginagawa mo?" Balik tanong niya na ikinataka ko.

"Problema mo?" Nakakunot noo kong tanong uli.

"Ikaw," diretsahang sagot niya.

"Ako? Bakit?"

"Kailan mo balak sabihin sa mga kaklase natin o sa'min ang tunay mong pagkatao?"

Nabigla ako.

Anong ibig niyang sabihin? Alam na kaya niya? Kung oo, paano?

"Anong ibig mong sabihin?" kahit na may hinala na ako kung ano ang tinutukoy niya ay nagtanong pa rin ako. Gusto kong makasiguro kung tama ang nasa isip ko.

"Damn it! 'Wag ka na ngang mag-maang-maangan pa dahil alam ko na alam mo ang tinutukoy ko!" Napapikit ako dahil sa sigaw niya.

Galit siya. Okay.

"Bakit hindi mo nalang ako diritsuhin!" Galit ko ring sigaw sa kanya.

"Fuck!" Mura niya at tumingin sa'kin ng masama. "Matagal na ba 'yan?'

"Ang alin?"

"Matagal ka na bang gangster?!"




"So alam mo na," nasabi ko nalang saka sumandal sa upuan.

Ganoon pa rin siya simula kanina.

"Damn! Sagutin mo nalang! Matagal na ba?!"

"Oo! Ano, ayos na ba?!"

Napangisi naman siya. "Haha. Kaya ba tinanong mo kami noon kung ano ang gagawin namin kapag nalaman namin kung may isa sa mga kaklase namin ay gangster? Dahil ikaw 'yun?! Ha! Sumagot ka!" Galit na galit niyang sigaw kaya napapikit ulit ako.

"Ano ngayon kung ako nga? May gagawin ka? Saka, kailan mo nalaman ang bagay na 'yan?"

"Wala ka ng pakialam kung kailan ko nalaman at wala ka ring pakialam kung ano man ang gagawin ko!" Mariin niyang sagot na may matatalim na tingin sa'kin.

"Okay. Now, are you gonna tell them?"

"Hindi. Dahil hahayaan ko na sila mismo ang makatuklas ng tinatago mo at hayaan silang kusang magalit sa'yo." Seryoso at walang emosyong sagot niya. Hindi naman ako kumibo at nanatili pa ring nakatingin sa kanya at habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "Ilang tao na ba ang napatay mo? Siguro.. mahigit isang daan na. Tss! How demon you are?"

The Only Girl In The Section Full Of BoysWhere stories live. Discover now