Chapter 10.
Kiesha's pov.
Naglalakad Ako Ngayon papasok sa gate nang makita ko si Ranzel na papasok din kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at sumabay sa paglalakad. Naramdaman niya siguro ang presensiya ko dahil lumingon siya sakin kaya lumingon din ako sa kanya.
"Good morning, sabay na tayo?" nakangiti kong bati sa kanya na kinonutan niya naman ng noo.
"Tss... Sumabay ka na nga eh, saka ka pa nagtanong," may pagka supladong sagot niya habang nakatingin sa daan.
Ngumiti nalang ulit ako at hindi na nagsalita pa. Tahimik nalang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa room namin. Nauna siyang pumasok at sumunod ako. Iilan palang ang mga kaklase naming nasa loob at mukang mamaya pa darating ang iba.
Dumiretdo agad si Ranzel sa kanyang upuan kaya tumungo na rin ako sa akin. Hindi rin naman ako napansin ng iba dahil busy sila sa kanilang mga ginagawa.
Napatingin naman ako kay Nazzer na nakaupo sa kanyang upuan at nakatanaw sa bintana. Hindi muna ako umupo sa aking upuan at dahan-dahan muna akong lumapit sa kanya saka siya ginulat. Napatawa ako dahil bigla siyang napatalon sa kanyang upuan at natumba sa sahig saka gulat na gulat na napatingin sa akin.
Agad ko naman siyang nilapitan at tinulungang makatayi habang natatawa. Napabuntong hininga naman siya habang inalalayan ko siyang makaupo ulit nang maayos sa kanyang upuan.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Naiinis na tanong niya sa akin.
"Wala lang, ang seryoso mo kasi kaya ayon. Sorry na. Hindi ko kasi akalain na ganon ka magulat."
"Huwag mo ng uulitin iyon ah?"
"Okay," saka ako umupo sa aking upuan.
"Kanina ka pa?" Inilingan ko siya.
"Hindi, kararating ko lang," nakangiting sagot ko.
"Hmmm..."
Magsasalita pa sana siya ulit nang biglang pumasok si Sir Marcos na may dalang libro. Kami naman ay tumahimik at umayos ng upo habang nakatingin kay Sir na kalalapag lang ng dala niya sa lamesa. Pagkatapos ay tumingin siya sa amin nang nakangiti.
Mukang good mood si Sir Ngayon.
"Good morning, class!"
"Good morning, Sir!"
"How was your day?"
"Fine, Sir!"
"It's okay, Sir!"
"Very good, Sir!"
"Maganda, Sir!"
"Okay. Since, maganda ang araw niyo Ngayon ay sogurado rin akong magagandahan din kayo sa ating lesson ngayon at marami rin kayong mga aral na makukuha." Huminto siya sandali sa pagsasalita at inilibot ang tingin sa aming lahat pagkatapos ay ngumiti.
"Ano po bang lesson niyo ngayon, Sir?" Tanong ni Nick. Ngumiti muna si Sir sa kanya bago sumagot.
"Our topic for today in English is all about the best lessons in life." Napatango-tango naman kami at ngumiti rin dahil mukang maganda nga ang topic namin ngayon. "We all know that their are so many lessons in our life, the best lessons that we have to remember and know. And that's what I want to teach and discuss to all of you... Are you ready?"
"Yes, Sir!"
Subrang energetic nilang sumagot. Halatang nasasayahan at excited.
"Okay, let's begin... The first lesson in life that we are going to discuss is all about short quotes but, before that let me know if anybody here know what is short quotes. At least one sentence. Any one?"
YOU ARE READING
The Only Girl In The Section Full Of Boys
ActionSiya si Nyhl Kiesha Villanueva, isang babaeng palaban at walang kinakatakutan. Malakas, matapang at handang iligtas ang mga mahal sa buhay. Handang mamatay para sa mga ito. Wala ng mas mahalaga pa kay Kiesha kundi ang makasama sa habang buhay ang ka...