Chapter 1 New Beginning

3.6K 63 4
                                    

Duke Roseller






"One more closer Duke..... And that's it. Good job Duke Roseller..."

Papuring sabi sakin ni Edward Bernadotte Isang Private Physiotherapist ng Royal family namin. Inalalayan niya akong umupo sa bench dito sa malawak na ektaryang garden nang palace rest house na pag mamay ari nang angkan nang pamilya ko.

Hingal na hingal ako dahil ginawa namin exercise. Lakad takbo kase ginawa ko ngayon, araw-araw akong nag e-exercise Kasama ang private Physiotherapist ng Royal family. Nakatayo lang siya malapit sakin. He's wearing a royal blue uniform niya na pang physiotherapy sa mga hospital. Pero kakaiba ang kaniya dahil may logo ng Royal knights sa Isang sleeve nito sa gawing kaliwa.

"You have a lots of improvement from past weeks until now. Duke Roseller.... I'm so happy and proud of you."

Ngiting sabi niya sakin habang siya ay hinihingal din. gwapo ito at Briton na Briton ang dating, maskulado ang pangangatawan niya na bagay sa height niya na 5'11 at bluish eyes niya na parang mata nang manika. Kumuha siya nang tubig at binigay sakin para uminom.

Kinuha ko iyon at nag pasalamat sa kaniya. Sariwang hangin ang nalalanghap ko ngayon dito sa garden ng palace. Marami kasing palace at property ang angkan ng pamilya ko ang royal family na kinabibilangan ko. Hindi ako sa buhay na sobrang yaman pero wala akong magagawa kailangan kong I adjust ang sarili ko sa mga nangyayari sa paligid ko. Ginagawa ko itong improvement na ito Hindi para sakin kundi para sa kambal ko na anak ngayon ay mga binata at dalaga na.

Sobrang bilis nang panahon dahil 10 years akong walang Malay o comatose sa private hospital na pagmamay ari ng Royal family kung saan ako naka confined. Hindi ko parin matandaan kung paano ako nakapunta dito sa England. Ang tanging natatandaan ay ang mga huling Araw ko kung saan ay sumabog ang sasakyan na malapit sa bangin. Si Claire ang gumawa nun sakin. Ang walang hiyang babaeng iyon.

Nung inaalala ko ang mga bagay na iyon, Hindi ko na Pala napapansin na yuping yupi na Ang bote nang tubig na inumin na pinag inuman ko kanina dahilan para Makita iyon ni Edward sa kanang kamay ko.

"Watch out, the bottle you holding is flattened. Are you angry Duke?"

Tanong sakin ni Edward. Napailing na lang ako sa tanong niya at itinapon ang bote sa basurahan. Naglakad lakad ako sa malawak na garden nang palace habang may hawak akong walking stick sa right hand ko, kulay black ito at matibay. Hindi siya gawa sa aluminum. Purong bakal siya na silver at kulay black kaya mabigat siya kaunti. Kinuha ko ito sa bench kung saan ako umupo, Iniwan ko kase ito duon para mag exercise kami ni Edward. Pinagmasdan ko ang mga bulaklak rito sa garden na ibat-iba. May daffodil, tulips, Sunflower, Carnation, Rose, Aster, at kung ano-ano pa. Napatingala ako dahil sa malalaking Puno na naririto ngayon kalayuan sa harap ko. Ang mga dahon nito ay nababalutan nang ice frost na maliliit dahil nag snow lang nakaraang buwan rito. Minsan humahamog sa hapon o gabi dahil sa lamig kaya naman dobleng suot ang susuotin para Hindi ka lamigin.

Kulay black and gray na sweatshirt na long sleeves at ganun din ang pang ibaba ko na parang leggings pero ganun din ang kulay niya na black and gray din. Branded at sobrang expensive ang mga damit na sinusuot ko kapag lalabas ako nang palace o mag e-exercise.

Kumusta na kaya si Emmanuel tsaka si AJ? Siguro iniisip nila na Patay na ako ngayon. Sobrang miss ko na sila, sana Hindi nila ako kinakalimutan.

Sabi ko sa isip ko. Habang nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang mala ice blue na kalangitan, Hindi naman masama ang panahon ngayon... Maulap lang at mahangin.

"Hey Duke, I have to go.... Nice exercise by the way. see you tomorrow."

Sabi sakin ni Edward nung makalapit siya sakin para magpaalam. Tumango lang ako at pinagmasdan ko siyang palayo na naglalakad sakin palabas nang garden. Sa pag tambay ko sa garden lumapit ako sa mga bulaklak para hawakan ang mga iyon nang may dumapong ibon sa right hand ko. Kulay puti ito na parang kagaya sa kalapati pero maliit ito at cute. Napangiti ako rito at inangat ko ang kamay ko para matignan nang maayos ang ibon na iyon. May mga balahibo siyang maliliit sa ibabaw nang ulo niya. Humuhuni ito na parang Maya na maliit at bigla itong lumipad paalis sa kamay ko.

Naisip ko bigla ang namayapa kong anak noon nung pinagbubuntis ko palang silang tatlo. Namatay siya dahil sa kagagawan ni Claire na itinulak ako na malakas sa mesabg kahoy na maliit at malakas ang pagkakabagsak nang balakang at pwetan ko sa sahig. Kaya maraming dugo ang lumabas sa butas ng pwet ko.

Anak, alam kong Ikaw iyon... Kinakamusta mo ako ngayon, mabuti naman ako anak. Nag uumpisa na ako mag bagong buhay. Ngunit mananatili ka sa puso ni mama, alam kong Kasama mo na riyan ang Lola mo at Lolo mo. Bantayan niyo lang kami rito sa ibaba Lalo na Ang kambal mong kapatid, Hindi ka namin makakalimutan anak. Lalo na ako.... Pangako, igaganti kita sa taong pumatay sayo. Babawian ko siya kapag ganap na akong malakas....

Sabi ko habang nakuhang nakatingin sa langit, kahit mahigit sampung taon na Ang lumipas buhay na buhay parin ang sakit sa puso ko. Sakit na dinulot nito kay Sebastian, pinaasa, niloko at sinaktan ako nang paulit ulit. Walang araw na magkasama kami na Hindi niya ako pinapaiyak... Tanging pagmamahal ko sa kaniya Ang pinaparamdam ko at tanging kabaitan lang sinusukli ko sa mga panloloko at pagpapaiyak niya sakin. Ngunit siya, napaka ruthless niyang tao. Kahit na magsisi ako ngayon na binigay ko ang sarili ko sa kaniya at nag bunga iyon, Hindi na maibabalik sa dati ang pagmamahal ko sa kaniya. Alam kong Masaya na siya kay Claire. At Ang babaeng iyon... Ang puno't dulo nang Galit ko ngayon na nararamdaman ko sa puso ko na Hindi mawawala dahil sa pagpatay niya sa anak ko na inosente at walang kalaban laban. At higit sa lahat ang pagtatangka niya sa buhay ko.

Siguro iniisip nila na Patay na ako? Nagkakamali sila dahil buhay na buhay ako at babalikan ko sila para maghiganti. Hindi lang sa buhay ng anak ko pinatay nung babaeng iyon, kundi sa sarili ko na pinagtulungan nilang dalawa na ngayon ay wala nang awang makikita sa mga mata ko para sa kanila.

Ipaparanas ko sa kanila ang buhay impiyerno... Kaya ipagdasal na nila kay Satanas na Maaga silang Kunin, dahil uunahan ko na siyang Gawin impiyerno ang mga buhay nila.. sa dobleng sakit na pinaranas at pinaramdam nila sakin, triple ang ibabalik ko sa kanila.

Naluluha kong sabi habang nanginginig ang kanang kamay ko na may hawak na hand stick dahil sa Galit at nanlilisik ang mga mata ko ngayon. Lalong nag aalab ang Galit sa puso ko ngayon dahil nararamdaman ko na Ang sakit na nanggagaling sa puso ko.

"kailangan ko nang maisagawa ang mga Plano kong paghihiganti para sa pagbalik ko, yayanigin ko ang mga buhay nila sa gagawin ko."

✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon