Chapter 34

4K 88 1
                                    

CHAPTER 34

Paula's POV

"Here's the DNA test result, Ms. Paula"

Kinuha ko na yun, nagpasalamat at umalis na sa ospital.

Yan ang plano ko, mag pa DNA test!

Hindi ko muna tinignan kung positive o negative ba talaga. Kinakabahan nga ako eh. Hay ewan.

Nagpahatid na muna ako sa driver ko sa mall. Gusto ko mag gala. Mag gagabi na rin naman kaya gala muna. Wala naman akong ginagawa sa bahay. Nakatunganga lang. Hinihintay text ni crush. Hahaha. De joke lang.

Ilang minuto lang dumating na rin kami sa SM. Hindi naman malayo ang ospital sa SM. Kaya di masiyadong matagal. Sumunod naman yung driver ko saakin. Oppss! Di ko siya boyfriend. Haha. Driver nga eh, diba? Driverguard ko 'to. Driver plus body guard. Actually marami akong body guard pero mas gusto ko isa lang. Kung saan ako pupunta, andiyan parati yung driver ko. Ang gwapo niya nga eh. Hahaha. Totoo, gwapo niya talaga. Parehas lang kaming edad. Pinaaral din 'to siya ni daddy sa SU. Kasi dinkasi siya mayaman kaya nagtatrabaho siya para sa pamilya niya. May sakit pa naman yung papa niya. Only son lang siya. Sometimes nga magka-vibes kami nito eh. Para kaming barkada. Hahaha.

"Hey Marshall, pagpipilian kita ng damit ah? Treat ko 'to. Hihi" sabi ko sakanya. Actually, nagagalit yan pag tinatawag na Marshall ng iba. Jason kasi yung pinapatawag niya sa iba. Para kasi dawng MARSHALL LAW. Ayaw niya daw yun. Kinwento niya sakin yan last time. Eh sa favorite ko ang Marshall eh. Ako lang daw ang pwedeng tumawag ng Marshall sakanya. Naks! Hihi.

Para naman siyang nahihiya. Awwe, cute! "Naku, ma'am. Wag na po. Okay lang."

"Ilang ulit ko na sinasabi sayo na wag muna akong tawaging ma'am. Haha. Ano kaba! Magka-edad lang naman tayo, ano. Tapos wag kana mag po." Ngumiti naman ako sakanya.

"Okay po este okay Paula. Hehe." Nahihiya pa rin talaga siya. Since 3rd year highschool kilala na kami nito eh.

"Tara, ipagshopping kita."

Nagpili naman kami ng pili basta bagay sakanya. Awwe, lahat ata ng pinili ko bagay sakanya eh. Waaa!

Maya maya naman may tumawag saakin. Si daddy kaya to? Tinignan ko naman kung sino ang tumawag. Si tita pala.

"Hi Tita! Good evening po."

"Iha! Good evening din. Saan ka na ba?! Busy na kami dito kakaprepare para sa birthday ni Chandy. Ikaw lang yung wala. Ano kaba!"

O_O HALA! Birthday pala ni Lyra! Waaaa! Bat nakalimutan kooo?!

"Don't tell me nakalimutan mo?!" Sigaw ni tita saakin.

Waaaaa! Nakalimutan ko talagaa. Gosh. Buti andito kami sa mall, mamili pa ako ng gift para sakanya. Mygheed.

Pero joke lang! Of course alam ko na birthday niya ngayon. Hahaha. Ready na rin yung gift ko para sakanyaa! Kyaaa! Excited ko na nga ibigay. Haha.

"Hindi po, Tita noh! Best friend niya 'ko! Kaya alam ko yun. Hahaha. Andito po ako sa mall, Tita. Kasama ko yung boyfriend ko." Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Marshall. Hahahaha. "Joke lang po! Kasama ko po yung body guard ko. Hihi."

"Ayieee! Baka makatuluyan mo yan! Supporter ako! Hahaha. Anyway, punta kana dito. Okay? Bye na. May gagawin pa ako." Namula naman ako saglit at ini-off yung call ni tita.

Nagpatuloy naman kami sa pag shopping namin. Hindi na rin nahihiya si Marshall. Nagjojoke na siya sakin. Kaya, tumatawa naman ako. Woww! May sense of humor pala tung lalaking 'to eh!! Hahaha.

Ilang oras pa kaming nag stay sa mall. Mga 8:30pm pa naman mag start yung debut party. Kaya Oks lang!

Marami naman kaming nakwento sa isat-isa. Ganun. Tawa dito tawa doon.

Nagriring nanaman yung phone ko kaya sinagot ko nanaman.

"Isturbo mo naman!" Bulyaw ko.

"Duh. Shut up please. Si Denise 'to."

"Pake ko?" Pagtataray ko sakanya.

"Ang taray ah?! Wag nga muna akong tarayan. Waaaah! Paulaaa!" Naiiyak na sagot ni Denise.

Kinakabahan naman ako.

"Huy! Anong nangyari sayo?!!" Sigaw ko na rin na may halong kaba. Di na ako mapakali. Parang may nangyari kasi eh. "Denise!" Sigaw ko.

"Paula! Huhuhu. Si Lyra nawawala!" Patuloy pa rin sa pagiyak si Denise.

"OMG! Saan na siya ngayon? Omygod!" Naiiyak na rin ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Malay ko ba kung nasaan siya?! Andito lang naman ako sa venue. Tinawagan kasi kami ng mama ni Lyra. Gabing gabi na daw di pa daw bumalik si Lyra. Hinanap daw nila pero di daw nila makita si Lyra. Ni report kaagad daw nila sa police na nawawala si Lyra. Ako nalang at si Xina ang naiwan dito."

Naiyak na talaga ako. Paano na yaaan?! Sa mismong birthday niya pa talaga siya nawawala?!
- - - -
Chos. Hahaha. Kindly vote. Thankkks.

Happy 3k views/reads!! Thanks guyys. 😊

Teyluuuhr

The Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon